-7-
Fr.: DeerLuluHyung♥
Sese, kumain ka na? Kain ka na diyan! Namimiss ko na yung luto ni Dyo, pero mas namimiss kita! Bogoshipeo, Sese...
Napangiti nang malawak si Sehun habang binabasa ang text ni LuHan. Halos isang buwan na mula nang umalis ang mga ito at aaminin niya, miss na miss na niya si LuHan kahit ba walang minuto yatang hindi sila magka-text o magkatawagan.
Mula paggising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi ay magka-usap sila. Kaya nga hindi niya din nararamdaman na magkalayo sila.
To: DeerLuluHyung♥
Nado, bogoshipeo hyung! Opo, kakakain lang namin. Ingat ka lagi diyan, hyung! Miss na kita...
Muling napangiti si Sehun nang wala pang isang oras ay nakatanggap na agad siya ng reply mula kay LuHan.
Fr.: DeerLuluHyung♥
Nado, nado, nado! Buti na nga lang at uuwi na kmi sa makalawa diyan. Sunduin mo ko sa airport, Sese, huh? Gusto ko ikaw ang unang-unang makikita ko paglaoag ng eroplano namin diyan!
Mas lalong lumawak ang ngiti ni Sehun sa nabasa. Ilang araw na lang kasi ay uuwi na ang mga ito. Kailangan na din kasi nilang sama-samang mag-promote para sa comeback album nila. May pinag-uusapan na ding Asian World Concert tour nila ngunit hindi pa tuluyang nasisiguro ang bagay na iyon.
Napansin naman ng iba ang kanina pang pagngiti ni Sehun. Sabay-sabay na lamang silang nagkatinginan, nagkangitian at napailing. Mula pa noong una ay alam na nilang hindi tulad ng sa iba ang pagtingin ni Sehun kay LuHan at naiintindihan nila iyon.
Batid nila noon pa na may espesyal na nararamdaman si Sehun para kay LuHan at hindi lang simpleng pagrespeto bilang hyung nito. Ang ikinatatakot lamang nila ay ang masaktan ito sa oras na tanggihan ito ng binata.
Mukha mang matapang sa labas ay napaka-fragile ng kanilang maknae at iilan lamang silang nakakaalam ng bagay na iyon. Kaya nga hangga't maaari ay pinoprotektahan nila ito sa abot ng kanilang makakaya upang hindi ito masaktan.
To: DeerLuluHyung♥
Ne, hyung! Ako pa! Bogoshipeo, hyung! Saranghae...
Nanlaki ang mga mata ni Sehun nanag mamalayan ang isinend na reply kay LuHan. Huli na kasi nang mapansin niya na may 'Saranghae' ang text niya. Akmang magte-text na sana siya ng reply para bawiin iyon nang makatanggap naman siya ng text mula dito.
BINABASA MO ANG
Miracles In December [A HunHan FanFic]
Fiksi PenggemarDo you believe that miracles do exist? That miracles happen in the most unexpected times and ways? Serena 'Sena' Jung never believed in miracles nor do have faith in God, hanggang sa isang aksidente ang mangyari na nagpatatag sa paniniwala niya. Per...