HIDDEN LOVE
Jinky Tomas
Maingat niyang inilagay sa isang supot ang perang parte niya sa hatian ng pinagbentahan ng kanilang tanim. Kailanagan niyang makapag-ipon. Luluwas siya ng Maynila at itutuloy ang kanyang pag-aaral. Kailangan niyang makapagtapos. Magwo-working student siya gaya ng kanyang plano. Kailangan niya munang tikisin ang lupa ng kanyang mga magulang dahil natitiyak niyang iiwan din ito ng kanyang tiyahin ang lupa, lalo na at ayaw niyang magtrabaho sa bukid.
Hindi niya hahayaang mabulok lamang ang kanyang mga pangarap at habang buhay na maging alila sa sariling pamamahay. Bago siya natulog ay kinuha muna niya ang may kalumaan na ring photo album. Binuklat niya ito at hinaplos ang larawang unang tumambad sa kanya. Mga larawang ginupit lang niya iyun sa mga pahina ng mga Bannawag at Liwayway. Collection niya iyun ng mga larawan ng dating child model na hinangaan niya ng husto. Si Erold Sebastian.
She was nine noong una niyang nakita ang mukha nito na cover ng naturang magasin. Ginupit niya iyun at sa murang edad ay naging crush na niya ang nasa larawan. Hindi rin niya alam kung ilang taon ang lalakeng modelo. Bata pa kasi ang mukha nito at isa pa ang magasin ay luma na rin ng limang taon. Mula noon ay hinalungkat niyang muli ang mga luma nilang magasin at ginupit lahat ang larawan ng lalake. Sikat kasi ito noon kaya naman palaging laman ng balita. Mahigit isang taon din siyang nangolekta ng mga larawan na iyun, at nalungkot siya ng pumutok ang balitang titigil na ito sa pagmomodelo, gusto daw niyang mag-focus sa pag-aaral at mula noon ay wala na siyang balita rito.
Pero kahit sampung taong mahigit na rin ang nakakalipas ay nakatago pa rin ang kanyang scrap album. Iniingatan niya ito. Pakiramdam niya ay napakasaya niya tuwing pinagmamasdan niya ang mga ito bago matulog. Sa school madalas niya rin itong dala at binibiro tuloy siya ng mga kabarkada na obsessed siya sa mga larawan na iyun.
Abala sa pamimitas ng bulaklak ng kalabasa ang dalaga, habang abala naman sa pagdadaldalan ng mga mag-iina. Palibhasa walang maisip gawin o mas tamang sabihing ayaw magbanat ng mga buto kaya naman inaabala lamang ang sarili sa pagiging batugan ng mga ito.
Umupo muna siya para mapunasan ang patuloy na pagtulo ng kanyang mga pawis ng parang nararamdaman niyang may nakatingin sa kanya. Umikot ang kanyang mga mata at nakita niya ang dalawang lalaking nakatingin sa kanyang gawi at may tinatawagan pa ang isa. Biglang kinabahan ang dalaga pero buong tapang siyang tumayo upang lapitan ang mga ito para tanungin kung ano ang kailanagan nila pero mas mabilis ang dalawang lalakeng sumakay sa kanilang sasakyan at pinatakbo na ito.
...
Kahit sa pagdedeliber ng mga bulaklak ay naroon pa rin ang kaba ng dalaga. Paano kung may masama palang binabalak ang mga lalakeng ito sa kanya. Kinilabutan siya sa kanyang naisip at wala sa sariling nahaplos niya ang kuwintas ng kanyang ina. Animo’y sa pagkakahawak na iyun ang siyang pinaghuhugutan niya ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang kanyang buhay sa kabila ng kanyang pagiging isa na lamang.
Naglaro sa isipan ng dalaga na ang dalawang lalakeng nahuli niyang nagmamasid sa kanya ay miyembro pa la ng mga klabot na sindikato. Lalong nagsitayuan ang kanyang mga balahibo ng maisip na baka siya ang susunod na target para maging biktima ng gang.
Inalis ng dalaga ang mga opangambang iyun sa kanyang isipan. Lalo lamang siyang magiging paranoid kapag pagtuunan niya ng pansin ang dalawang lalakeng iyun. Baka naman hindi siyantalaga ang pinagmamasdan. Maaring nagkataon lamang na sa malapitv sa kanilang bahay tumigil ang mga ito.
Nangunot ang noo ng dalaga ng sa pagbaba sa inarkilang traysikel ay nakita niya ang apat na kotse sa harapan ng kanilang bahay. Mayroon pang tatlong de-armas sa labas. Imposible namang asawa ng kanyang tiyahin ang nasa loob at sinusundo na silang mag-iina para umuwi. Pero agad ding binawi iyun ng dalaga dahil alam niyang mayaman ang asawa ng kanyang tiyang pero wala itong mga guwardiya at lalong walang ganito karaming sasakyan. Natigil ang kanyang malalim na pag-iisip ng ubod ng tamis ang kanyang mga pinsan na lumabas at napansin siya ng mga ito.
“Ma! Andito na pala si Jenika!” sigaw ng isa niyang pinsan sa ina nito.
...
Para namang nalunasang bingi ang kanyang tiya at nagmamadali pa itong sumalubong sa kanya. Nakasunod sa kanya ang may katandaan ng lalake at nakangiti ito sa kanya. Hindi maikakailang matikas ito noong kanyang kabataan at makisig pa rin itong tingnan sa suot niyang business suit.
Inakay siya ng kanyang tiyahin sa loob at may mahalaga daw silang pag-uusapan. Tumikhim muna ang kanyang tiyahin bago ito nagsalita.
“Jenika, siya si Don Moreno Calipco, siya ang pinakamayaman dito sa nayon natin at siyang nagmamay-ari ng pinakamalaking mall ng ating bayan.” Pagsisimula ng tiyahin niya.
Tumango ang dalaga. Kilala na niya ang mga pamilya ng mga Calipco kung ang business nila ang pag-uusapan. Nagtaka nga lamang ang dalaga kung anong sadya nito sa kanila. Para kasing siya ang sinadya. Pero kahit ni isang ideya ay walang pumapasok sa utak niya.
“Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” magalang na tanong ng dalaga.
Hindi sumagot ang kanyang tinanong. Ngumiti lamang ito sa kanya at nilinghona ng kanyang tiyahin. Parang nag-uusapa ng mga mata ng dalawa kung ano ang susunod nilang sasabihin sa kanya.
“Siya ang magiging asawa mo.” May diin ang mga huling sinabi ng kanyang tiyahin.
Biglang napatayo ang dalaga sa narinig. Hindi niya maintindihan ang mga pinagsasabi ng kausap. Siya magpapakasal sa matandang kaharap. Tumingin ito sa gawi ng matanda. Nakangiti ito sa kanya pero naroon ang kabaitan ng kanyang mukha. Naglalaro ang kanyang edad sa animnapu’t mahigit.
“Ayaw ko pong maging bastos, pero pasensiya na at ayaw kong magpakasal sa inyo. Ngayon ko lang kayo nakita at hindi ko kayo kilala.” Gustong maiyak ng dalaga.
Nilapitan siya ng tiyahin at pinandilatan niya ito.
“Jenika! Pinal na ang desisyon ko at dapat mo itong sundin. Mas magiging maganda ang buhay natin kapag si Don Moreno ang mapapangasawa mo at hindi natin kailangang magpagod pa.” Hindi man lang nahiya ang tiyahin at lantarang sinabing pera lang ang habol nila ito sa matanda kaya ito pumayag.
“Iyun naman pala Tiyang, bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa kanya.” Hindi niya alam kung bakit sa unang pagkakataon ay nasagot niya ang kanyang tiyahin.
Namula ang kaharap at akmang sasampalin ang dalaga ng sumabad sa usapan si Don Moreno. “Iwan niyo muna kaming dalawa at mag-uusap kami.”
Bago pa lumabas ang kanyang tiyang ay binantaan niya munang kailangang niyang maging masunurin kung ayaw niyang malintikan.
“Umupo ka muna, hija.” Malumanay na simula ng matanda.
“Pasensiya na po talaga kayo. Hindi ko po sadyang pahiyain ang sinuman. Nabigla po ako sa nangyayari.” Humihikbi ang dalaga.
Lumapit ang matanda sa kanyang kinauupuan at tumabi ito sa kanya. Inabot ang kanyang panyo. Tumingin sa kanya ang dalaga. Patuloy pa ring naglalandas ang kanyang mga luha.
“Tama na,hija. Nandito ako para tulungan ka sa pang-aalila sa iyo ng iyung mga sariling kamag-anak.” Ngumiti ang matanda sa kanya.
Napamaang naman ang dalaga sa kanyang narinig.
Nagpatuloy ang butihing ginoo sa kanyang pagsasalita. “Malaki ang utang na loob ko sa iyong mga magulang. Minsang mag-isa akong naglalakad at inatake ako sa sakit sa puso. Sila ang tumulong at nagdala sa akin sa ospital. Utang ko sa kanila ang pangalawa kong buhay. Ng mabawi na ang lakas ko, ipinahanap ko sila para pasalamatan ng lubusan at alukin ng tulong, pero huli na ang lahat hija dahil ng araw ding iyun pala ay ang araw din ng pagkawala nila. Kaya naisip kung ikaw ang tutulungan ko.”
Nagtatanong ang mga matang nilingon niya ang matanda. Para namang nahulaan ng kaharap ang ibig niyang ipahiwatig.
“Nag-utos ako ng personal na susubaybay sa iyo. May nakapagsabi sa akin ang masamang ugali ng iyong tiyahin kaya naman ng makabuo ako ng plano para maialis ka diito ay nagsadya na agad ako.
Biglang naalala ni Jenika ang dalawang lalakeng palaging nakikita niyang nakatingin sa kanya at ito ngang huli ay nagdulot pa sa kanyan ng malalim na pag-iisip dahil sa nakita niyang may tinawagan pa ang isa.
“Ibig po bang sabihin ay tauhan niya po ang mga taong umaaligid dito sa bahay?”
Muling sumilay ang mga ngiti ni Moreno. “Oo, hija. Pinabantayan kita sa kanila at ibinalita ang lahat ng pang aalipusta sa iyo. Sinamantala ko ang pagiging ganid ng tiyahin mo para mailayo kita rio.” Makahulugan nitong saad.
“Ano po ang ibig niyong sabihin?”
“Nagsinungaling ako sa kanya at sinabi kung gusto kong mag-asawa ulit at liligawan kita, pero agad niyang inalok na pakakasalan kita. Sa madaling sabi ibinenta ka sa akin ng tiyahin mo sa halagang limang milyon, hija.”
“Po? Nagawa sa akin ni Tiya iyun?” nanlumo ang dalaga. Limang milyon lang pala ang halaga niya sa kanyang tiyahin. Napailing ang dalaga at sumilay ang mapait na ngiti sa kanayng labi.
“Kailangan mo pa bang magtaka,hija? Kaya ngayon palang mag-empake kana, Jenika. Isasama na kita sa bahay, hija.”
“P-Po? Pero ang bilis naman po yata. Ano na lamng ang sasabihin sa inyo ng mga tao? Lalo na po ang pamilya niyo?” walang prenong tanong ng dalaga.
“Huwag kang mag-alala, may anak akong kaedad mo lang at alam niya ang mga ito. Gusto nga niyang sumama kundi lang biglang dumalaw ang boyfriend niya.”
“Nasaan po pala sina Tiya?”
“Sinamahan na sila ng isa kong guwardiya,hija. Pumunta na sila ng bangko para makuha ang pera nila.”
