sixty eight

1.5K 55 52
                                    

Nagising si Sehun ng pawis na pawis. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib niya na halos matanggal na yung puso niya.



Agad siyang napalingon sa gilid ng kama niya at nakitang wala siyang katabi. Agad siyang napabangon ng kama at nagmamadaling bumaba sa first floor.



At iisang tao lang ang hinahanap ng mga mata niya. Isang tao lang ang isinisigaw ng puso niya ngayon. Isang tao lang ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Isang tao lang ang bumubuo sa buhay niya ngayon na kahit anong mangyari hindi niya kayang maiwala pa.





Kinakabahan siyang naghanap sa may sala, mga kwarto hanggang dumating siya sa kusina.



Doon niya nakita ang taong kanina pa niya hinahanap. Ang taong hindi niya kakayaning mawala sa buhay niya.



Hawak ni Luhan ang 3 months na tyan niya at mukhang naghahanap na naman siya ng cravings niya. Nagkalat ang iba't ibang pagkain at mga gamit sa kusina habang si Luhan ay nakapout lang at naiiyak na. Hindi siguro nito malaman kung ano hinahanap ng panlasa niya.



Napatawa si Sehun at dahan dahang lumapit sa kasintahan niya. Mukhang ayaw na siyang gising nito dahil siguro alam nitong busy at pagod ito galing hospital. Alas dos ng madaling araw at ito si Luhan naghahanap ng gustong kainin.



"Naglilihi ka ba babe?" Tanong ni Sehun at niyakap si Luhan sa bewang. Naramdaman niya ang bump nito na medyo lumalaki na. "Ano ba gusto mo, bambi?"



Bigla nalang umiyak si Luhan at patago nalang napatawa si Sehun. Baka kasi magalit kapag narinig siya nitong tumatawa.



"H-hindi ko alam" umiiyak na sambit nito. "Hindi ko a-alam gusto kong kainin"



Pinaharap naman ni Sehun si Luhan sa kanya at pinunasan ang mga luha nito. Napangiti siya at hinalikan si Luhan sa noo.



"Apples? Mangoes?" Bulong ni Sehun at ngumiti. "I have lots of mamgoes and apples sa may dining room. Uwi ko yun kanina"



Agad na nagliwanag ang mata ni Luhan "Talaga?"



"Hmmm." Sabi ni Sehun at inalalayan si Luhan papuntang dining room.



Nandoon ang paper bag na punong puno ng apples at mangoes na pinaglilihian ni Luhan nitong mga nakaraan. Bumalik ng kusina si Sehun para kumuha ng bowl at panghiwa ng apple at mango.



Pinagmamasdan niya si Luhan habang kinakain nito ang apple na binigay niya. Masaya 'tong kumakain habang hinihimas ng dahan-dahan ang tyan niya.



Naalala na naman niya yung panaginip niya. Never siyang magchi-cheat kay Luhan. Never niyang gagawing second priority ang anak niya at si Luhan. At never niyang pagsisihan na piliin ang pagmamahal para sa trabaho. Sobrang mahal niya si Luhan at ang magiging anak nila. At kahit kailan hindi niya pinagsisihan na dumating yun sa buhay niya. Dahil unang kita palang niya kay Luhan, alam niya nang ito yung taong makakasama hanggang dulo. Yung makakasama niya na bubuo sa pamilyang nais niya. At wala na siyang hihingin pa.





















Oh Sehun with Lu Han

12 minutes ago

Sa altar naman kita hihintayin.

Lu Han, Do Kyungsoo, Byun Baekhyun, Kim Jongin, Park Chanyeol and 651 others liked this

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Lu Han, Do Kyungsoo, Byun Baekhyun, Kim Jongin, Park Chanyeol and 651 others liked this.

view all comments

Lu Han: salamat, Bambi ha? Thank you for understanding my mood swings and always lending me your patience all the time. I love you. So much.

Byun Baekhyun: ang cute niyo sa picture niyo. Sana lahat.

Do Kyungsoo: Nainggit ka na naman. Picturan kita kapag nasa kahon ka na. Mas cute ka don.

Byun Baekhyun: 🌵🌵🌵

Kim Jongin: You should be more careful bro. Yung panaginip mo katatakutan ko rin kung sa akin mangyayari.

Kim Heechul: sana all.

Henry Lau: Heechul, uyyy crush.

Choi Siwon: ^ lol

Kim Jongdae: Haba ng hair sa ilong ni Chula.














Team Daks

Jongin: katakot panaginip mo. Kung ako sa pwesto mo baka pakamatay nalang ako kapag di si Kyungie nalatuluyan ko.

✔ seen by Chanyeol, Sehun

Chanyeol: Ilang beses mo na napapanaginipan yan. Stress ka masyado sa trabaho, dude.

Chanyeol: Pero kung mangyari yan sa akin. Gagawin ko lahat para sa dulo si Baekhyun parin at ako ang magkatuluyan. Mahal na mahal ko yun kahit minsan pabebe.

✔ seen by Sehun, Jongin

Jongin: Pabebe pala ah? Hahaha

Sehun: pawis na pawis ako pagkagising ko. I can't afford losing my world. He is my everything. I will die loving him.

✔ seen by Jongin, Chanyeol, Jongdae

Chanyeol: uwi na tayo, kai.

Jongin: Tara na

✔ seen by everyone

Jongdae: Ako pinakadaks dito eh.

Sehun: oo mukha kang daks. Mukha kang bibe



×××××

(A/N: TAGAL KO NAWALA SHOCKS. PASENSYA NA. NAPASARAP SA BAKASYON😂 Hello. Hihi. Horololo. Pinatay ako ng CBX ulit. Nasa SM ako kanina nung nirelease kaya ginawa ko nakiconnect ako sa wifi ng SM😂 Hello. Miss you all)

Crush (ChanBaek) REVISINGWhere stories live. Discover now