Chapter 10:

3.8K 90 1
                                    

HIDDEN LOVE
Jinky Tomas

Sila na lamang tatlo ang natitira sa sementeryo. Parang ni isa sa kanila ay walang may gusto na umalis sa lugar na iyun. Parang takot silang iwan ang matanda na mag-isa. Bagamat napansin ni Jenika na hindi na umiiyak ang binata, batid niya ang kalungkutan nito at matinding pagdadalamhati. Nakikita niya sa mga mata nito ang labis na kalungkutan. Mabuti na lamang at bago namatay ang kanyang ama ay naayos muna ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Kumbaga iyun lamang ang pagkakataong hinihintay ng matanda bago umalis.

Magkatabi sila ni Alena habang nasa unahan si Aldritch. Nakapamulsa ang dalawa nitong kamay. Malalim na buntung hininga muna ang kanyang pinakawalan bago niya niyaya ang dalawang dalaga.

Inakbayan pa niya pareho ang mga ito. Kailangan nilang magdamayan. Kahit hindi siya tunay na miyembro n g pamilya, sa maikling panahon ay napamahal na rin siya sa mga ito dahil sa kanilang kabaitan sa kanya.

Kahit wala na si Moreno ay pinakiusapan pa rin ni Alena si Jenika na sa bahay nalang siya titira. Nakatapos na siya ng kanyang kurso at agad na nakahanap ng trabaho dahil nakapasa siya sa board exam.

At sa wakas ay nakalaya na rin siya sa mga ilang nanghuhusga sa pagpatol niya sa matanda. Lalong makakpamuhay na siya ngayon ng malaya at tanggap ang kanyang pagkatao sa lipunan. Nalaman na rin ng buong bayan ang tunay na pangyayari sa likod ng plano sanang pagpapakasal. Kahit wala na ang matanda ay marami pa rin ang labis na humanga sa kanya. Likas itong mabait at mapagkawanggawa. 

Maayos na rin ang relasyon niya sa kanyang tita at sa dalawang pinsan. Labis nilang pinagsisihan ang kanilang mga nagawang pagkakamali sa kanya at agad naman niya itong napatawad. At sa sobrang hiya nila sa dalaga ay minabuti na lamang ng mga ito na magpakalayo layo na at nangakong hindi na magpapakita pa sa kanya. at sa huling balita nam lamng niya sa kanyang mga kamag-anak ay tuluyan ng nagbago ang mga ito. At labis na ikinatuwa ng dalaga dahil naayos na muli ang pamilya ng kanyang tiyahin at ang asawa nito.

Ibinalik sa kanya ang kanilang lupain at iyun ang pag-iipunan niya. Balak niya kasing mapaganda ang lupang niyun. Gusto niyang gawing flower farm ang lupa nila. Gusto niyang magkaroon ng magandang libangan kapag wala siyang trabaho. Ilang oras lang naman ang biyahe mula sa mansiyon at sa kanilang bahay. May iniwan sa kanyang malaking pera ng namayapang don at may malaki rin siyang ipon sa bangko, naisip niyang kumuha ng caretaker habang abala naman siya sa kanyang trabaho.

Inabala niya ang kanyang sarili sa pagtatrabaho. Sinikap niyang wala siyang bakanteng panahon para isipin ang kanyang damdamin. Aminado siyang hindi pa namamatay ang damdaming iyun. Katunayan pakiramdam ng dalaga ay lalo itong lumalalim.

“Kumusta ang pagtatrabaho mo Jenika?” nasa salas ang binata. May hawak itong magasin.

“A-ayos naman. Masaya.” Tipid niyang sagot sa binata. Hindi na sila masyadong nag-uusap gaya ng dati. Naging puspusan ang pagtatrabaho niya sa ospital at ang binata naman ang namahala na sa negosyong naiwan sa kanila ng kanilang ama. Kahit gustuhin man ng dalaga na bumukod na ng bahay, ayaw pumayag ang magkapatid lalo pa at nasa last will and testament ng yumaong don na may karapatan siyang tumira sa bahay na sinang-ayunan ng magkapatid.

Magpapaalam na sana ang dalaga na aakyat sa kuwarto pero pinigil siya ng binata. Naalala niya ang pangako nito sa dalaga na bibigyan niya ng damit ang dalaga. 

Naging abala si Aldritch kagabi sa paghalungkat ng kanyang mga lumang gamit. Nakita rin niya ang mga ibang picture ni Erold Sebastian, mga original copies iyun na kapareha ng mga ginupit na larawan ng dalaga sa magasin. Naupo ang dalaga at inilapag niya ang mga gamit sa katabi nitong sofa.

“Naaalala mo ba iyung pangako ko sa iyo na bibigyan kita ng mga damit na iminodel noon ni Erold?” nakangiting saad nito sa dalaga.

Tumango ito at matipid na sumagot ng oo.

HIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon