-15-
THE LAST MIRACLE
"YAH JONGIN! Ano ba?! Ginagawa mo naman akong parang bata niyan, eh! Sinabi na kasing kaya ko na!"
Halos isang linggo na ang nakalilipas mula nang magising si Kyungsoo. Mula noon ay hindi na nawalay sa tabi nito si Kai na kasalukuyang nanliligaw sa binata. Ito ang laging abala sa pag-aalaga dito. Laking pasasalamat nga ng lahat na walang injury natamo ang kanilang kaibigan dulot ng aksidente kaya naman ngayon ay makakauwi na din silang lahat sa wakas sa kanilang dorm.
Umiling lang si Kai sa sinabi ni Kyungsoo, "Aniya, Baby Soo ko, ako nang bahala sabi sayo di ba?"at sa gulat nilang lahat na naroroon ay bigla na lamang binuhat na parang sa bagong kasal ni Kai si Kyungsoo. Inulan tuloy nga hiyawan, tilian at asaran ang dalawa.
"Yun oh! KaiSoo na ituuuu! My KaiSoo feels is sailing!"kinikilig na sabi ni Baekhyun with matching hampas pa kay Chanyeol.
"Teka, Baby Smurf, akala ko ba solid HunHan tayo?"
Umiling lang si Baekhyun sa tanong ni Chanyeol, "Hindi na. Iba na ang I-ship natin! Naglalayag na ang HunHan eh! True to life na! Next OTP na tayo!"
"Tss, kelan kaya yung OTP naman nila ang aasikasuhin nila, noh, Lulu hyung ko?"pang-aasar ni Sehun sabay akbay kay LuHan na napangiti na lang.
"Tse! Tumigil-tigil kang bulol ka kung ayaw mong samain ka sakin!"agad namang banat dito ni Baekhyun na namumula. Napangiti na lamang ang ibang members dito.
Napilitan na tuloy sumingit sa usapan ng mga ito si Kyungsoo, "Ahmm, guys? Baka gusto niyong sa loob na lang ng dorm natin ipagpatuloy yang usapan niyo at medyo *eherm* nakakailang itong pwesto namin dito?"namumulang sabi nito.
Kunot noo namang napabaling dito si Kai, "Bakit, Baby Soo? Anong mali sa pwesto natin? Wala naman, ah"painosenteng sabi nito sabay kindat kay Kyungsoo na ikinapula ng mukha nito.
"Waaaaahhhh! Tara na guys! Pasok na tayo at nabyu-byuntae na naman si Charcoal! Mamaya niyan makapanood pa tayo ng live show dito ng wala sa oras!"natatarantang sigaw ni Chen sabay bukas n pintuan ng kanilang dorm. Natawa na lamang ang lahat dito saka pumasok na sa loob para lamang matigilan.
Tumatawa habang magka-akbay namang pumasok ng sorm sina Sehun at LuHan nang gaya ng iba ay matigilan din sila. Nanlalaki ang mga mata ng dalawa nang madatnang nakaupo sa kanilang sofa si Myung Hee at si Yang Goon, ang appa ni Sena habang namumugto ang parehong mga mata.
BINABASA MO ANG
Miracles In December [A HunHan FanFic]
FanficDo you believe that miracles do exist? That miracles happen in the most unexpected times and ways? Serena 'Sena' Jung never believed in miracles nor do have faith in God, hanggang sa isang aksidente ang mangyari na nagpatatag sa paniniwala niya. Per...