-14-
"Kyungsoo hyung....kyungsoo hyung...Baby Soo ko, huwag kang bibitiw, please! Huwag mo kong iiwan, please, jebal...Kyungsoo hyung..."lumuluhang sambit ni Kai habang nasa loob sila nina Sehun at LuHan ng ambulansya.
Hindi mapigil ang paghagulgol ng binata habang mahigpit na hawak ang kamay ni Kyungsoo.Sinamahan ito nina Sehun at LuHan na ngayon ay nasa tabi nito at lubos na nag-aalala. Nasa likod naman ng ambukansya ang van kung saan nakasakay ang ibang members ng 'EXO' patung ospital. Kanina pa pilit na pinapakalma nina Sehun at LuHan si Kai.
Natatarantang bumaling si Kai sa driver ng ambulansya, "Manong naman oh! Pakibilisan! Oras talaga na may mangyari kay Kyungsoo hyung---"
Hinawakan ito sa braso ni LuHan uoang pakalmahin, "Kai, kumalma ka nga, pakiusap. Hindi makakatuling sa sitwasyon kung natataranta ka diyan!"
"Pero paano, hyung? Paano? Paano ako hihinahon kung buhay na ni Kyungsoo hyung ang nakasalalay dito? Paano ako hihinahon kung maaaring sa isang iglap, sa isang saglit, sa isang kurap lang ng mga mata ko, kuhanin siya sakin? Paano kung mawala siya nang hindi ko nasasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ako nagpapasalamat na nakilala ko siya? Na dumating siya sa buhay ko? Paano pa ako hihingi ng yawad sa kanya sa lahat ng mga ginawa ko?"
"Kai...."
Natigilan na lamang silang tatlo nang bahagyang dumilat si Kyungsoo. Lumuluhang binalingan naman ito ni Kai.
"Hyung...Hyung, wag kang bibitaw! Amalapit na tayo sa ospital! Wag mo kong iiwan..."
"Jo---JongIn..."
"A---ano yun, hyung?"
"Sa---sar---rang---saranghae..."
Matapos sabihin iyon ay kaagad na pumikit ang mga mata ni Kyungsoo.
Hindi makapaniwalang nagwala naman si Kai, "Hyung! Hyung, gumising ka, hyung! Hyung, wag mo kong binibiro ng ganyan! Hyung! HYUNG!"sabay alog nitomkay Kyungsoo kahit na pinipigilan ito ng kasama nilang mga nurse at doktor.
Tumulong na din sina Sehun at LuHan sa pagpapakalma at paghila sa kaibigan, "Kai, Kumalma ka!"
Ilang sandali pa ay nakarating na din sila sa wakas sa ospital. Pagkatigil na pagkatigil ng ambulansya ay agad na inilabas ng mga nurse at doktor si Kyungsoo. Agad namang sumunod sa mga ito sina Kai, Sehun at LuHan papasok ng ospital. Sa loob ay agad na inihiga si Kyungsoo sa stretcher saka patakbong dinala sa emergency room ng naturang ospital.
BINABASA MO ANG
Miracles In December [A HunHan FanFic]
FanfictionDo you believe that miracles do exist? That miracles happen in the most unexpected times and ways? Serena 'Sena' Jung never believed in miracles nor do have faith in God, hanggang sa isang aksidente ang mangyari na nagpatatag sa paniniwala niya. Per...