thirty four

2.2K 80 76
                                    

Mag-isang naglalakad sa hallway ng university si Baekhyun. Pauwi na siya at konti nalang ang students. Hindi niya kasama si Chanyeol dahil ang sabi niya hintayin nalang siya sa gate ng university. Sina Kyungsoo ay may ibang lakad kasama ang mga boyfriends nila kaya hindi nila ito kasama ngayon.




Park Chanyeol 📞 📹
Active now

Baekhyun: babe malapit na akong school gate

Baekhyun: nasa sa'yo na bag ko right? Pakicheck kung nandyan yung folder na white. Thank you~

✔ seen by Chanyeol

Chanyeol: Babe nandito, pati na rin yung planner natin.

✔ seen by Baekhyun

Baekhyun: Salamat. Kain tayo.

✔ seen by Chanyeol

Chanyeol: where?

✔ seen by Baekhyun

Baekhyun: sa bbq shop dyan, please🙏

Baekhyun: gutom talaga ako ngayon, babe.

Baekhyun: my treat naman eh.

✔ seen by Chanyeol

Chanyeol: i won't let you treating me for food. Ako taya ngayon. Bilisan mo na maglakad. Miss na kita.

Baekhyun: landi mo po. Eto na okey?

✔ seen by Chanyeol

Chanyeol: ikaw lang naman nilalandi ko eh😏

Baekhyun: pakyu!

Baekhyun: heweg ke nge! Heyep ke. Ahihihi

✔ seen by Chanyeol

Chanyeol: may one kiss ako mamaya. Remember the one curse one rule natin.

Chanyeol: i love you

✔ seen by Baekhyun



Magtatype na dapat nang reply si Baekhyun nang bigla siyang mabangga sa kung sino na hinarangan siya. Nahulog niya yung phone niya kaya agad niya itong kinuha.


Napatingin siya sa mga high heels na nasa harapan niya ngayon. 3 pares ng high heels ang nakikita niya, isang pink, red and blue. Iniangat niya yung tingin niya at nakita niya ang tatlong babaeng kinaiinisan niya sa tanang buhay niya.


"Oh, look" maarteng sabi ni Jin Ah na may red lip stick pa. "Nag-iisa ka yata Byun?"


Tumayo naman agad si Baekhyun at tinaasan ng kilay isa-isa sina Jin Ah, Krystal at Irene.


"Kulang yata kayo?" Nakataas kilay na tanong ni Baekhyun. "Nasan si Mabel? Si Lily Tback nasan? Bakit tatlo lang kayo?"



Crush (ChanBaek) REVISINGWhere stories live. Discover now