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. “Ginawa niyo po iyun? Pero napakalaking pera po iyun,”
“Madaling pagpaguran ang pera kung gugustuhin,hija. Naibabalik ang salapi, samantalang kung ang buhay ko ang hindi iniligtas ng mga magulang mo, hindi na kailanman mababawi ang buhay ko.” Puno ng pasasalamat ang matanda.
....
Alam niyang ito na ang kanyang hinihintay na pagkakataon. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Alam niyang ang butihing don ang makakatulong sa kanya para makapagtapos siyang muli sa pag-aaral.
Kailangan niyang samantalahin ang pagkakataon upang maisakatuparan ang lahat ng kanyang mga pangarap. Kailangang makalayo na siya sa mga kuko ng tiyahin at mga pinsan. Balang araw ay lalapit din sa kanya ang mga ito upang pagsisihan ang mga ginawa nila sa kanya. ilang taon din siyang nagtiis.
Tahimik lamang na nakamasid ang dalaga sa kanilang nalalmpasang tanawin. Pakiramdam niya ay isa siyang ibon na kaytagal na nakulong sa isang napakadilim na yungib at ngayon ulit nkakita ng maliwanag na paligid. Nakaramdam siya ng kaginhawan ng katauhan habang naglalakbay sila ng butihing ginoo.
Hinigitan niya si Cinderella. Kahit pa sabihing wala siyang prince charming ay matutulungan naman siya ng matanda upang maging magaan ang kanyang pamumuhay.Habang nasa daan ang mga ito ay naayos na at may kasunduan sila ng matanda.
Lihim siyang nagpasalamat sa mga namayapang mga magulang. Kahit pala sa kabilang buhay na ang mga ito ay nakasubaybay pa rin sila para siguraduhin ang kanyang kapakanan. Ito na ang simula ng pagiging Cinderella niya. Sa pamamagitan ng pagtanaw ng utang na loob ng matanda ay kapalit ng maliwanag niyang bukas.
Peke ang gagawin nilang kasal at sasaksihan ng mga malalaking tao ng lipunan. Para daw magin makatotohanan ang kanilang palabas ay ang kanilang engagement muna ang iaanunsiyo sa madla, and after a couple of months ay gaganapin ang pekeng seremonya.
Ayon sa matanda ay ayaw niyang pag-uusapan nila ang dalaga na pera lamang ang habol niya rito. At kapag nakatagpo na daw ito ng lalakeng mamahalin ay saka pa lang nila ipagtatapat sa mga tao ang tunay na mga pangyayari.
Maraming koneksiyon ang matanda sa lipunan kaya alam niyang walang magiging problema sa mga plano nito. Iba lamang talaga kapag pera ang pinaikot. Kadalasan kahit anong gustong gawin ay agad na naisasakatuparan ng walang kahirap hirap.
Sa pamamagitan ni Moreno ay muling nakatagpo ang dalaga ng karamay. Isang ama na tutulong at handang damayan siya sa kanyang mga kalungkutan. Lalo pang natuwa ang matanda sa kanya ng malamang nursing pala ang kanyang kurso at isang semester na lamang ay magtatapos daw ito. Ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral at siya na lamang daw ang kukunin ni Moreno na personal nurse niya.
Mas malaki naman ang galak na nararamdaman ng dalaga, hindi pa man siya graduate at pasado sa boarding exam ay employed na siya agad. Hindi na niya kailangan pang dumaan sa butas ng karayom para magkaroon ng magandang hanapbuhay. Atleast, hindi siya mahihiyang makikain sa mansiyon ng mga Calipco. Hindi siya magiging pabigat. Nakalaya na siya sa mga batugang kamag-anak ay kikita pa siya.
BINABASA MO ANG
HIDDEN LOVE
RomanceNag-iisang anak si Jenika. Mabait, maganda, matalino at masipag. Lahat halos ng mga katangiang hinahanap sa isang dalaga ay nasa kanya na lahat. Hindi rin ito mareklamo kagaya ng mga ibang ka-edad niya. Tahimik at masaya ang buhay ng dalaga kahit si...