Chapter 5:

3.9K 100 0
                                    

HIDDEN LOVE

Jinky Tomas

Lalong naawa si Jenika kay Don Moreno ng mapag-alaman niyang may taning na pala ang buhay ng matanda. Ipinakilala siya sa kanyang private doctor, at bilang personal na mag-aalaga dito ay ipinagtapat sa kanya ng doktor ang tunay na kalagayan ng matanda.

Malala na pala ang sakit nito sa puso, ilang bahagi na lamang ng kanyang organ ang hindi binabalot ng taba at unti-unti na ring bumibigay ang kanyang atay dahil sa kumplikasyon nito sa sakit. At ang masama pa ay hindi ito alam ng mismong matanda dahil inilihim ng doktor. Ayon dito, mabait si Moreno sa kanilang pamilya at ayaw niya itong bigyan ng iisipin. Kaya mas minabuti na lamang na huwag sabihin at pati mga anak ay hindi rin nila alam.

Nangako siya sa butihing espesyalista na hindi siya magsasabi ng anumang nalaman niya tungkol dito. Nalulungkot siya para sa kalagayan ng taong tumulong at patuloy na nagbibigay sa kanya ng suporta para makapagtapos sa kanyang pag-aaral. Maige daw na dapat palagi niyang nababantayan ang matanda para kahit anuman ang mangyari ay naroon siya agad. Sinabi pa ng doktor na dapat lagi siyang handa at hintayin ang araw na kung saan ay tuluyan na talagang bibigay ang katawan nito.

Kahit inayos na ang guestroom ay mas ginusto ni Jenika na sa nurse quarter na lamang siya matulog. Malaki rin ang silid na iyon na sadyang ipinagawa sa loob mismo ng master’s bedroom kung saan natutuog ang matanda. Siya na ang personal na mag-aalaga rito kaya naman kailangan niyang bantayan ito lalo na kapag gabi. Sa araw kasi ay ipinagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral.

Lunes. Excited ang lahat dahil sa nalalapit na oras ng engagement party ng matandang don at si Jenika. Walang dumalong kamag-anak niya. Hindi pumayag si Moreno na muling mag-krus ang landas ng mga ito at ang kanyang mga kamag-anak na umalipin sa kanya. kapalit ng limang milyon ay ang pagputol na rin ng anumang ugnayan nila.

Ang huling balita lamang ng dalaga sa kanyang tiyahin at mga pinsan ay ang magarbong buhay na ginagawa nila sa limang milyon na tinanggap nila bilang kabayaran niya. Nakakatawa lamang ang katotohanan na kapag ang tao pala ay ganid sa salapi kahit mismong kadugo ay kayang ipagbili. Ang nagagawa nga lang talaga ng kinang ng salapi.

Masigabong palakpakan ang sumalubong sa dalawa. Napakaganda ng dalaga sa kanyang suot. Para itong prinsesa sa paningin ng lahat. Panay ang papuri nila sa kanya. At maraming naiinggit sa ginoo dahil nakabingwit daw ito ng bata at sariwang isda.

Pero hindi natutuwa si Aldritch sa kanyang nakikkita. Panay ang tungga niya ng alak.

“Look at them, honey. They are so sweet.” Maarteng saad ni Erica sa binata.

Tumingin lang sa kanya si Aldritch at muling itinuon ang pansin sa alak. Wala siyang gana ngayon na makipag-usap kanino man. At hindi niya batid kung bakit ang katabing kasintahan ay wala ring epekto ngayong gabi sa kanya. Puro pagkayamot ang nararamdaman niya ngayong gabi.

Hindi pa tapos ang okasyon ng sabihin ni Aldritch na ihahatid na niya sin Erica. Ayaw pang pumayag ng dalaga dahil ayon sa kanya ay nag-eenjoy pa ito kaya naman iniwan na lamang siya basta ng binata at diretso na itong pumanhik at natulog. Naiwan namang gulat ang dalaga at napahiya sa sarili dahil san ginawa sa kanya ng isang linggo niyang kasintahan. Sa lahat ng naging boyfriend niya ay si Aldritch pa lamang ang gumawa sa kanya ng bagay na iyun at labis na pagka-insulto ang kanyang naramdaman. Kaya naman ng nilapitan siya ng isang anak ng kilalang pulitiko ay walang pakipot itong nakipagkwentuhan sa kanya. Ayaw niyang sayangin ang masayang gabi na naghihimagsik ang kalooban sa ipinakita sa kanya ng kasintahan.

....

Hatinggabi na ng matapos ang kasiyahan. At ang lahat ng oras habang idinadaos ang selebrasyon ay palaging nakadikit sa kanya si Anela. Tawa sila ng tawa ng lihim dahil sa kalokohang pinaggagawa nila sa gabing iyun. Mabuti na lamang at tikom dinm ang bibig ng kasintahan ng dalaga kaya hinahayaan lamang niya ang dalawa. Dahil kapag tiyak na ipagsabi niya ang sikreto nila ay hihiwalayan siya ni Anela.

HIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon