Chapter 11:

3.8K 92 0
                                    

HIDDEN LOVE
Jinky Tomas


Kibit balikat lamang ang sukli ng kaharap. Kung maaari ay ayaw niyang makahalata ang kaibigan ang tunay niyang nararamdaman sa kapatid nito. Inabala na lamang niya ang sarili sa pag-inom ng kanyang shake at ninanakawan ng sulyap ang dalawang nag-uusap.

“Sweetheart, bakit hindi ka na umiimik diyan?” pansin sa kanya ni Shinley.

“Six years, Shinley. Hinanap kita pero hindi kita muling nakita. Pagkatapos nandito ka na at sabihing payag magpakasal?”

“Bakit ayaw mo ba?”

“You don’t even ask if I’m still available.”

“Because I know that you are. Kaya malakas ang loob kong nagbalik sa iyo sdahil alam kong wala ka pang pananagutan.”

“Saan ka pala tumira?” pang –iiba nito sa usapan. Masaya sana siya dapat dahil muli sila nagkita nito. Pero hindi, siguro sobrang tuwa niya at agad pakakasalan ang dalaga kung hindi pa niya nakilala si Jenika.

“Sa London ako nag stay. Nag-aral ako ng fashion designing at sinuwerteng maging isa sa mga designers ng royal family doon.”

“Wow! Malayo na rin pala ang narating mo, Shinley.”

“But, hindi ako masaya Aldritch. I met a lot of men pero iba ka. Mas gusto kong ikaw pa rin ang magiging asawa ko.” Lantarang sagot ng kaharap.

“Kailan mo balak bumalik ng London?” malayo ang kanyang naging tugon sa pasaring ng binata.

“I will stay here for good. Tinanggap ko kasi ang alok ng isang sikat na designer ng bansa na maging model.” Nakangiting turan nito.

Lalong ikinagulat ng binata ang sagot ng dalaga. Sa umpisa pa lang ay alam niyang pinakaayaw niyang trabaho ang pagiging modelo. Tapos bigla na lamang niyang sasabihin na magiging modelo na ito.

“Diba Shinley ayaw mo sa ganyang trabaho kaya nga pinatigil mo ako diba? You even let me choose between you and my career at ikaw ang pinili ko. I left all my passions because of you.”

“Aldritch, we are both fourtheen noon at marami kang masyadong fans ayaw kong maagaw ka ng iba sa akin. Now, I’m grown up. At kung gusto mong bumalik sa pagmomodelo kahit mag-asawa na tayo, I’ll can accept it.”

“Shinley…sorry pero may iba na akong mahal.”

“May kasintahan ka na?” puno ng pagkadismayang tanong nito.

“Wala pa. I mean, hindi ko pa siya nililigawan. Naghihintay ako ng tamang pagkakataon.”

“Aldritch…”

“Kung noon sana binigyan mo ako ng panahon to explain at paniwalaan, maybe we are one happy family now. And the lady I’m talking about, may puwang na ako agad sa puso niya kahit nine pa lang siya noon. She cares for me kahit noong si Erold Sebastian pa ako.”

....

Ayaw kasi ng mommy niya noon na maraming makakakilala sa anak kaya gumamit siya ng screen name. Malaking tulong naman ito dahil noong tumigil na siya sa pagmomodelo, madali niyang naikaila na siya si Erold dahil iba angt nakalagay sa kanyang ID. At kahit noong nasa Amerika pa lamang siya, marami ring nagtatanong kung siya si Erold at sinasabing kahawig lang niya nito.

At labis ang tuwang naramdaman ng makita ang kanyang mga litrato sa dalaga. Bagamat may nakikita siyang pag-asa para maging sila, ikinatatakot naman ng binata ang huli nilang pag-uusap. Na gusto ng kalimutan ng dalaga si Erold dahil may sarili siyang buhay at isa pa nito malapit na niyang sagutin ang isa sa kanyang mga manliligaw. Tuluyan na nga yata siyang ibinaon sa limot ng dalaga at masakit iyun para sa kanya.

Sinabi ni Shinley na handa siyang sumugal. Gusto niyang subukan nilang muli. Malay nila kung matututunan pa rin siyang mahalin ng binata tulad ng dati. Pero tinanggihan na iyun ni Aldricth. Suinigurado nitong kahit pa ilang ulit nilang susubukan ay ang dalaga pa rin ang magiging talunan. Kahit hindi sila magkakaroon ng relasyon ni Jenika ay hindi na niya kailanman maibabalik ang pagmamahal niya noon kay Shinley.

Humingi si Shinley ng paumanhin sa nangyari. Ganoon din ang binata. Alam niyang malaking bagay ang ginawa ng kaharap para manumbalik ang dati nilang relasyon pero ayaw niyang magkunwari. May mahal na siyang iba at gusto niyang ipaglaban. Kapwa nagkaroon ng kapanagatan ng loob ang bawat isa.

Nagkapatawaran sa anumang nangyari sa kanila sa nakaraan. Bago tuluyang namamaalam ang dalaga ay yumakap muna ito sa kanya bilang pasasalamat. Hinalikan naman siya ng binata sa pisngi. They are friends now, kahit papano may malalim din silang pinagsamahan. At nagprisinta pa ang dalaga na siya ang magdedesign sa wedding gown ng mapapangasawa niya at ang buong bridal entourage. Inihatid niya ito hanggang makaalis ang kotse ng dalaga.

Masaya na rin si Aldritch. May closure na sila ni Shinley. Nailabas na niya ang kinikimkim nitong sama ng loob sa dalaga at malaking tulong na iyun sa kanya. He even feel reborn. Ang iniisip na lamang niya ay ang panliligaw kay Jenika. Hindi niya tiyak kung anong magiging reaksiyon ng dalaga kapag ginawa niya iyun.

Lihim na umiiyak ang kalooban ni Jenika sa nakitang tagpo kanina. Alam niyang ayos na ang dalawa. Nakapagdesisyon na siyang sasagutin na niya si Lloyd. Tuturuan niya ang kanyang puso para mahalin ito. Akmang tatawagan nito ang binata ng naunahan siya nito. Magkita daw sila sa mall na madalas nilang puntahan. May pag-uusapan daw sila. Tamang tama hindi na kailangan ni Jenika na hintayin ang kaarawan ng binata para sagutin ito. Sasagutin na niya mamaya.

Nagsuot siya ng sleeveless old rose na bestida. Hanggang tubod ang cut kaya naman litaw ang kanyang makinis na hita. At itim na sapatos na katerno ng kanyang handbag. Ngayon lang siya magsusuot ng ganito, espesyal na araw para sa kanya kaya gusto niyang paghandaan. Kung lipshiner lang ang ginagamit niya, sa pagkakataong ito ay nagpahid na rin siya ng blush-on, at nilagyan ng mascara ang mahahaba niyang pilik mata para ma-enhance ang volume nito.

Nagwisik rin siya ng pabango sa kanyang bestida. Hinayaan lang niyang nakalugay ang hanggang baywang na buhok, nilagyan lamang niya ng silver headband. Mula niyang sinipat ang sarili sa salamin, at tuwang tuwa siya sa repleksiyon, lalong lumitaw ang kanyang ganda.

Pati si Alena na abala sa telebabad ay napatringin sa kanya. Ngayon lang niya nakita itong nag-ayos ng ganito ang kaibigan. Tinukso pa siyang prinsesa na naglayas sa kanilang kaharian. Lalo namang nagdiwang ang loob ni Jenika ng makitang halos lumuwa ang mga mata ng binata. Walang kurap na nakatingin sa kanya.

“May lakad ka yata, Jenika?” puno ng paghangang turan nito.

“M-May date kasi kami ni Lloyd.” Ngumiti ito sa kanya. Nawala naman ang masayang mukha ng binata sa narinig.

Diretso ang dalawa sa food court ng naturang mall. May hihintayin daw sila ayon kay Lloyd. Iyun naman ang gustong samantalahin ng dalaga. Tiyak niyang hindi matutuloy ang pagsagot nito kapag dumating na ang sinabing ipapakilala niya nito.

“Lalo kang gumanda sa ayos mo, Jen.” Iyun ang tawag sa kanya ng binata. Cute daw kasing pakinggan.

Tumikhim muna ang dalaga. Tumingin kay Lloyd at nagngitian ang mga ito.
“Salamat. Lloyd tungkol pala sa panliligaw mo…”

Hindi itinuloy ng dalaga ang gusto nitong sabihin dahil sinalo ng binata ang kanilang usapan.

“Jen, alam ko. Ramdam ko naman na wala ka talagang pagtingin sa akin. Ayaw kitang pilitin. You are such a wonderful person kaya mas nanaisin ko pang maging kaibigan pa rin kita.”

Gusto sanang kontrahin ng dalaga ang sinasabi ng kaharap pero parang may nag-uudyok sa kanya na makinig muna.

“Kaya I decided to stop courting you.”

Gusto sanang tumutol ang dalaga sa sinabi niya pero may dumating na babae sa kanilang mesa. Mestisahin ito at sa tingin ng dalaga ay hindi nagkakalayo ang kanilang edad. Siya na daw ang kanilang hinihintay. Ipinakilala siya ng binata. Si Camille daw, ang kababata niya.

They were bestfriends mula pa noong bata pa sila. Nagkalayo ang mga ito ng mag-aral ang dalaga sa abroad. Ng magbakasyon daw ito five days ago, natuklasan nilang they are inlove sa isa’t isa. At magkasintahan na nga ang mga ito. Kaibigan ang pagpapakilala niyan sa kanya. Hindi niya binanggit na nanliligaw ito noon sa kanya.

Mabait naman ang dalaga at bagay sila ni Lloyd. Mabuti na lamang at hindi niya pa nasasagot ang binata. Lalong nakakahiya kapag nagkataon. Alam niyang magiging masaya ang mga ito sa bawat isa. Siya na lang yata ang wala pang pag-ibig. Mayroon man ngunit sa iba na rin mapupunta. May balak pa yata siyang ampunin ng mga old maids ng bansa.

...

Umuwi ang dalaga na walang hinanakit sa nangyari. Nakakatawa nga lamang ang sitwasyon. Hindi pa man niya nasasagot ang manliligaw, kumbaga ay may break-up na sila agad.

Napagkasunduan nilang tatlo na sa Sabado ng gabi ay pupunta sila ng blow-out party ng kaibigan ng kasintahan ni Anela. Sinagot na daw kasi ito sa wakas ng babaeng matagal na niyang nililigawan at dahil sa galante ito ay gusto niyang ipagdiwang ang tagumpay ng kanyang panliligaw. Pumayag ang dalagang sumama sa imbitasyon ng magkapatid. Paminsan minsan ay kailangan din niyang magpahinga.

Pero napalitan ang excitement ng dalaga ng malamang kasama pala si Shinley at sa iisang kotse lamang silang sasakay na tatlo. Si Anela ay kanina pa sinundo ng kanyang kasintahan. Mabuti na lamang pala at sa backseat siya agad naupo. Kaya pala hindi na iyun pinansin ng binata, dahil nakalaan ang kanyang tabi para sa kanyang kasintahan.

Para tuloy siyang alikabok lamang sa upuan. Hindi napapansin ng dalawa. Binati lamang siya ng Shinley at pagkatapios siyang kumustahin ay naging abala na ang dalawa na magkwentuhan. Napili pa naman nilang topic noong nasa kabataan nila at sa pagkakataong inlove na inlove sila sa isa’t isa. Para tuloy gusto niyang himatayin dahil sa matinding selos.

Agad na sumalubong si Anela sa kanila, kasama ang kanyang kasintahan. Kilala na niya si Rex dahil madalas siyang kasama ni Anela kapag namamasyal silang dalawa. Pagkatapos nilang batiin ang host ng naturang event ay tinungo na nila ang kanilang mesang nakareserba para sa kanila. Kung may kasama siya, hindi sana siya makakaramdam ng ganitong pagkaasiwa.

