[Dedicated po sa kanya. Natuwa kasi ako sa story niyang HunHan. Try reading it ang cute lang, hehe.]
-2-
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sena o ngayon ay mas kilala na bilang Sehun. Maayos niyang isinukbit ang bag sa balikat bago nagpaalam.
"Umma! Hyung! Alis na po ako!"
Agad naman siyang nilapitan nina Aling Shenna at Shaun, "Anak, mag-iingat ka!" tumango na lamang siya.
"Geh 'tol, goodluck sa training! Excited na kami sa debut mo!"
"Oo, pagbubutihin ko. Sige po, mauuna na po ako."saka siya nagmano sa ina at kuya bago umalis.
Habang naglalakad ay hindi mapigilan ni Sehun ang maalala ang mga nangyari sa kanya nitong nakaraang tatlong buwan.
MULING iminulat ni Sena ang mga mata. Tama, nanaginip lamang siya kanina. Tama, isang bangungot lamang ang nangyari. Oo, isang masamang panaginip lamang ang lahat. Paanong ang isang ipinanganak na babaing tulad niya ay mapunta sa katawan na isang lalaki?
Napipilitang tumawa si Sena. Kalokohan! Pinilit niyang tumayo saka pumasok sa banyo. Gayun na lamang ang hilakbot na naramdaman niya nang pagbukas ng CR ay isang lalaki ang bumungad sa kanya sa salamin.
Unti-unti siyang lumapit sa salamin. Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang mukha at ganun na lamang ang hilakbit na nadama niya nang ganun din ang ginawa ng repleksyon.
Isa-isa niyang dinama ang kanyang mukha. Wala na ang bilugan niyang mukha at napalitan na ng mukhang may prominenteng mga panga. Nanatili man ang pagkasingkit ng kanyang mga mata at ang kanipisan ng kanyang mga labi aywala na ang mahaba at may kulot sa duli niyang buhok.Wala na rin ang maliit at 'cute' daw niyang ilong at napalitan na ng matangos at aristokratong ilong.
Nanginginig si Sena habang ibinaba ang tingin sa kanyang katawan. Gayon na lamang ang gulat na nadama niya nang maging pantay na ang kanyang dibdib. Mariing napapikit si Sena saka nag-iwas ng tingin nang dumapo ang tingin niya sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Hindi na niya kailangang tignan iyon upang malaman.
Nanlulumong napaluhod sa may bukana ng pintuan ng CR si Sena. Bangungot lang ito, di ba? Paanong ang kaluluwa niya ay napunta sa katawang ito?
Pilit na inaaalala ni Sena ang mga nangyari bago siya maaksidente. Makakabangga na niya ang isang pampasaherong bus nang maisipan niyang magdasal. Magdasal upang mabigyan pa siya ng pangalawang buhay, pangalawang pagkakataon para makasama si Luhan.
BINABASA MO ANG
Miracles In December [A HunHan FanFic]
FanficDo you believe that miracles do exist? That miracles happen in the most unexpected times and ways? Serena 'Sena' Jung never believed in miracles nor do have faith in God, hanggang sa isang aksidente ang mangyari na nagpatatag sa paniniwala niya. Per...