twenty eight

2.1K 85 45
                                    

Nasa loob ng kwarto niya si Xiumin. Hindi galit, hindi nagtatampo. Nakaupo lang siya habang may nakakalokong ngiti sa mukha.

Hindi siya galit kay Chen, ganun naman na talaga relasyon nila since nung 9th Grade. Puro biruan, lokohan pero hindi yung lokohan na pati pagmamahal nila sa isa't isa lokohan din. Hindi sila nag-aaway na sobrang lalim na halos maghiwalay na sila. Yung away nila parang bata sila parehas.

Alam niyang mamaya-maya. Kakatok na sa kwarto niya si Chen. Nagli-live in na sila. You read it right. They are both living in one house. Maliit lang yung bahay. Not so expensive pero ayos lang sa kanilang dalawa. Graduate na si Xiumin habang si Chen ay ngayon palang gagraduate.

Maya-maya pa. Biglang may kumatok sa pinto niya.

"Babes! Buksan mo na 'to oh! Joke lang yun, babes. Huhuhu. Dali na!" sigaw ni Chen mula sa labas. "Unlock mo na 'tong pinto dali! Nahugasan ko na yung mga pinggan"

Napatawa ng patago si Xiumin bago sumagot. "Ayoko!" Kunwaring galit na sabi niya labas naman sa ilong. "Walanghiya ka! Lumayas ka dyan! Huwag na huwag ka nang babalik"

Hindi na alam ni Chen yung gagawin niya. Ngayon lang talaga  siya ginanito ni Xiumin. Kinakabahan siya na baka magbreak talaga sila. Mahal na mahal niya si Xiumin. Bawal ang break up sa relasyon nila.

"Xiubabes naman eh. Sorry na kasi" sigaw ulit ni Chen "Sorry na"

"Ayoko nga!" sagot naman pabalik ni Xiumin. Lingid sa kaalaman ni Chen. Tumatawa na si Xiumin ng walang boses.

"Hindi ako aalis dito hanggang di mo ako pinapatawad!" Sigaw pa ulit ni Chen. "Maghihintay ako dito"

"Bahala ka sa buhay mo!"

It's already eight o'clock ng gabi. Nakakain na sila pareho. Hindi kasi ganoong kasweet masyado ang relasyon nila. Pero masaya sila sa kung anong meron sila. Hindi sila katulad ng KaiSoo na break na ang barriers sa isa't isa. Hindi sila katulad ng HunHan na super sweet and open. At malayo lalo ang relasyon nila sa ChanBaek na halatang halatang in love sa isa't isa.

Ang relasyon ng XiuChen yung relasyon na hindi ganoong madalas nakikita at napapansin. Ang relasyon ng XiuChen yung kinaiingitan at kinaiinisan ng lahat. Hindi man sila ganoong kasweet sa isa't isa. Alam naman nila sa sarili nilang mahal talaga nila ang isa't isa. Bago pa lumaki ang isang away nila, pinag-uusapan nila. Kapag seryoso talaga yung away, Chen will do everything to win his Xiumin back. Kilala si Chen bilang troll at Joker ng barkada, but when it comes to Xiumin, all the jokes and kids is going to be serious around him.

At seryoso siya sa lahat ng bagay na meron sila. Patatawanin niya si Xiumin. Irerespeto ang mga gusto at ayaw nito. Susuportahan sa lahat ng mga ginagawa nito. Never siyang nagreklamo, never siyang nagdemand. Ganoon din naman si Xiumin sa kanya. And this matter right now, is not a serious type of fight. This is one of their childish acts. Gusto lang magpalambing. Gusto lang ng sweet treats. But no one of them will ever complain.

"I'll get used to it
Like catching a cold again" narinig niya ang pagkanta ni Chen sa pinto. Napakaganda talaga ng boses ni Chen. And he won't get tired listening to it."The ash gray light pushes through
And endlessly passes by, but still"

Crush (ChanBaek) REVISINGWhere stories live. Discover now