Chapter 7

7 4 0
                                    

"Uuwi ka na?" Napalingon ako kay Peter.

Tinaasan ko sya ng aking kilay. "Ay hindi! Papasok pa lang ako! Kita mo!?" Pabalang kong sagot sa kanya. Napailing na lamang sya sa inasta ko.

"Hatid na kita" Natuod naman ata ako sa sinabi nya. Sa ilang linggo naming nagkaka-usap, nagkaka-asaran, sabay kumain, at nagbabangayan ngayon lang sya nagpresintang ihatid ako.

"Baka naman may kailangan ka kaya ka nagpre-presintang ihatid ako! Naku Peter! Ayoko ng mga ganyanang galawan mo" Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng nga gamit ko. Nahagip pa ng mata ko ang pasa nya sa gilid ng labi nya. Nagmukha tuloy syang bad boy. Ang angas ng mukha. Napangisi ako dahil napa-aray sya ng magyangka syang ngumisi.

Kanina pagpasok nya, tanungan agad ang mga kaklase namin especially ang mga babae kung anong nangyari sa gilid ng labi nya. Tumingin lang sya sa akin sabay sumbong na ako daw may gawa nun. Kaya etong mga fan girls nya ayun ang sama na naman ng tingin sa akin.

Kaya heto, inis na inis ako sa kanya!

Dire-diretso lang akong naglakad palabas ng Room habang malalaking hakbang ang ginawa ni Peter para maabutan nya ako.

Sa Fire Exit ng building ako dumaan, nasanay na ako dahil kay Peter. Doon kasi nya ako palaging hinihila kapag uwian na para daw iwas sa maraming estudyante.

"Ang sungit sungit mo talaga!" Sigaw nya. Napahinto ako sa paglalakad ng higitin nya ang braso ko. "Ano ba!?" Singhal ko. Binawi ko ang braso kong hawak nya pero kaagad nya ulit itong hinawakan.

"Sabing ihahatid na kita, ang tigas ng ulo mo" Iiling-iling nyang sabi at hinila na ako patungo sa labas ng University.

"Bakit? May malambot bang ulo!?" Pabalang kong tanong sa kanya. Kaagad naman nyang ginulo ang buhok ko. Akmang sasapakin ko sana sya ng hawakan nya agad ang kamay ko.

"Nakaka-ilan ka na ha" Pagbabanta nya sabay baba nya sa kamay ko. Napa--tsk-- na lang ako.

Pumara sya ng Taxi at pina-una nya akong pinapasok sumunod sya.

"Manong dyan na lang po nyo ihinto" Narinig kong sabi ni Peter. Kaagad syang nagbayad at hinila na naman nya ako palabas. Hindi naman masakit ang pagkakahawak nya, sakto lang para hindi ako makawala.

"Eh hindi naman dito ang bahay namin ah!" Galit kong sigaw sa kanya. Pinilit kong huwag humakbang para tumigil sya. Duh? Kailan pa naging bahay namin ang Mall!?

"Binili ko ang Mall para sayo" Sambit nya sabay ngisi kahit na nahihirapan na sya. Susuntukin ko na sana yung isang gilid ng labi nya ng sanggain nya ang kamao ko gamit ang palad nya. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao pero wala akong paki-alam. Inggit sila? Eh di humanap sila ng kaibigan na lalaking bubugbugin din nila.

"Anong binili ka dyan!? Neknek mo Peter Pan! Tsaka na ako maniniwala sayo kapag naging isa ka ng pinaka-magaling na hacker sa buong mundo! O kaya taga gawa ng virus! Doon na ako maniniwalang binili mo itong Mall na nasa harapan natin!" Mahabang litanya ko. Turo ko pa ang mall na nasa harapan namin. Talagang literal na may pagka-tsismoso at tsismosa ang mga pilipino, magbulong-bulungan ba naman sabay tingin sa amin mula ulo hanggang paa!

Napatikom ako ng bibig dahil wala akong narinig na salita kay Peter. May nasabi ba akong mali? Halla! Bungangera talaga ako! Napatampal na lang ako sa aking noo. Umakto pa akong zinipper ang bunganga ko habang nakatingin sa mga mata ni Peter.

"Ang daldal mo talaga! Totoo ngang madadaldal ang mga babae!" Hindi makapaniwalang sambit nya at hinili nya akong muli papasok ng mall.

Tumigil kami sa harapan ng NBS.

Taka akong tumingin kay Peter na nakatingin din pala sa akin. "Oh, bakit mo ako dinala dito?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hindi ko man kayang bilhin ang Mall sa ngayon, pero kayang kaya naman kitang bilhan ng mga libro. Kahit isang daan pa" Cool nyang sabi. Napangiwi ako sa sinabi nya. May sapak ata talaga. Pero sa loob loob ko napapangiti ako dahil never may nagdala sa akin sa NBS para ilibre ng mga libro.

Mahina ko sya sinuntok sa balikat habang nakangiti. "Bumabawi ka ba?" Naiiyak na tanong ko sa kanya. Alam na alam nya talaga kung ano ang ikakawala ng galit ko sa kanya. Kung hindi pagkain ngayon eto naman, libro.

