thirty seven

2.3K 79 117
                                    

Lahat ng couples ay nasa school na ngayon. Punuan nalang ng clearance, requirements and thesis dahil ang school year ay malapit nang matapos.

Ang Team Bottom kasama si Jongdae na Team Top daw kuno ay nasa cafeteria at umoorder na ng pagkain habang sina Sehun, Kai at Chanyeol ang nag-iikot para tapusin at ipasa ang clearance ng mga jowa nila.

Penge ng ganitong jowa please. Sila talaga ang nagvolunteer para ipasa yung clearance ng mga boyfriends nila dahil tapos na daw sila nung sa kanila.



Habang nag-iikot sina Sehun para hanapin ang professors ng mga kasintahan nila. Abala naman sa mga plano sila Kyungsoo kung paano gagantihan ang mga haliparot na nangagrabyado sa kaibigan nila. Syempre hindi sila papayag na ginaganon lang kaibigan nila. Lalo na't kahit puro murahan ang pagkakaibigan nila eh mahal na mahal talaga nila si Baekhyun.



"Kapag nakita ko talaga yung limang yun. Nanggigigil ako beh ha." sabi ni Luhan at tinusok tusok pa ang hotdog sa plato niya. "Gigilitan ko sila ng mga leeg"


"Hayop yung mga yun. Hihilahin ko sila papuntang mars mga gago sila. Ano karapatan nilang sampalin ka ha?" Gigil na sabi ni Kyungsoo at nanlilisik na inikot ang mata sa buong cafeteria. "Ako lang ang pwedeng manakit sa'yo kala nila"


Napailing nalang si Baekhyun at tahimik na natawa. Nakakaloka daw kasing panoorin ang mga kaibigan niya na handa na talagang manapak ng mga malalantod sa paligid.


Napasinghap siya nang biglang hawakan ng madiin ni Jongdae yung braso niyang pinagbaunan halos ng kuko nila Mabel.


Hinila niya agad yung braso niya. "Gago ka. Ang sakit sakit na nga hinawakan mo pa. Sakalin kita dyan eh"


"Ang cute ng sugat mo mukhang kagat ng aso" nakangiting sabi ni Jongdae. "Pahawak pa nga dali. Ang fluffy niya tingnan."


"Nakikita mo 'tong hawak kong tinidor?" Tumango naman agad si Jongdae sa sinabi ni Baek. "Subukan mo pang hawakan sugat ko itutusok ko sa mukha mo 'to"


Umatras naman agad si Jongdae at akala mong takot na asong lumayo ng kaubti kay Baekhyun.


Hinawakab niya yung mukha niya. "Huwag ang gwapong mukha ko, Baek" sabi nito at umiling iling. "Kaunti nalang ang ganitong mukha sa mundo. Magpapalahi pa kami ni Minseok babes ko."


"Kaunti lang talaga ang ganyang mukha sa mundo. Kakaiba kasi yung kapangitan mo gago" inirapan ni Luhan si Jongdae "Bakit ka ba jinowa ni Minseok? Jusko. Nakakastress ka sa utong"




Crush (ChanBaek) REVISINGWhere stories live. Discover now