eighty four

1.3K 50 40
                                    

Question from parkbyunlsly for Park Chanyeol

Q: Ilang beses ka naliligo sa isang buwan? Naranasan mo na bang si Baekhyun ang nagpaligo sayo para lang masigurado na naligo ka talaga?

Park Chanyeol: Masyado namang private yung tanong mo. Basta ano naliligo naman ako. Ako nagpapaligo kay Baekhyun hindi siya nagpapaligo sa akin. Gatas nga pinampapaligo ko dun eh.

×××××

It was a normal day for Kim Minseok, gigising ng maaga, magluluto ng pagkain, maliligo at magbibihis ng school uniform. Para sa isang Grade 8 student na katulad niya na naninirahan mag-isa sa isang maliit na apartment. It's a daily routine. His parents are working so hard to their bones just to earn money for him, he is the only child of the family. And he understand everything that his parents are doing for him.

Pagkatapos niya gawin ang daily routine niya, lumabas siya ng apartment niya at ini-lock ito.

"Hi, Minseok"

Halos mapatalon sa gulat si Xiumin nang may magsalita sa labas ng gate ng apartment niya. Nanlalaki ang mga singkit niyang mata habang nakatingin kay Kim Jongdae.

Nakangiti ito sa kanya ng malaki habang hawak hawak ang nakasukbit na bag sa likod niya. Nawala yung ngiti ni Jongdae sa labi niya ng mapansin na mukhang hindi okay si Xiumin sa biglang appearance niya.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ni Xiumin at naglakad palapit sa gate at lumabas na.

Napakamot naman si Chen ng ulo saka nag-isip ng maisasagot niya.

"A-ano kasi, gusto ko sabay tayo pumasok. Bagong kaibigan kasi kita" nauutal na usal ni Chen saka napahawak sa batok niya.

Napakunot noo naman si Xiumin. "And why would you do that?"

"Gusto ko kitang maka-close." Determinadong sabi ni Chen at ngumiti. Isang ngiti na hindi nakakaloko. Yung ngiting pati ang mata niya ay nagliliwanag. "Saka malapit ka lang pala sa akin. Sa kabilang kanto lang ako."

Ngumiti nalang pabalik si Xiumin. Hindi niya alam kung bakit masaya siya sa presence ni Jongdae. Hindi niya na lang pinapansin ang abnormal heart beats niya, yung pagbagal ng takbo ng utak niya, yung pamamawis ng matindi ng mga palad niya. At masaya siya kapag ganito kalapit si Jongdae sa kanya, naglalakad kasabay sa eskwelahan.

Dalawang linggo na simula nung magkakilala sila. At si Jongdae unti unting nagbabago dahil sa iisang tao. Hindi na siya ganoong ka-troll. Hindi na siya nang-aasar, hindi na pala absent. Hindi na rin siya laging lowest ang grade. He even got an A+ sa dalawang subject niya. At sa mga pagkakataong ganun weird siyang titingnan ni Chanyeol at Sehun habang si Kai naman ay nakangisi. Alam na alam niya kung bakit biglang nag-iba ang ihip ng simoy ng hangin paikot kay Chen. Alam niyang may gusto ito sa pinsan niyang mas matanda sa kanila ng 1 year.

Crush (ChanBaek) REVISINGWhere stories live. Discover now