-6-
Tahimik na naghihintay si Sehun sa napili niyang pwesto. Pinagmamasdan niya ang mga taong naglalakad sa paligid. Napaigtad na lanag siya nang biglang may isang malamig na bagay ang dumampi sa pisngi niya.
"Aww!"agad siyang napabaling sa gumawa noon at natigilan nang makita ang isang LuHan na nakangiti sa kanya.
"Ang seryoso mo eh"natatawang sabi nito sabay abot sa kanya ng bubble tea.
"Uhmm, okay lang ba ang choco flavor sayo? Kung gusto mo, papalitan ko---"
Umiling na lamang si Sehun saka bahagyang natawa, "Ngayon mo lang tinanong, nakapag-order ka na. Okay na ito, hyung. Buti nga yug paborito ko yung napili mo."
Nagulat si LuHan. Kaya lang naman siya nag-order ng Chocolate flavor na bubble tea ay dahil iyon ang laging inoorder ni Sena noon. Hindi naman niya lubos akalain na yun din ang paboritong flavor nito.
"Ahh, hindi, hula ko lang."tanging naisagot ni LuHan
Napangiti na lamang si Sehun, "That's Taro flavor, right?"
Nagulat si LuHan sa sinabi nito. Ang itnutukoy nito ay ang hubble tea nakasalukuyang iniinom niya. Paano nitong nalaman na taro flavor iyongayong hindi naman transparent ang inuman niya? At pare-pareho lang din namanang lalagyan ng lahat ng bubble tea dito?
Tila napansin naman ni Sehun na nagtatakang itnignan siya ni LuHan. Halos mapapalatak siya sa isip. Ba't ba kasi hindi niya magawang pigilan ang bibig niya? Ngayon, ano nang idadahilan niya?
"Narinig ko kanina sa may counter nung nag-order ka, hyung."palusot niya. Tila nakumbinsi naman niya ito. Sinamantala ito ni Sehun upang baguhin ang paksa, "Naligaw ka yata dito, hyung?"
Uminom lamang si LuHan ng bubble tea bago ibinaba iyon saka itinuon ang atensyon sa labas ng bintana,
"This place is special for me. Ito kasi yung paborito naming tambayan dati ng..."malalim itong bumuntong-hininga saka tumingin sa kanya, "...namayapa kong kasintahan. Parehong-pareho nga kayo eh, adik sa bubble tea."
"Ahhh, ganun ba?"sabi na lamang ni Sehun saka uminom ng bubble tea niya.
Biglang sumagi sa isipan niya ang mga alaala nila ni LuHan sa lugar na ito noon. Dito sila unang nagkakilala, dito unang nagpahayag ng damdamin si LuHan at nanligaw, at dito din sa mismong lugar na ito niya sinagot ang binata. Dito din sila nag-celebrate ng kanilang 1st anniversary. At dito din unang bumuo sila ng mga pangarap para sa hinaharap nang magkasama.
Napabaling na lamang si Sehun sa bintana. Nais niyang itanong dito, ano nga bang nangyari sa kanilang dalawa? Nasaan na nga baang mga pangako ng habang buhay na pagmamahal nila sa isa't isa? Bakit nga ba humantong ang lahat sa ganito? Nagkulang ba sila o sadyang hindi sila lumaban?
BINABASA MO ANG
Miracles In December [A HunHan FanFic]
FanfictionDo you believe that miracles do exist? That miracles happen in the most unexpected times and ways? Serena 'Sena' Jung never believed in miracles nor do have faith in God, hanggang sa isang aksidente ang mangyari na nagpatatag sa paniniwala niya. Per...