-12-
"P---paanong..."hindi makapaniwalang saad ni LuHan habang sinusundan ng tingin ang naglalakad na si Sehun patungo sa desk nito. Walang emosyong makikita na umupo ito saka kinuha ang diary na naiwan ni LuHan na nakalapag sa mesa nito.
Malungkot na ngumiti si Sehun saka nagkibit ng balikat, "Ewan ko din. Huwag mo na sana akong tanungin dahil maging ako walang maisasagot sa mga katanungan mo. Nagising na lang akong isang araw na nasa loob na ng katawang ito ang kaluluwa ko. Inaakalang patay na ang katawan ko, pinilit kong masanay na mamuhay sa bagog katauhang ito. Bilang si Oh Sehun at kalimutan ang lahat bilang si Serena Jung."
Malalim itong humigit ng hininga bago muling nagpatuloy sa pagsasalita, "Akala ko natakasan ko na ang lahat hanggang sa...hanggang sa dumating ka. Noong una nga, natatawa ako. Para kasing hinibiro ako ng tadhana. Bakit kailangan pa kitang muling makita gayug tanggap ko na ang bago kong katauhan? Hindi ba't parang pagpapatiwakala na din ang makasama ka pero hindi ka magawang mahalin?"
Natigilan si LuHan sa mga dinabi ni Sehun o---ni Sena. Hanggang ngayon ayhindi makapaniwala ang binata na nag nasa harap niya ngayon ay ang pumanaw na kasintahan na nasa loob ng katawan ng bago niyang minamahal. Bakit sa dinami-dami pa nga mga taong kailangang biruin ng tadhana, bakit sila pa?
Nagpatuloy si Sehun sa pagsasalita, "Inisip ko na baka katuparan ito ng hiling ko na mabuhay para makasama ka pero ngayon, mas napagtanto ko, ibinigay itong pagkakataong ito sa akin ng Maykapal dahil sa may misyon akong kailangang gawin. May kailangan akog gawing isang mahalagang bagay. Kung anuman iyon, hindi ko pa alam sa ngayon pero isa lang ang nasisiguro ko, maari nitong mabago hindi lang ang takbo ng buhay ko ngunit maging ang takbo ng buhay ng mga taong nakapaligid sa akin."
Unti-unting lumapit si Sehunsa lumuluhang si LuHan. Mararamdaman ang kagustuhan ng dalawa na yakapin ang isa't isa at ipadama ang kanilang pagmamahal...ngunit tila ba may isang malaking pader na humahadlang sa pagitan nila.
Lumuhod si Sehun sa harap ni LuHan hanggang sa magka-lebel na sila ng binata. Masuyong hinaplos ni Sehun ang pisngi nito.
"Lulu hyung, ito siguro ang dahilan kung bakit nais kitang layuan. Alam kong mas lalo lang tayong mahihirapan sa oras na malaman mo ang katotohanan tungkol dito. Masyado pang magulo ang lahat. Kailangan ko na muna sigurong ayusin ang mga gusot ng kahapon bago natin alamin kung ano ang hinaharap."
"Sehun...Sese...jagiya, pwede namang...pwede namang harapin natin ito ng magkasama di ba? Kasama mo ko! Hindi mo kailangang sarilinin lahat! Hindi mo kailangang mag-isa!"
Lumuluhang sambit iyon ni LuHan habang hawak ang kamay ni Sehun ngunit gaya ng dati...muling binawi ni Sehun ang kamay nito mula sa pagkakahawak ng binata.
Umiling ito, "Aniya, Lulu hyung. Kailangan kong harapin ito ng mag-isa. Anuman ang mangyari, tatandaan mong mahal na mahal na mahal kita at hinding-hindi magbabago iyon, kahit kailan...."
BINABASA MO ANG
Miracles In December [A HunHan FanFic]
FanfictionDo you believe that miracles do exist? That miracles happen in the most unexpected times and ways? Serena 'Sena' Jung never believed in miracles nor do have faith in God, hanggang sa isang aksidente ang mangyari na nagpatatag sa paniniwala niya. Per...