Niyakap ko muna sya ng mahigpit bilang pasasalamat. Bahagya pa syang natuod sa ginawa ko. "Thank you, Peter Pan. Ang bait mo pala" Pagloloko ko.

"Tara na!" Sabay hila ko sa kanya papasok ng NBS. Pinagtitingin parin kami ng ibang tao. Naka-school uniform pa kami.

Agad kong binitawan ang kanyang kamay at agad na pinulot ang pinaka-paborito kong libro na hindi ko mabili-bili dahil masyadong mahal. Niyakap ko pa ang libro at binuklat upang amuyin. Doon na ako na-addict sa amoy ng libro.

Matapos kong yakapin ang libro. Nagtungo ako kung nasaan si Peter na naghihintay. "Isa lang?" Taka nyang tanong sa akin nang makita nya ang hawak kong isang libro. Ngumiti ako at tumango. Sobrang sapat na nitong librong ito. Pwede na akong magtatalon sa mukha dahil sa wakas mabibili ko na din ang librong matagal ko ng gustong bilihin. Mabuti nga at may isa pang copy, every Saturday nagtutungo ako dito para tignan kung may nakabili na ba at kapag nakikita ko pang wala pang nakakabili lagi kkng ipinagdadasal na sana wala pang makabili.

"Tara na sa counter, bayaran na natin" Nakangiting sambit ni Peter. Sumunod naman ako sa kanya.

Ngumiti pa ang cashier sa amin bago ko i-abot ang libro. Pinunch nya na at sinabi ang halaga ng librong iyon. Naglabas ng pera sa Peter sa kanyang wallet ng 1000 dahil 799.50 centavos ang bayad ng libro.

Pagka-abot ng sukli at ng libro kay Peter ay ngumiti muli nag cashier. "Bati na tayo ha?" Tanong ni Peter sabay abot sakin ng libro. Nakangiti ko namang inabot iyon at tumango nang tumango.

Nahagilap muli ng mata ko si Ateng cashier na nakangiti lang sa amin. Akala siguro nun, boyfriend ko si Peter kaya ang lakas ngumiti dahil kinikilig. Aba!

"Okay lang ba talaga na binilhan mo ako ng libro? Baka naman ipabayad mo sa akin ito kapag inaway ulit kita" Paninigurado ko kay Peter.

Tumawa muna sya bago sumagot. "Ang daldal mo talaga! Tara na nga, kumain na muna tayo bago kita ihatid" At hinila na naman nya ako.

"Libre mo?" Pangjo-joke ko sa kanya. Natawa na naman sya sa akin. Pagkatapos naming mag-order ako na ang nag-abot ng bayad. "Ako na" Pagpupumilit nya. "Sabi ng ako na" Kunwaring nagagalit na ako. Hindi na lang sya nakipag pilitan pa. Nakakahiya naman kung pati sa pagkain ililibre pa nya ako. Hindi naman makapal mukha ko nuh! Pero makapal palad ko para manapak ng tao. Iyon ang makapal sa akin.

Pagkatapos naming kumain ni Peter ay inihatid nya ako sa bahay.

"Salamat talaga ha" Nandito na kami sa tapat ng gate. Mga seven na ng gabi ngayon.

Ngumiti muna sya. "Tama na yung minsang nagpasalamat ka" Bakit ba ang bait nya? Sana all. Sana lahat ng lalaki parang kay Peter.

"Ayieh! Para kang bakla!" Natatawang pagloloko ko sa kanya. Hindi parin maalis sa labi nya ang napakatamis na ngiti. Sana all.

"Makirot pa ba yang pasa mo?" Nahihiya kong tanong sa kanya. Umiling sya. "Hindi na masyado" Sagot nya habang nakangiti parin. Siguro ay nasanay na ang kanyang labi sa kakangiti nya.

"Sige na, umuwi ka na. Baka mas lalo kang magabihan" Pabiro kong tinaboy sya.

"Sige, magpahinga ka na rin. Sweet dreams" Huling kataga nya bago sya naglaho sa paningin ko. Hindi pa ako babalik sa realidad kung hindi pa kumidlat ng malakas. What did he say? Sweet dreams? Napaka-simpleng salita pero iba ang naging epekto n'on sa akin.

Hindi ko na sya nagawang sagutin. Pumasok ako ng bahay na pakiramdam ko ay nakalutang ako sa alapaap.

I shook my head. Kumibit balikat na lamang ako. "Siguro ay epekto lang ito ng librong matagal ko ng gustong bilihin. Dahil siguro ay inilibre nya ako ng libro. Oo tama! Dahil lang sa libro wala ng iba!" Para akong baliw na nagsasalita paakyat ng kwarto ko.

"Oh, nandyan ka na pala anak"

"Ay Peter Dale!" Gulat kong sigaw. Nilingon ko kung saan banda si Mama.

"Ma naman eh! Ginulat mo ako!" Naiiyak na sabi ko. Pero tumawa lang si Mama. "Sino si Peter Dale, anak?" Tanong ni Mama na may halong kapilyuhan. At doon, nakaramdam ako ng mainit sa aking pisngi dahil sa tanong ni Mama.

•••

We Called It "Tadhana"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon