-9-

889 35 12
                                    

-9-

Mula umaga ay hindi na mapakali si LuHan. Hindi niya malaman ang dahilan ng kantarang pag-iwas sa kanya ni Sehun,  idagdag pa ang hindi nito pamamansin at malamig nitong pakikitungo sa kanya. Nagtataka ang binata kung may naging kasalanan ba siya dito o di naman kaya ay nagawanv pagkakamali.

Maging ang ibang miyembro ng 'EXO' ay napapansin ang kakaibanv turing ni Sehun kay LuHan na lubos nilang pinagtaka. Dati naman kasi itong malambing sa binata na tipong hindi sila mapaghiwalay.  Ngunit ngayon ay tila same poles ng magnet ang dalawa na nag-iiwasan. Napansin din nila na tila mas naging malapit si Sehun kay Tao.

Tila nabahala naman sa mga pangyayari ang solid at avid 'HunHan' shippers na sina Baekhyun at Chanyeol kaya naisipan nilang tanungin si LuHan.

"Yah, LuHan hyung...may nangyari bang hindi namin alam? Ba't parang nag-iiwasan yata kayo ni Sehun?"panimulang tanong ni Chanyeol

Malalim na napabuntong-hininga naman si LuHan saka nagkibit ng balikat, "Ewan ko din, Yeol. Bigla na kang niya akong hindi pinansin. Hindi ko maintindihan kung may nagawa ba akong mali o may naging kasalanan ba ako sa kanya..."

 

"Eh baka naman nagta-tantrums lang yang si Sehunna! Alam mo naman yan, 'evil maknae' ng grupo! Ang bukod tanging lalaking walang emosyon!"pang-aalo dito ni Baekhyun

Tumango si Chanyeol,  "Nga naman, hyung. Siguradong babalik din ang HunHan sa dati! Pagpasensyahan mo na kang muna ngayon, hyung. Alam namin na sa ating lahat, ikaw ang pinakamahaba ang pasensya pagdating sa mokong na yan!"

 

"Not to mention, pinakamalapit at pinakanakajaintindi sa kanya. Kaya cheer up lang, hyung! Basta kami ni Giant..."

 

"HUNHAN HWAITING!"sabay na sabi ng dalawa. Napangiti na lamang sa mga ito si LuHan.  Ilang sandali pa ay umalis na din ang mga ito.

Mulig nabuhayan ng loob si LuHan. Tama, hindi siya daoat sumuko. May topak lang ngayon si Sehun pero mamaya lang din ay babalik na din sila sa dati. Bagaman batid ito ng binata, bakit may parte pa rin sa kanya na tila nangangamba na mula ngayon ay marami nang magbabago sa pagitan nilang dalawa?

TILA nagkatotoo nga ang kutob ni LuHan dahil ang inakala ng lahat na panandaliang topak ni Sehun ay umabot ng ilang araw hanggang sa isang linggo at lumipas na nga ang isang buwan ay patuloy pa din ang malamig nitong pakikitungo kay LuHan.

Mapapansin ding lagi silang magkasama ni Tao. Sa tuwing tinatanong naman ng ibang miyembro si Tao kung may nalalaman ito sa mga nangyayari ay nananatiling nakatikom lamang ang bibig nito. Ayon dito ay si Sehun na lang daw ang tanungin ng nga ito.

Miracles In December [A HunHan FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon