ninety one

1.3K 58 34
                                    

Bakit nga ba bitter sa bente tres si Do Kyungsoo?

Isang normal na umaga para sa isang Grade 9 student na si Do Kyungsoo. Naglalakad siya papuntang classroom niya dahil maaga talaga siyang pumasok para sa sorpresa niya sa boyfriend niyang si Jo Jung Suk

It's August 23.

Their monthsarry.

Sa kanilang magkakaibigan, sa kanila nila Luhan at Baekhyun. Siya palang ang nagkakaboyfriend. Suportado naman siya ng mga kaibigan niya sa pagpasok niya sa ganitong relasyon

Isang buwan nalang at mag-wa one year na sila, it means it's their  11 monthsary now. Masaya siyang dala dala ang box ng cake na binake niya pa kagabi. Pinagpuyatan niya ito habang may matamis na ngiti sa labi.

Nakangiti lang siya habang naglalakad. Nang bigla siyang harangan ni Kim Jongin. Isa sa sikat na binata ngayon sa Meadows University. Gwapo, matangkad, talentado. Hindi siya maputing maputi pero bagay sa kanya ang tan skin na nagpadagdag pa lalo sa kagwapuhan niya.

Nakapamulsa ito at hinarangan si Kyungsoo.

Ayaw sa kanya ni Kyungsoo. Kilala kasi si Jongin bilang isang playboy sa ganyang edad. Kahit pinsan pa siya ng senior niyang si Kim Minseok at kaibigan siya ng bestfriend niyang si Baekhyun. Wala siya pake.

Tiningnan niya ito ng walang emosyon sa mukha at tinaasan ng kilay.

"Anong kailangan mo?" Medyo inis na tanong na sabi ni Kyungsoo.

Ngumiti lang si Jongin sa kanya. "Ang aga aga sama agad ng gising mo" lumapit si Jongin kay Kyungsoo at ini-level ang mukha niya sa mukha nito. "Good morning, cutie."

Tiningnan siya ng masama ni Kyungsoo at sinipa siya nito sa binti kaya napaatras siya at napatawa.

"Ako'y tigil-tigilan mo, Kim Kai. Huwag mo sirain yung umaga ko." Inis na sabi ni Kyungsoo at nilagpasan si Kai at nagsimula na siyang maglakad paalis.

Pero agad siyang hinabol ni Jongin at hinila yung braso niya.

"Teka lang" Tawag ni Kai sa kanya. Napabalik siya sa puwesto niya dahil sa paghila ni Kai sa kanya. "Huwag ka muna umalis"

"Ano ba kasing kailangan mo?" Nagsisimula nang magalit si Kyungsoo kay Kai. "Monthsary namin ng boyfriend ko at natutunaw na itong icing ng cake na ginawa ko"

Napatahimik si Kai at napatingin sa hawak na box ng cake na hawak ni Kyungsoo. Napatitig siya dito habang may malungkot na mukha.

Hindi alam ni Kai kung bakit niya 'to ginagawa para kay Kyungsoo. Hindi niya alam kung bakit natatakot siya na masaktan ito. Hindi niya alam kung bakit gusto niya itong protektahan. Hindi niya din alam kung bakit nagbabago siya para sa taong alam naman niyang di siya magugustuhan pabalik.

Napakunot noo si Kyungsoo nang mapansin niya ang malungkot na ekspresyon ni Kai. Nagtataka siya sa ekspresyon na ibinibigay ni Kai at kung bakit may ganitong emosyon siyang nakikita sa mukha ni Kai.

Crush (ChanBaek) REVISINGWhere stories live. Discover now