ninety three

1.1K 53 63
                                    

Nanginginig ang mga kamay ni Baekhyun at hindi mapakali sa likod ng sasakyan ni Kai. Nakaupo sa driver's seat si Kai habang sa shotgun seat naman si Sehun. Both of them are throwing worried glances to Baekhyun

Baekhyun is bitting his lower lip and it almost got wounded. He is crying too, thinking why Chanyeol is breaking up with him. Iniisip niya kung ano bang nagawa niyang mali. Ano pa nga bang mali niyang ginawa. Mahigpit niyang tinititigan ang cellphone niya habang nasa isip yung text sa kanya ni Chanyeol.

Ayaw na nito. Sawa na siya.

"Baek-hyung. Huwag ka nang umiyak. Magiging okay lang ang lahat" bulong ni Sehun saka tinignan si Baekhyun. "Magiging maayos ang lahat at hindi ka hihiwalayan ni Chanyeol. Mahal ka nun. Naguhuluhan lang siguro o baka may problema"

"Oo nga. Magiging okay din ang lahat. Kalma lang, okay? Huwag ka na umiyak" dagdag pa ni Kai.

Gustong paniwalain ni Baekhyun ang sarili niya na wala nga lang yun. Na baka may problema nga lang si Chanyeol. Pero di rin naman maalis sa isip niya na baka pagod na sa kanya si Chanyeol. Na baka boring na siya sa mga mata ni Chanyeol. Siguro mas magandang naging magbestfriends nalang sila.

Masakit isipin na pinagsawaan ka ng mahal mo, hindi mo kailangang magalit kasi baka may pagkukulang ka rin. Na baka hindi lang ito yung panahon para sa inyo. Na baka pinatagpo lang kayo at hindi itinadhana. Isinandal ni Baekhyun ang ulo niya sa bintana ng sasakyan saka mariin na pumikit habang tumutulo ang mga luha niya.

Mahal na mahal niya si Chanyeol. Sobra. Na ayaw niyang mawala ito sa kanya. Mahal na mahal na handa siyang ibigay lahat ng meron siya kahit wala nang matira sa sarili niya.

Huminto ang sasakyan at nakita niya na nagpapark na si Kai sa parking lot ng Jack Cole's Restaurant. Mas lalong nanlamig ang pawis niya at mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Natakot siya. Natakot sa realidad na baka ayaw na talaga ni Chanyeol.

Agad na lumabas ng kotse si Baekhyun. Bubuksan palang sana ni Sehun yung pinto nang agad siyang lumabas. Nagkatinginan naman sina Sehun at Kai, they are both throwing worried glances to Baek.


"Baekhyun hyung, please calm down you need-----"


"Sabihin niyo sa akin!" Sigaw ni Baekhyun habang umiiyak. Suot suot pa niya ang damit ni Chanyeol na naiwan nito sa dorm. Hindi na siya nakapag-ayos. "How can I calm down knowing Chanyeol will be breaking up with me? Tell me. How!"


"Baek hyung, breathe in and out." Hinawakan ni Kai ang magkabilang braso ni Baekhyun trying to calm him down. "Everything will be alright. Just calm."


Nilapitan naman ni Sehun si Baekhyun at pinunasan ang luha nito.


"Mabubugbog kami ni Chanyeol kapag nakita ka niyang umiiyak" bulong ni Sehun, iniingatan na hindi siya marinig ni Baek. "Siya naman may pakana nito. Bahala siya dyan"


"Okay. Pumasok ka na sa loob. Nandoon na si Chanyeol. Basta ano mang mangyari, Baek hyung. Maging masaya ka lang." Sabi ni Kai na siya namang tinanguan ni Baekhyun.


Crush (ChanBaek) REVISINGWhere stories live. Discover now