-1-

1.3K 45 4
                                    

[Dedicated po to her kasi yung story niyang HEARTBREAKS ang first ever HunHan fanfic na nabasa ko. More power and tee cee!]

 

 

 

-1-

"SENA, Parang awa mo na! Buksan mo ito! Mag-usap tayo, please!" pagmamakaawa ni Luhan sa kasintahang si Sena. Kahit na basang-basa na dulot ng malakas na buhos ng ulan ay hindi iyon ininda ng binata at patuloy lamang sa pagkatok sa hintana ng kotse ng dalaga.  

Hindi naman pinansin ni Sena ang pagmamakaawa ng kasintahan. Patuloy lamang siya sa paghagulgol. Iniisip kung bakit ba kailangang sa kanila mangyari ang lahat ng ito? Bakit sila pa ang napaglaruan ng tadhana?  

Akala niya matapos ang kanilang 'once upon a time' ay 'happily ever after' na ang kasunod, pero hindi pala. Paanong ang kanilang 'almost perfect' na love story ay humantong sa ganito?  

Oo nga pala, kasi ALMOST lang, muntikan...kulang. Ika nga nila, "Almost is NEVER enough" kaya heto ngayon ang kinahinatnan nila.  

Pilit na pinigilan ni Sena ang pagluha. Malalim siyang bumuntong-hininga bago pilit na pinatatag ang loob. Pinunasan niya gamit ng kanyang mga daliri ang mga luhang naglandas sa pisngi niya saka nagtungo ng ulo.

Sa huling pagkakataon ay minasdan niyang mabuti ang mukha ng pinakamamahal.  Pinadausdos niya ng kanyang mga daliri ang mukha nito kahit na salamin ang kanilang pagitan.

Masaganang tumulo ang mga luha ng dalaga nang makita ang sakit sa mukha ng binata. Lalo na nang mabanaag niya ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata nito.

Mariing npapikit Sena saka bumulong, "'Til the next lifetime, Jagiya~Merry Christmas,  neomul saranghae."saka nito binuhay ang makina ng sasakyan at pinaharurot paalis.

Pilit naman iyong pinigilan ni Luhan ngunit hindi ja niya iyon nagawang abutan pa. Napasabunot na lamang sa buhok ang binata  saka humahagulgol na napaluhod sa lupa.

Magulong-magulonaman ang isip ni Sena habang nagmamaneho. Wala na itong pakielam kahit na masyadong mabilis ang kanyang pagpapatakbo. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Delikado at madulas ang kalsada ngunit tila balewala iyon paraa sa dalaga.

Halos hindi na nga ito makapagmaneho ng ayos dahil napupuno na ng mga luha ang kanyang mga mata kaya naman hindi na nito nakita pa ang isang pampasaherong bus na makakasalubong nito.

Indi na namalayan ni Sena ang mga sumunod na nangyari. Napapikit na lamang siya at sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay  niya ay muli siyang nagdasal

Ikaw, kung nakikinig Ka man, ngayon lang ulit ako hihiling Sayo. Isang pagkakataon. Isa pang pagkakataon. Gusto ko lang siyang makasama pa. Kahit yun lang. Pagbigyan Mo naman ako. Birthday Mo naman ngayon, di ba? Gusto kong muling maniwala Sayo

Miracles In December [A HunHan FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon