HIDDEN LOVE
Jinky Tomas
Tumalim ang mga tingin ng binata sa nakikita. Si Jenika habang inaabutan ng pera ang isang lalake. At yumakap pa ang lalake sa kanya ng mabilisan at abot-tainga ang mga ngiting iniwan ang dalaga.
'Isa ka rin sa kanila Jenika! Isang babae na nananamantala sa kahinaan ng ibang tao. Hindi ako papayag na bibiktimahin mo ang ama ko.'
Napansin nitong naging malikot ang mga mata ng dalaga ng makaalis ang lalakeng kinatagpo niya. Sinasabi na nga ba niya at puro pagkukunwari lamang ang kabaitan ng dalaga sa kanyang ama. Katulad din ito ni Charie. At ang lalakeng iyun, malamang na boyfriend niya ito at pera lamang ang pakay ng dalawang ito sa kanyang ama.
Gusto niyang lapitan ang dalawa para mapahiya ang mga ito kundi lamang mabilis na umalis ang lalake at nagmamadali rin si Jenika na lumayo sa lugar na iyon. Narinig niya kaninang siya ang inutusan ng ama na mag withdraw ng pera para mabayaran niya ang kanyang wedding gown. Diyata’t iyun ang perang inabot niya kanina sa lalake.
Hindi mapigil ng dalaga ang humagulhol. Akala niya ay hindi na muling magku krus ng landas ang isa sa mga kamag-anak niya. Pero laking pagkagulat niya ng makita si Edson at humingi pa ng pera sa kanya. Hindi na nahiya ito sa kanya at nagbanta pa siyang papatayin niya ang kanyang mapapangasawa kundi siya aabutan ng pera. Natakot siya para kay Moreno.
Napakabait nito sa kanya at hindi niya hahayaang masaktan ang matandang tunay na nagmamahal sa kanya bilang isang ama. Kaya minabuti na lamang niyang iniabot ang ini withdarw niyang pera. Hindi bale kukuha na lamang siya sa isang buwan niyang sahod bilang personal nurse ng matanda.
Pero nangamba lalo ang dalaga dahil ang sahod pala niya ay hawak ng matanda. Kahit kasi regular ang sahod niya ay ang matnda ang personal na nag-iipon para kung talagang handa na daw siya sa kanyang kinabukasan ay maari na niya itong kunin.
Kung sasabihin niyang kailangan niya ng pera ay bibigyan siya ng matanda. Hindi naman niya alam kung anong magiging rason niya. Kahit siya na kasi ang gumagastos sa kanyang pag-aaral ay may buwanan pa siyang sahod kaya naman malaki rin ang maiipon niya sa bangko lalo na at hindi rin siya magastos sa allowance na ibibigay sa kanya. pero kung sa mga allowance lamang siya kukuha ay kulang pa rin kapalit ng napakalking perang nawala sa kanya.
....
Lalo lamang nadagdagan ang hinanakit ng binata sa kanyang ama. Sinabi kasi ni Jenika na na snatch ang ibang perang inilabas niya sa bangko at mabilis namang naniwala ang matanda sa kanya. Gusto na sanang isiwalat ng binata ang tunay na nangyari, pero alam niyang hindi maniniwala sa kanyang ama. nabubulag na ito ng husto dahil sa kaplastikang ipinapakita sa kanya ng dalaga.
Kailangan pa niyang magkaroon ng ibang ebidensiya na magtuturo sa mga pagkukunwari ng dalaga. Hindi pa man sila kasal ay natututo na itong magnakaw ng pera, lalo na kapag kasal na siya sa kanyang ama. Tiyak niyang mas malaki ang mawawala sa kanila kung nagkataon. Kaya ngayon pa lamang na mas maaga ay kailangang masupil na ang kasamaan ng babaeng ito.
Palakad lakad ang dalaga. Kinakabahan siya sa muling pagsulpot ng kanyang pinsan. Alam niyang umpisa na naman ito para muli siyang perahan ng mga ito. Gusto niyang sabihin kanina sa matanda ang tunay na nangyari pero nasa harapan din nila ang binata. Kapag malaman niya ang mga totoong kulay ng kanyang mga kamag-anak ay lalong hindi magtitiwala sa kanya ang binata.
“May iniisip ka yata?” mula sa likuran niya ay bigla na lamang nagsalita ang binata. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.
“W-Wala. May naaalala lang ako,” pagkakaila ng dalaga.
“Sino? Boyfriend mo?”
Lalo namang natigilan ang dalaga. Iba kasi ang dating ng mga tanong na iyun ng binata sa kanya. parang may iba itong kahulugan. Hindi ito nagtatanong kundi parang may halong pag-uyam sa kanyang mga katagang binitawan.
“Wala akong boyfriend. I never had.”
“Bakit naman? Mas gusto mo bang magkaroon ng kasintahan o asawa na mayaman na at matanda, iyung mga tipong madaling utuin?”
“Ano bang gusto mong sabihin? Pwede mo namang sabihin ng diretsahan.”
“You are a gold-digger, right? Pera lamang ang gusto mo sa ama ko.”
Bigla ang naging reaksiyon ng dalaga. Gusto man niyang pigilan ang sarili pero dumapo na sa pisngi ng binata ang kanyang malakas na sampal. Natigilan naman ang binata dahil sa nangyari. Sa kauna unahang pagkakataon ay may babaeng sumampal sa kanya.
Bigla niyang nilapitan ang dalaga at kinabig niya. Niyakap niya ito ng mahigpit at hinuli ang kanyang mga labi. Marahan lamang sa una ang mga halik na iyun hanggang sa naging mapangahas at may halong paghihiganti.
Malakas siyang itinulak ng dalaga. At tumulo ang mga luha nito. Unang halik niya iyun. Kahit naman na sinong babae ay gustong maging memorable ang unang halik. Pero siya hindi. Oo hindi niya makaklimutan, dahil iba ang halik na iyun. Sinampal niya ang binata kaya bilang ganti ay hinalikan niya ito. Isang pagpaparusa.
"Higit mo lang pinapatunayan ang kabastusan mo!" Pauyam ng dalaga.
"Atleast,hindi ako pakitang-taong kagaya mo."
"hindi ako kagay ng babaeng iniisip mo,Aldritch. Kung may hinanakit ka sa mundo...huwag mo akong idamay.
Naalarma bigla ang binata ng makitang parang gusto ng umiyak ang dalaga. may mga namumuong luha ito sa kanyang mga mata. Maaaring pinipigilan niya lamang para lalo siyang hindi mapahiya.
“Jenika…I’m sorry…”
"You are rude and stupid!" Hindi na napigilan ng dalaga ang kanina pang inis niya sa binata. Mas matanda ito sa kanya pero kung umasta,daig pa niya ang bata.
"I'm not stupid.young lady!"
"So what? A bastard?"
"I'm just being honest dahil ang mga kagaya mo ay hindi mapagkakatiwalaan!"
“Kung galit ka sa akin dahil sa ginawa sa iyo noon ni Charie, Aldritch, huwag mo akong idamay! Kung may sakit kang nararamdaman, huwag mong ibunton sa iba.”
“Jenika…?”
“Dahil ako iba sa kanya. Wala akong pakialam sa kung anong gusto mong isipin. Pero kung ano man ang dahilan ng pagpapakasal ko sa ama mo ay sinisigurado kong mabuti ang hangarin ko.” Pagtatanggol ng dalaga sa kanyang sarili.
“Paano mo nalaman ang tungkol kay Charie? Baka naman sugo ka niya para ipagpatuloy ang pagwasak niya sa buhay ko at sa relasyon naming mag-ama?”
“Hindi ko kilala ang Charie na sinasabi mo Aldritch. Iba ako sa kanya, tapos!”
“Mabuti bang hangarin ang paghabol lamang sa pera kaya magpapakasal?” ganti ng binata habang matatalim ang mga tingin nito sa gawi ng dalaga.
“Tsk! Tsk! Hindi ko lubos maisip kung bakit ganyan ang ugali mo, malayong-malayo sa ama mo at sa kapatid mo.”
“Talagang malayo dahil hindi ako madaling napapaniwala sa mga kasinungalingan lamang.”

BINABASA MO ANG
HIDDEN LOVE
RomanceNag-iisang anak si Jenika. Mabait, maganda, matalino at masipag. Lahat halos ng mga katangiang hinahanap sa isang dalaga ay nasa kanya na lahat. Hindi rin ito mareklamo kagaya ng mga ibang ka-edad niya. Tahimik at masaya ang buhay ng dalaga kahit si...