forty eight

1.8K 76 95
                                    

Lahat ay nasa dining room na. Aligaga ang mga katulong ng mga Park dahil sa paghahanda ng pagkain. Magkatabi sa upuan si Baek at Chanyeol. Pinaglalaruan ni Chanyeol ang kamay ni Baek na pinapanood lang ni Rose. Pinipigilan niya ang pagtaas ng kilay niya dahil naiinis siya kay Baek. Habang si Mrs. Park at si Ate Yoora, oo makiki-ate na tayo, ay kinikilig at nakangiti sa dalawa. Lunch time na at konting oras nalang darating na si Mr. Park.


Pinalo ni Baek ang kamay ni Chanyeol dahil ayaw nito tigilan ang kamay niya. Tumawa lang si Chanyeol at hinawakan pa ng mahigpit ang kamay ni Baek. Tahimik lang na nanonood sina Ate Yoora.

"Tigilan mo yung kamay ko." Bulong ni Baek at kinurot ang tagiliran ni Chan. "Nanonood sila lalo na yung childhood friend mo. Kakahiya"

"Para namang di sila nasanay." natatawang bulong ni Chanyeol.

"Sila Tita Sunmi sanay, eh yung si Rose ba yun. Basta yung childhood friend mo."

Napai-ling lang si Chanyeol at hindi parin binitawan ang kamay ni Baek.

"Ma," tawag ni Chanyeol kay Mama Park kaya napatingin ito sa kanya.

"What is it, Son?"

"Aalis po ulit kami ni Baek, our friend Xiumin and his fiance Jongdae invited us for a small gathering of his friends. Buntis na po kasi si Xiumin and they conduct a small celebration" nakangiting sabi ni Chanyeol. "Then until 10 pm po siguro yun. Then Baek will stay here for the whole night"

"What?" Tanong agad ni Baek at umiling at nahihiyang tumingin kay Mama Park "Hindi po. Nakakahiya po. Sa dorm nalang ako matutulog."

"And you think hahayaan ka naming matulog mag-isa sa dorm niyo?" Tanong ni Mama Park na tinanguan naman agad ni Yoora. "You will spend the whole night here"

"B-but--"

"No buts, Baekkie" agad na sabi ni Yoora.


Napa-pout nalang si Baek kaya nang makita ito ni Chanyeol, pingilan niya ang sarili niyang huwag halikan si Baek kasi daw ang cute nito.

"Hello there" napatingin silang lahat sa kapapasok lang na si Mr. Park. May dala itong paper bag at napangiti nang makita si Baek at Chanyeol na magkatabi.

Tumayo si Baek para bumati kay Papa Park. "Hi, Tito Jungshin"

"How many times do I have to tell you na call me, Papa?"

"Hindi pa po ako sanay but, I'll try po" nahihiyang sabi ni Baek at umupo na ulit.


"May bisita pala kayo" dumako ang tingin ni Mr. Park kay Rose na kanina pa naiinis dahil kay Baek. Kitang kita niya kung gaano kasi kaclose si Baek sa pamilya ni Chanyeol.

Crush (ChanBaek) REVISINGWhere stories live. Discover now