-8-
A FEW YEARS AGO...
"Hoy, bastarda! Abalang-abala ka yata? Anong meron?"taas kilay na tanong kay Sena ng kanyang Myung Hee unnie.
Anak ng kanyang ama si Myung Hee sa una nitong asawa. Purong koreana ito ngunit napilitang dito sa Pilipinas manirahan mula nang magpakasal ang kanyang ama sa kanyang ina na isang Pilipina.
Mula noon ay hindi na siya nito tinaggap pa. Iniisip nito na inaagaw niya ang pagmamahal at atensyon ng kanilang ama dito lalo na nang kuhanin ng Maykapal ang kanyang ina sa mura niyang edad. Ganunpaman ay nakatatandang kapatid pa din ang turing dito ni Sena.
Ngumiti lamang si Sena saka humarap dito, "May date kasi kami mamaya ni jagiya, unnie. Bagay ba? Ngayon lang kasi ako nag-suot ng dress eh."tanong ni Srna habang nakatingin sa salamin.
Madalas kasi na simpleng tshirt at jeans lang ang suot niya sa tuwing date nila ni LuHan. Ngunit gusto niyang maiba naman ngayon dahil nga balak nilang I-celebrate ang kanilang 1st anniversary. Kaya naman heto at abalang-abala siya sa pagpapaganda para sa kasintahan.
Nakita naman niyang inismiran siya ni Myung Hee, "Do you really think LuHan loves you? Managarap ka na lang. Naaawa lang naman sayo si LuHan. Just wait and see at mapapasa akin din siya."
Malungkot na nginitian na lamang ni Sena si Myung Hee, "Unnie, alam kong mahal ako ni LuHan. "
"Tignan lang natin..."saka ito nakangiting umalis ng kaniyang kwarto.
Batid ni Sena na may pagtingin ang kanyang eonni sa kanyang kasintahang si LuHan. Una silang nagkakilala ni LuHan sa bubble tea shop na malapit sa kanilang paaralan. Aksidente kasing natapunan siya nuto ng hawak nitong bubble tea. Mula noon ay naging malapit na sila sa isa't isa.
Kalaunan ay nalaman niya na schoolmates pala sila at senior niya ito. Ngunit ang ikinagulat ay nang malaman na ito pala ay kaklase at ang lalaking hinahangaan ng kanyang unnie.
Nang malaman iyon ni Sena ay pilit na niyang iniwasan si LuHan, ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana at sa huli ay nahulog pa din ang loob nila sa isa't isa. Mula noon ay mas lalo pang tumindi ang nararamdamang galit sa kanya ng kanyang Myung Hee unnie.
Masayang dumiretso si Sena sa condo unit ni LuHan. Last week lang ito, maging ang kanyang eonni, naka-graduate ng senior high school. Balak nitong mag-audition bilang isang idol. Kaya naman walang pinalalagpas na sandali si Sena na hindi fito kasama. Alam niya kasing maaaring mawalan na ito ng panahon para sa kanya sa oras na pumasa ito bilang idol.
Ilang beses nang nagdo-doorbell si Sena sa unit ni LuHan ngunit kanina pa walang nagbubukas sa kanya ng pinto. Bigla naman siyang kinabahan dahil agad naman siyang pinagbubuksan ng pintuan ng kasintahan sa tuwing dadalawin niya ito. Nag-text din naman siya na pupuntahan niya ito ngayon dahil nga may usapan sila.
BINABASA MO ANG
Miracles In December [A HunHan FanFic]
FanficDo you believe that miracles do exist? That miracles happen in the most unexpected times and ways? Serena 'Sena' Jung never believed in miracles nor do have faith in God, hanggang sa isang aksidente ang mangyari na nagpatatag sa paniniwala niya. Per...