HIDDEN LOVE
Jinky Tomas
Nagbalik-tanaw tuloy sa nakaraan ang binata. Mga pangyayari na kung maari ay ayaw na niyang balikan pa. Lalo lamang nakakramdam siya ng paghihirap ng loob. Kung hindi sa masamang balita ay maganda pa rin sana ang araw niya kahit naistorbo siya sa kanyang pagtulog.
Childhood sweetheart niya si Shinley. Nasa sekundarya pa lamang sila ay magkasintahan na sila ng dalaga. Kaya naman kahit sa edad nilang twenty-four noon at twenty-one naman ang kasintahan ay nagdesisyon na itong magpakasal. Kapwa galing sila sa mayamang angkan at kahit pa mag-asawa sila ng maaga ay hindi sila magkakaroon ng problema sa pera.
Madaling naayos ang kanilang papeles at ilang linggo na lamang ang hihintayin at ikakasal na sila. At nabigla siya sa balita ng iuwi ng kanyang ama ang kanilang wedding organizer at sinabing magkasintahan sila.
Thirty-two si Charie at hiwalay sa asawa. Agad siyang nagprotesta sa ginawa ng ama. Alam niyang hindi agad iibig ang isang babae sa may edad na at sigurado si Aldritch na pera lamang ang habol nito sa kanyang ama.
Hindi nakinig sa kanya ang ama at nagpatuloy ang mga ito sa kanilang relasyon. Kaarawan noon ni Charie at nagkaroon ng selebrasyon sa kanilang tahanan. Sila lamang at walang inanyayahan ang dalawa.
Ang gusto daw ni Charie ay sila lamang ang makasalo niya sa araw na iyun. Hindi rin niya inanyayahan ang kasintahan, dahil para sa kanya hindi deserving si Charie para magkaroion ng mga bisita.
Talagang mabigat ang loob niya sa babae. Pagkatapos ng hapunan ay nagkakayayahan muna ng inuman. Tumikim lang siya ng kaunti at agad nagpaalam sa ama dahil inaantok na ito.
At hindi na niya alam ang mga sumunod na pangyayari. Nagulat na lamang siya ng magising siya dahil sa iyak ni Shinley at lalong nagulat ito ng mapagtantong wala siyang saplot sa katawan at nakapatong siya sa isa pang katawan na wala ring damit at mahimbing na natutulog.
Si Charie!
...
Pilit siyang nagpaliwanag sa kasintahan pero hindi ito naniwala sa kanya. Pinanindigan naman ni Charie na matagal na silang nagniniig ng binata. Galit na galit ang binata sa nangyari at sinampal niya si Charie na ngumiti pa sa mga nangyayari. Walanmg pagsidlan ang galit na nararamdaman niya.
Pinalayas man ng ama niya ang babae, dahil sa ginawa niyang frame-up sa kanya at kay Shinley ay hindi na maibabalik pa ang mga pangyayari. Noong una ay hindi naniwala sa kanya ang ama. nagalit pa ang matanda sa kanya. mabuti na lamag at aksidenteng narinig ng kanyang ama ang pagtatalo nila ni Charie.
“How dare you to ruin my life!” sigaw ng nangangalaiting binata sa kaharap.
Ngumiti lamang si Charie sa kanya. “Because I love you. Ikaw ang pinagnanasahan ko at hindi ang ama mo.”
“Ang kapal ng mukha mo!”
“Bahala ka kung anong gusto mong sabihin Aldritch, pero gusto kita. Atr isa pa alam kung hindi makikinig sa paliwanag mo ang ex-girlfriend mo.”
“How dare you, lumayas ka sa bahay na ito!” dinuro siya ng binata.
Tumawa ang babae. “Hindi ako aalis dito. Pananagutan mo ang nangyari sa ating dalawa.”
“Walang namagitan sa atin! You know that!”
“Exactly! Pero may video ako while I’m kissing you and when I’m under you, we’re both naked, remember?”
“Hayop ka…”
“Madali lang sa akin na I-edit ang lahat Aldritch. I’m a professional wedding planner and organiser diba? Tingnan ko lang kung hindi ako ang paniniwalaan ng mga tao kapag maipalabas ko ang mga retokada nating video.” At ngumiti pa sa kanya ang dalaga.
BINABASA MO ANG
HIDDEN LOVE
RomanceNag-iisang anak si Jenika. Mabait, maganda, matalino at masipag. Lahat halos ng mga katangiang hinahanap sa isang dalaga ay nasa kanya na lahat. Hindi rin ito mareklamo kagaya ng mga ibang ka-edad niya. Tahimik at masaya ang buhay ng dalaga kahit si...