Hindi niya alam kung paano abalahin ang kanyang sarili. Para tuloy siyang nagsisisi kung bakit siya sumama. Kung alam lang niya na kasama si Shinley, sana umayaw na lamang siya. Pero kailangan ba niyang ipagtaka iyun? Natural laamng na kung nasaan ang binata ay kasama siya dahil kasintahan siya nito.

Pumailanlang ang malamyos na awitin. Agad na nagsayaw sina Rex at Anela. Hinila naman agad ni Shinley ang binata. Nagmumukmok ang dalaga. Hindi man lang kasi nagawang nagpaalam ang mga ito. Bigla na lamang siyang naiwan sa isang sulok. Wala naman siyang kilala ni isa sa mga iba pang panauhin para malapitan niya at makipagkwentuhan para naman hindi lamang siya nagbubutas ng upuan.

Manaka-nakang sumusulyap ang binata sa gawi ni Jenika. Bigla tuloy siyang naawa dahil nag-iisa ito sa mesa at nakamasid lamang sa iba pang mga panauhin. Kung bakit naman kasi basta na lamang siya hinila ni Shinley. Mas gugustuhin pa niyang magdamag na nakaupo kaharap ang dalaga. Kahit hindi sila masyadong nakakapag-usap dahil nasa pagitan nila ang dating kasintahan ay ayos na.

Kanina pa napapansin ni Jenika na panay ang sulyap sa kanha ng isang lalake sa di kalayuan. Kumindat pa ito ng ilang beses sa kanya. sinimangutan niya ito. Sa pagmumukha pa lamang kasi nito ay halata na ang kabastusan nito. Lalo lamang nagngingitngit ang kalooban ng dalaga ng makitang papalapit sa gawi niya ang binata. May hawak pa itong kopita ng alak.

...

“Can I join you Miss pretty face?” tanong nito sa kanya.

“No thanks may mga kasama na ako. Nagsasayaw lamang sila.”

“Kahit sandali lang. Kwentuhan lamang o baka naman gusto mong magsayaw din tayo?” pangungulit nito at hinagod pa ang kanyang katawan at ngumisi ito.
“Pasensiya ka na. Ayaw ko.”

“Pakipot ka pala. Magsayaw tayo.” Utos nito. At hinihila nito ang kamay ng dalaga.
Nangungulit ang dalagang kasayaw ni Aldritch. Tinatanong niya sa binata kung sino ang sinasabi nitong noon pa man ay may nagmamahal na sa kanya. Pero hindi iyun napagtutuunan ng pansin ang dalaga dahil nakikita niyang parang may bumabastos sa dalaga. Magalang siyang nagpaalam kay Shinley na tapusin na nila ang pagsasayaw. Lumapit siya sa kinaroroonan ni Jenika.

Agd na tumingin sa kanya ang dalaga. Animo ay may sinasabi ang mga mata nito. Nahulaan na agd niyang ang lalake ang tinutukoy nito. Inakbayan niya si Jenika.

“Anong problema, pare?” sa lalake siya nakatingin.

“Ano bang pakialam mo? Gusto ko siyang isayaw at tinatanggihan niya ako!” sumigaw sa kanya ang binata at hinila niya ang braso ng dalaga.

Iyun naman ang hinintay ni Aldritch at malakas na suntok agad ang pinakawalan niya. Nagpalitan ng mga ito ang suntok habang sumisigaw ang dalaga. Natuon ang mga pansin nila sa dalawang lalakeng nagsasapukan. Agad na dumulog si Anela sa gawi ni Jenika. Nanginginig pa ito sa takot hanggang tuluyan na itong nawalan ng ulirat.

“Kuya! Si Jenika!” nakatawag iyun ng pansin sa binata at saka pa lamang tinigilan ang pagsuntok sa nanlulupaypay na lalake. Agad niyang nilapitan ang dalaga at pinangko ito at mabilis na inilayo sa lugar na iyun.

HIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon