seventy four

1.6K 69 92
                                    

Aligaga ang lahat para sa kasalan. Parit-parito sa bawat parte ng kwarto para ayusan ang napakagandang si Byun Baekhyun. Nakatingin sa kanya ang magwa-one year old na anak na si Jesper at humahagikgik. Natutuwa siguro sa mga kaibigan ng nanay niya na pabalik balik para maayusan si Baekhyun.

Nasa kwarto din si Mrs. Byun at Mrs. Park na naluluha na habang nakatingin kay Baekhyun. Kinakabahan si Baekhyun pero punong puno ng excitement ang puso niya.

Inaayos ni Luhan ang buhok ng bestfriend niya habang may malaking ngiti sa labi. Sobrang excited siya para sa kasal ng kaibigan, ang anak naman niyang si Hans ay nasa asawa niya na nasa kwarto ni Chanyeol. Si Kyungsoo naman ay inaayos ang bawat detalye ng damit ni Baekhyun, inaayos para hindi malukot at madumihan. At sobrang saya niya na masaya ang kaibigan niya. Hindi man siya yung pinakashowy na kaibigan. Mahal niya si Baekhyun ganun din naman si Luhan.

"Ang ganda mo, anak" bulong ng mama ni Baek at pinigilan ang luha nitong nagbabadya na mahulog. "Sobrang saya ko para sa iyo."

Ngumiti lang si Baekhyun sa kanyang ina. Tiningnan niya ang itsura niya sa salamin. Walang masyadong make-up, simple lang suot ang white tuxedo na pinasadya pa ng magulang ni Chanyeol.

Punong puno ng galak ang puso ni Baekhyun, naalala niya yung mga pagkakataon na pinapangarap lang niya makasal sa taong pinakamamahal niya. Yung mga pagkakataong iniisip niya lang na magkakaanak siya at makabubuo ng isang pamilya. Yung mga pagkakataong nakikita niya ang sarili niya na nasa kusina, nagluluto ng hapunan para sa asawa niya at sa mga anak niya. Sa bilis ng agos ng panahon, hindi niya namalayang dumating na yung araw na yun, nauna man ang anak sa kasal, nakapagtapos naman siya ng pag-aaral. At malaki ang naging parte ng isang Park Chanyeol sa bawat hakbang na yun.

Si Park Chanyeol ang naging kasangga niya simula 7th Grade. Inaamin niya, una palang na-attract na siya kay Chanyeol, sino nga bang hindi diba? Gwapo na, punong-puno pa ng talento. Palangiti, pinapasaya siya, binibigay yung mga kailangan niya. He wanted Chanyeol to be his, pero naisip niya na baka infatuation lang ito dahil mukha lang ni Chanyeol ang dahilan kung bakit crush niya ito.

Itinago niya yun, hanggang sa di niya alam yung crush na yun, lumalalim ng lumalim hanggang maging pag-ibig na pala sa taong yun. Naging panatag siya sa pagkakaibigan na mayroon sila nu Chanyeol. Masaya sa bawat araw na kasama niya ito. Sa mga gestures nitong nagpapabilis ng tibok ng puso niya. Ang boses nitong dahilan ng matamis na ngiti sa bawat gabi. Alam niya, alam niya ang bawat nakaw na halik, tingin at sulyap ni Chanyeol sa kanya. Na sa bawat haplos nito pinipigilan niya ang sariling mas mahulog pa. Natatakot siya sa kalalabasan na baka bigla siyang mahulog tapos doon sa lugar na kinahulugan niya wala naman palang sasalo. Minsan kailangan mo lang mag-take ng risk. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon mamahalin at magugustuhan ka ng taong gusto mo. Pwedeng sweet lang siya sa'yo pero yun pala sa lahat sweet siya. Na maaring friendship lang mai-offer niya sa'yo. Pero minsan, may mga pagkakataon na, sa tamang oras, sa tamang moment siya na yung taong matagal mo nang hinihintay. Hindi mo man napansin agad, pero ang may taas ang magdadala sa'yo sa taong pinakamamahal mo.

"I just can't believe na ikakasal na ako kay, Yeol" bulong ni Baekhyun na nagpatigil kina Luhan at Kyungsoo. "I'm...im so happy"

Nagkatinginan muna sina Luhan at Kyungsoo bago matawa at yinakap si Baekhyun. Simula elementary, silang tatlo na yung magkakasama. Sila yung mga batang kinaiinggitan sa school dahil sa magagandang mukha at sa mga atensyon na nakukuha nila sa iba. Lumaki silang mga mas magagandang bulaklak, na mas umusbong at nagpayabong. Ang mga kagandahang taglay na iniingatan at pinapahalagahan. Magkakaiba ng ugali, pinagmulan pero tinuturing ang bawat isa bilang isang kadugo mula sa ibang pamilya. Karamay at kapatid sa panahon na kailangan. Puno ng okrayan at tawanan ang pagkakaibigan. Murahan ang ibig sabihin ng pagmamahalan. Ang sasalo sa isa't isa sa oras na nalulugmok at nalulunod ka sa oras ng suliranin na dinadanas. Ang mga kaibigan na magpapadama sa'yo na mahal ka nila hindi man nila sabihin. Sasaktan ka pero para mapatawa ka lang.

Crush (ChanBaek) REVISINGWhere stories live. Discover now