seventy seven

1.5K 65 45
                                    

Nagising si Baekhyun sa sinag ng araw na tumatama sa mata niya. Hindi niya inindan ito at tumalikod nalang sa sinag ng araw at hinanap ang asawa niya. Yayakapin niya dapat ito ngunit ng wala siyang nahawakan sa tabi niya agad niyang idinilat ang isa niyang mata at nakita ang empty space sa tabi niya.

Agad siyang napabangon sa kama at naghikab. Inilibot niya ang mata niya sa hotel room nila ni Chanyeol at hindi naaninag ang presensya nito.

After the wedding and reception, agad na umalis ang bagong kasal papunta sa hotel na pagmamay-ari nila Henry Lau. Yung manliligaw ni Heechul. May hotel and other businesses pala ang pamilya nito dito sa Hawaii kaya siya na mismo ang nag-offer na dito nalang sila mag-stay ng free. Regalo na daw ni Henry sa bagong kasal.

Pinunasan ni Baekhyun ang mata niya at nag-inat. Napatingin siya sa bed side table ng kama at kinuha ang phone niya. Tiningnan niya ang oras at nakitang alas-sais na ng umaga.

Tatayo na sana nang bigla niyang maalala na wala pala siyang damit sa ilalim ng kumot na binalot sa kanya ni Chanyeol kagabi. Naramdaman niya rin yung sakit sa bandang baba niya kaya napa-pout siya.

"Nasan na kaya yung, kapreng yun" nakapout na sabi niya at ipinulupot sa katawan niya yung kumot. "Pagkatapos niya akong anuhin kagabi iniwan nalang ako."

Nakalamukos ang mukha ni Baekhyun na pumasok ng banyo. Kinuha niya yung toothbrush niya at nilagyan ito ng sapat na toothpaste. Pagtingin niya sa salamin, may yellow sticky note na nakalagay dito.

"Good morning, love

How

's your sleep? Sorry for leaving you early this morning. I left pain killers on the bed side table. Do your daily routine then someone is waiting for you outside our room and that someone will show you where am I. I love you, love. I miss you"

Napatawa si Baekhyun saka napailing. Medyo namumula pa yung pisngi niya. Ganyan ang epekto ng isang Park Chanyeol sa kanya. Pati ang pagbilis ng pagtibok ng puso niya.

Napangiti siya at nagtoothbrush na. "Ano na naman kayang pakulo nung higanteng yun?"

Hindi namalayan ni Baekhyun na kaarawan niya ngayon. Masyado siyang masaya sa pinakaimportanteng ganap sa buhay niya kahapon. All through out the wedding. Isang pangalan lang ang tinitibok ng puso niya, sa nangyaring kasalan, doon niya nakita kung gaano siya kamahal ni Chanyeol. Naglakakad pa lamang siya papunta kay Chanyeol, umiiyak na ito na sobrang nagpapuno ng pag-ibig sa puso niya. He is expecting na siya yung unang iiyak, he never expect na mismong si Chanyeol pa ang umiyak na una, at halos sa buong ceremony umiiyak ito. Naramdaman niya yung sobrang pagmamahal ni Chanyeol sa kanya. Hindi niya alam kung deserve niya si Park Chanyeol.

Pero nung gabing yun, when Chanyeol started kissing him with gentleness, nung hinawakan siya ni Chanyeol at yinakap siya nito ng mahigpit habang umiiyak, na sobrang nagpapasalamat ito na nabigyan siya ng pagkakataon na mahalin niya si Baek. Bumuo ng pamilya kasama si Baekhyun, isang salita lang ang lumabas sa bibig ni Baekhyun

Maswerte

Maswerte siya na si Chanyeol yung nagmamahal sa kanya. Maswerte siya na isang Park Chanyeol yung taong handa siyang protektahan sa lahat ng bagay lalo na kung hinihingi ng pagkakataon. Maswerte siya na may isang katulad ni Park Chanyeol na matagal na naghintay, hindi tumigil at hindi umalis sa tabi niya simula noon hanggang ngayon. Masaya siya na may isang Park Chanyeol, na ipinaparamdam sa kanya na siya yung pinakamahalagang tao sa buong mundo. Na deserve niya na alagaan at mahalin, punuuin ang bawat memories ang alaala niya ng masasaya.

Crush (ChanBaek) REVISINGWhere stories live. Discover now