seventy three

1.6K 62 23
                                    

Bago tayo dumako sa kasalan ng taon. Let's have an insight to Chen and Xiumin's love story. When and how their love story starts. And why the troll Kim Jongdae changed.

×××××××××

Tipikal na araw para kay Jongdae at sa mga kaibigan niyang sina Sehun, Kai at Chanyeol. Grade 7 students na sila at bago sa high school.

At para kay Kim Jongdae para parin siyang naglalaro sa isang playground at mahilig parin magpatawa, mambully at manggulo. Pati nga mga kaibigan niya ginogoyo niya. Typical Jongdae ika nga. Daily routine niya na yun since elementary.

Napakunot noo siya nang mapansin na napatigil sa paglalakad yung tatlo niyang kaibigan. Simundan niya ng tingin kung ano o sino yung tinitingnan ng mga ito.

Nakita ni Chen ang tatlong lalaki na parang mas maganda pa sa babae. Tinitingnan ni Sehun yung babae na lalaki, blonde ang buhok nito at may magagandang mata. Si Kai naman ay nakatitig dun sa may lalaking may malaking mata na akala mo papatay pero visible yung kainosentehan. Habang ang dakilang si Park Chanyeol ay nakangiti habang nakatingin dun sa lalaking tumatawa, may crescent eyes at mullet ang kulay ng buhok.


Napahagalpak siya ng tawa dahil first day palang ng school year dumbstruck in love na yung mga kaibigan niya. Napatingin naman sa kanya sila Sehun dahil napakalakas ng pagtawa nito. Nakakunot noo lang sila Chanyeol habang nakatingin kay Chen na halos gumulong na sa sahig kakatawa.


"Tinatawa tawa mo dyan?" cold na sabi ni Sehun habang nakakunot noo.


"Para kang tanga." dugtong naman ni Kai.


"Kinagwapo mo na yan?" sabi naman ni Chanyeol.


Pinigilan ni Chen ang pagtawa niya at huminga ng malalim bago magsalita.


"K-kasi naman kayo" natatawang sabi niya. Tinuro niya pa yung tatlong magagandang lalaki na tinitingnan ng kaibigan niya. "Kung titigan niyo sila para kayong ano------"


Hindi na natuloy pa ni Chen yung sasabihin niya nang biglang may lumapit sa tatlong magandang lalaking yun. Isang lalaking may average na height, hot, maganda, may matangos na ilong, cute na singkit na mata at malalambot na labi. At mukha siyang cute na bata.


Nagkatinginan naman sila Chanyeol at tiningnan ang nakangangang si Kim Jongdae. Iwinagayway ni Kai ang kamay niya sa harap ng mukha ni Chen pero hindi niya ito pinansin. Ipinitik ni Chanyeol ang kamay niya pero walang imik si Chen hanggang sa batukan siya ni Sehun at doon siya nabalik sa wisyo niya.


"Masakit yun ah!" sigaw ni Chen at sinamaan ng tingin si Sehun. "Ano ba kasi yun?"


"Don't tell me na crush mo yung si Xiumin-hyung?" Tanong ni Kai at tinaasan ng kilay si Chen.


Crush (ChanBaek) REVISINGWhere stories live. Discover now