HIDDEN LOVE
Jinky Tomas
Tumungga ng red wine ang binata at nagpakawala ng malalim na buntung hininga. Nakamata lamang sa kanya ang dalaga. Hindi niya alam kung anong itatanong sa binata. Para kasing nakikita niya ang kanyang sarili sa katayuan ngayon ng kasalo. Parang siya na sa una pa lamang pagkakita ka Aldritch ay nakaramdam na siya ng kakaibang kilig.
“What happened next?” kahit papaano ay nagkaroon na rin siya ng lakas na mag-usisa.
“Hindi ko alam. Hindi niya ako mahal. Nararamdaman ko kasing panay din ang pag-iwas niya sa akin. At sa pagkakaalam ko ay may kasintahan na rin siya ngayon. That’s the reason why I said she don’t love me, too. Kaya inilihim ko na lamang ang damdamin kong iyun sa kanya.”
Katahimikan. Hindi alam ng dalaga kung anong sasabihin niya sa kaharap. Paano siya rin kasi ay panay ang ginagawang pag-iwas kay Aldritch. Para tuloy pinapasaringan siya ng binata.
“Ikaw? I mean how is your lovelife?”
“Zero. I’m loveless, I never experienced having a boyfriend.”
Nakita niyang natigilan ang kaharap. Hindi niya alam kung naniniwala ito sa kanya o hindi. Pero iyun naman talaga ang katotohanan. Kahit nasa late twenties na siya ay hindi pa niya naranasang magkaroon ng kasintahan. Naging manhid siya sa opposite sex dahil sa maling pagmamahal niyansa isang lalake.
“But why? I mean napakaganda mo para sabihin mong loveless ka.”
“How can you say na maganda ako samantalang hindi naman kita ang kabuuan ng nayo ko.” Pang-iiba ng dalaga sa usapan.
“Your voice is like music to my ears.” Diretsong sagot nito sa dalaga.
Napatawa tuloy ang dalaga. Hindi niya akalain na marunong palang magpalambot ng puso ang kaharap ngayon. Siguro kung manliligaw ito ay agad na mapapsagot ang sinumang dalaga dahil sa mga kakaiba nitong banat.
“You never had. Pero walang taong manhid. Lahat ng tao ay marunong magmahal. Ah, you must love somebody else, right Jenika?
Kung bakit naman sa tanong na ioyun ng binata ay kusa na lamang pumatak ang kanyang luha. Natigilan si Aldritch ng makita ang mga luhang iyun sa pisngi ng dalaga. Para tuloy siyang nagsisisi kung bakit pa kasi niya kinulit ang ka date.
Pinahid ng dalaga ang luha at humingi ng pasensiya sa binata.
“Jenika, I’m sorry, I don’t mean to..”
“Ayos lang Erold, mas maganda rin siguro ito. To open up to somebody. Mahirap din kasi iyung may tinatago palagi sa kalooban eh”
Hindi sumagot ang binata. Gusto niyang marinig ang mga susunod pang sasabihin sa kanya ng dalaga. Ibig sabihin na may kinikimkim ang dalaga sa loob nito at gusto niyang malaman ang mga iyun. Hindi niya alam na sa kabila ng maamong mukha nito ay may nakatago rin palang kalungkutan ang dalaga.
“Jenika?”
Hindi batid ng dalaga kung saan siya humuhugot ng lakas ng loob upang ilabas niya ang kanyang lihim nha nararamdaman. Gusto niyang maibsan ang sakit na nararamdaman. Sabagay hindi naman siya kilala ng binata. Mabutri na ring may mapagsasabihan niya ng kanyang pagdurusa.
“I always love him. Hindi ko nga alam kung bakit. Mahirap din kasing turuan ang puso na umibig sa iba. That is why until now wala akong boyfriend because of him. Sakop niya ang buo kong pagkatao.”
“Alam ba niyang mahal mo siya?”
Umiling ang dalaga.
Patlang.
...
“Why not tell him, malay mo mahal ka rin niya.” Kahit pa may konting kirot na naramdaman ng binata ay kumawala pa rin sa labi niya ang mga salitang iyun.
“Hindi na niya kailangan pang malaman. Alam kong ikakasal na siya and soon to have a baby.”
Nagulat ang binata sa narinig. At kung sino man ang lalakeng tinutukoy ngayon ng dalaga ay hindi siya deserving na saktan ito. Biglang kinabahan si Erold at hindi niya alam kung bakit parang may nagtutulak sa kanya upang alamin ang lalakeng tinutukoy ng dalaga.
“Who is he?”
“Sobra ko siyang mahal Erold. Si A-Aldritch…” at tuluyan ng umiyak ang dalaga.
“Jenika…”
Pinahid muna ng dalaga ang kanyang mga luha bago muling nagsalita.
“Akala ko manhid ako. Pero talagang tinamaan ang puso ko sa kanya. I love every inch of him. Palaging sinisigaw ng puso ko ang kanyang pangalan. How I wish I’ll belong to him for he is my love for always. Ang sakit…” At muling umiyak ang dalaga.
Hindi na kaya pang tiisin ni Erold ang paghihirap na nakikita niya sa kaharap.
Nakaramdam siya ng kakaibang kasiyahan dahil sa mga narinig niya sa dalaga. Ngayon pa lamang ay alam niyang magiging maligaya siya sa piling ng dalaga. Ramdam nito sa bawat katagang binibitawan ng dalaga ang labis niyang pagmamahal sa kanya. At sinisigurado niyang kailanman ay hindi na muling luluha ang dalaga dahil sa sakit na dulot ng pag-ibig. Hihigitan niya ang pagmamahal ng dalaga sa kanya.
Agad namang tumindig ang binata at maagap na lumapit sa kinaroroonan ng dalaga. Tuwang tuwa siya sa kanyang nalaman. Mabuti na lamang at mahusay mag-isip ang kanyang bunsong kapatid dahil tiyak na hindi niya malalaman na may pagtatangi rin pala sa kanya ang dalaga. Ang tagal pa ng panahon na sinayang nila at gusto niyang sulitin sa mga susunod pang araw na magkasama sila. Hindi na rin pala siya mahihirapan sa panliligaw.
Pumayag lang naman siya sa pagpupumilit ng kapatid para malaman kung wala na nga ang paghanga sa kanya ng dalaga o kay Erold. Mas malaki pala ang malalaman niya dahil kahit siya na si Aldritch ay siya pa rin ang mahal ng dalaga. Patunay lamang na walang ibang minahal ang dalaga kundi siya lamang kahit noong bata pa siya hanggang ngayon. Nag-iisa pa rin siya sa buhay nito.
Itinayo niya ang dalaga at niyakap niya ito ng mahigpit.
“Erold?” puno ng pagtatakang tiningala siya ng dalaga.
“Mahal na mahal din kita Jenika, and I will always love you. I will always do it so…”
Para namang nahimasmasan ang dalaga sa kanyang mga narinig. Kinalas niya ang pagkakayakap nito sa binata at dahan at dahan niyang tinanggal ang suot nitong maskara.
...
“A-Aldritch? I-ikaw si Erold?” paniniyak ng dalaga bagamat namumula ito sa kanyang mga sinabi sa binata na mahal niya ito.
“Yes honey at hindi kami magpapakasal ni Shinley dahil ikaw ang gusto kong iharap sa altar. Ikakasal at magkakaanak si Shinley pero hindi sa akin. She is belong to somebody. And you belong to me. You are mine.”
Lunod sa galak ang dalaga sa sinabi sa kanya kaya naman tinugon niya ang mga yakap ng binata. Mga ilang saglit din ang tagpong iyun. Muli silang umupo at may inabot sa kanya si Aldritch. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya kung ano ang regalo sa kanya.
“Oh my…” tanging sambit ng dalaga habang isa-isa niyang pinagmamasdan ang mga larawan ni Aldritch when he was a kid. Kapareho ng mga larawang ginupit niya noon at kinakausap. Ang fairy tale niya noong bata siya ay nauwi sa totohanan. Hindi lamang totoong larawan kundi maging mismong ang nagmamay-ari ng mga iyun.
“I love you,” tila walang sawa ang binata sa pagsasabi ng mga katagang iyun sa kanya habang abala naman ang dalaga sa paghanga sa mga larawan ng lalakeng iniibig niya..
“Ako rin Aldritch, ikaw lamang ang nakatadhana para sa akin.”
Ginagap niya ang palad ng dalaga at isinuot sa kanya ang isang diamond studded ring. Seryosong tumingin sa kanya. “Will you be my love till the rest of our lives?”
“Papakasalan mo agad ako? Hindi mo nga ako niligawan.” Sumimangot ang dalaga.
Tumango lamang at ngumiti ang binata sa dalaga. “Paano kita liligawan, inamin mo agad na mahal mo ako.” At sabay silang nagtawanan.
“Oo Aldritch, magpapakasal ako sa iyo. I will be yours forever.” At ngumiti siya sa binata.
“And I’m your mine till the end of time.” Madamdaming sagot ng binata.
Muling niyakap ni Aldritch ang dalaga at tinugon naman iyun ni Jenika. Si Erold man siya o si Aldritch, puso na niya ang nagpasya at kailangan niyang sundin iyun.
Masaya namang pinagmamasdan ni Alena ang kanyang kuya at si Jenika. Hindi sila nagkamali ng kanyang ama. magiging maligaya rin ang kanyang kapatid sa piling ng babaeng talagang nagmamahal at tanggap ang kanyang buong pagkatao.
“Job well done. How I wish you are here, Dad.” Bulong nito sa hangin. At muling pinanood ang dalawa na lunod sa galak ang mga puso dahil sa kanilang pagmamahalan.
…..Wakas…..
BINABASA MO ANG
HIDDEN LOVE
RomanceNag-iisang anak si Jenika. Mabait, maganda, matalino at masipag. Lahat halos ng mga katangiang hinahanap sa isang dalaga ay nasa kanya na lahat. Hindi rin ito mareklamo kagaya ng mga ibang ka-edad niya. Tahimik at masaya ang buhay ng dalaga kahit si...