HIDDEN LOVE
Jinky Tomas
Si Anela na ang nagmaneho ng sasakyan. Bago pa man umalis ang tatlo ay maayos nmunang nagpaalam ang mga ito kay Shinley. Nagprisinta ang binata na ihahatid na lamang muna siya pero mas pinili nitong magpa iwan na muna. Sabagay halatang may mamumuong romansa sa pagitan nila ng dati rin nilang kaklase noon sa elementarya.
Kapwa sila sa backseat naupo ng dalaga. Alalang alala siya sa kalagayan ng dalaga. Dahil siguro sa matindi nitong takot kanina kaya naman nawalan na ito ng ulirat. Halos madurog ang mukha ng lalake dahil sa mga suntok niya. Hindi niya hahayaan na may ibang mambabastos sa dalaga. Hinahaplos haplos niya ang buhok ng wala pa ring malay na dalaga.
Kahit abala si Anela sa pagmamaneho ay nagagawa pa rin niyang sulyapan ang dalawa sa kanyang likuran at hindi maiwasang mapangiti dahil sa nakikitang reaksiyon ng kapatid. Alam niyang napaamo na ng tuluyan ng dalaga ang kanyang kapatid. Mahusay pumili ang kanyang ama…
Ilang saglit pa ay umungol ang dalaga. Nagpapahiwatig na nagbabalik na ito sa kanyang kamalayan.
“Aldritch?”
“It's alright. Pauwi na tayo.”
“Ayos ka na ba Jenika? Pasensiya kana kung hindi ka sigurong mag-isa sa table, hindi ka babastusin ng unggoy na iyun.” Sabad naman ni Anela na nakatutok ang mgamata sa daan.
Tumingin siya sa gawi ng binata at ngumiti ito sa kanya.
"Okay lang ako. Salamat."
Tahimik ang mga sa daang pauwi.
Masaya ang dalaga at muli siyang makakadalaw sa kanyang flower farm. Matagal na rin siyang hindi nagagawi doon. Mabuti na lamang at mabait ang kanilang direktor. Pagkatapos ng pag-uusap nilang tatlo ay agad na siyang nagtungo sa bahay ng namumuno sa ospital na pinaglilingkuran niya. Gusto niyang magpaalaam ng personal.
Two weeks ang hiningi niyang bakasyon at mahabang panahon na rin iyun para sa kanya. Pagdating niya ng bahay ay agad na siyang mag-eempake. Maaga pa naman at hindi siya gagabihin sa biyahe. Tatawagan na lang din niya ang mag-asawang caretaker para makapaghanda sila ng hapunan para sabay na silang makakain. Mabait ang pamilyang kinupkop niya. Sila ang namamahala sa farm at sa kanyang resthouse. Ipina renovate niya ang dati nilang bahay. Ginawa niyang two-storey. Siya ang nakatira sa taas kapag nagbabakasyon siya at ang mag-asawa kasama ang isa nilang anak na binatilyo ang nasa ibaba.
Tanging si Alena na lamang ang naiwan sa bahay. Wala daw ang kanyang kuya dahil may pinuntahan sila ni Shinley. Kay Alena na lamang siya nagpaalam. Sinabi pa ng dalaga na hihingi rin siya ng vacation leave para makapasyal din sa kanila. Halos isang taon na rin ang kanyang farm pero hindi pa nagagawi doon si Alena dahil hindi makahingi agad ng bakasyon.
Ginugol niya ang kasnyang bakasyon sa pag-aalaga sa kanyang mga bulaklak. Inabala niya ang sarili at sa kanyang paglagi doon ay muli niyang sinariwa ang kanyang kabataan sa piling ng kanyang mga magulang.
Panay pa ang kulit sa kanya ng mga itinuring narin niyang pamilya kung kailan daw magkakaroon ng bubuyog sa farm, pero tinawanan lang iyun ng dalaga. Hindi pa naman daw nalalanta ang dalagang bulaklak at isa pa ay naghihintay pa lamang siya sa pagdating ng isang binatang bubuyog.
Kanina pa parang trumpo si Alena sa kahahanap ng maliit niyang box. Yari iyun sa kahoy at nandoon ang kanyang mga larawan noong maliit pa siya. Gusto niyang ilagay iyun sa kanyang ginagawang scrapbook pero hindi niya mahagilap. Naisip niyang baka nailagay niya iyun sa mga gamit ni Jenika.
Share kasi sila sa iisang kuwarto. Hinalungkat niya ang mga iyun pero wala. Naisip niyang baka nasa loob ng kuwarto ng kanyang papa. Maingat niyang ibinalik ang mga gamit ng dalaga ng biglang nalaglag ang isang maliit na album. Nagtaka ang dalaga kung ano iyun kaya naman binuklat niya ito. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita at gumuhit ang mga pilyang ngiti nito sa labi.
BINABASA MO ANG
HIDDEN LOVE
RomanceNag-iisang anak si Jenika. Mabait, maganda, matalino at masipag. Lahat halos ng mga katangiang hinahanap sa isang dalaga ay nasa kanya na lahat. Hindi rin ito mareklamo kagaya ng mga ibang ka-edad niya. Tahimik at masaya ang buhay ng dalaga kahit si...