HIDDEN LOVE
Jinky Tomas
Hindi alam ng anak at ni Jenika na bago pa mangyari ang pekeng kasalan ay nagkaroon na siya ng advance interview ng pinakasikat na telebisyon para sa pag-amin niya ng katotohanan. At tiyak iyun ng matanda na bago pa lumabas sa programa ay alam niyang malayo na siya at wala ng gagambala sa kanya.
Sa lugar na kung saan ay matagal ng naghihintay ang kanyang asawa. Aksidente niyang nakita ang mga findings ng kanyang privatd doctor, alam niyang may ititago ito sa kanyang kalagayan. Ang sabi sa kanya ay ayos lang anag lahat, pero nararamdaman niya ang unti-unting paghina ng kanyang resistensiya. Sa pamamagitan pa ng isang manggagamot ay inalam niya ang kanyang tunay na kalagayan. Alam niya ang totoo.
Si Don Moreno ang mismong nagmaneho ng kotse, katabi nito ang anak na dalaga. Nasa backseat naman sina Jenika at ang binata. Ewan ba ng dalaga kung bakit sa tuwing naglalapit sila ng binata ay para siyang palaging kinakapos ng hininga. Pakiwari niya ay napakasikip ng kanyang pakiramdam lalo na kung nalalanghap niya ang pabango ng binata. Sa unahan naman ay parang walang pakialam. Tahimik ang apat. Si Anela abala sa pakikinig ng music sa kanyang ipod at ang matandang don naman ay nakatutok ang kanyang mga mata sa kanilang dinaraanan.
Napasulyap ang dalaga sa katabi at nagtama ang paningin nilang dalawa ng binata. Hindi tulad ng kanyang nakagawian na mga tingin ng binata. Nakasanayan na kasi niya ang mga tingin na akala mo palaging nang-uusig, at ang mgas tingin niya ngayon ay parang nakikita nito ang kalambutan ng lalake. Tama nga siguro sin Alena na mabait ang kanyang kuya. Hindi niya alam kung ilang sandali rin silang nagkatitigan kung hindi pa nagsalita ang ama nito na nasa bahay na sila ay wala pa sigurong nagbababa ng tingin sa kanilang dalawa.
Kahit sa bahay na ay naninibago si Jenika sa mga kinikilos ng binata. Bakit parang mabait ngayon at hindi na siya ang dati na palaging binabara ang sinasabi ng ama. Nakikipagbiruan na rin ito sa kanilang Daddy at palaging may ngiti na ito sa labi. Natapos ang hapunan ng pamilya na sa unang pagkakataon ay nakita ni Jenika ang masayang mukha ng taong kumupkop sa kanya.
Kahit sa kuwarto nilang dalawa ni Moreno ay sumunod pa si Aldricth sa kanila.
“Dad, I’m really sorry for what happened before.”
Tahimik lamang na nakamasid ang dalaga sa mag-ama.
“I’m sorry,too, son. Kung nakinig lang ako noon sa iyo, malamang may apo na ako sa inyo ni Shinley.”
“Dad, hindi lang talaga kami para sa isa’t isa.”
“But I know you really loves her.”
Hindi sumagot ang binata. Tumingin lang ito sa ama at tipid na ngumiti. Tila naman nabuhusan ng malamig na tubig ang dalaga sa mga narinig na pag-uusap ng mag-ama. Masuwerte si Shinley dahil hanggang ngayon ay mahal pa rin siya ng binata kahit ilang taon na ang nakalipas. Nasaktan siya ng lihim sa narinig niyang iyun kaya minabuti na lamang niya na magpaalam muna para pumasok sa kanyang silid. Tatawagin na lamang daw siya kapag may kailangan sila sa kanya.
Kapwa tumango at ngumiti ang matanda at si Aldritch sa kanya.
...
Nakabihis na siya ng pantulog at binalot ng dress gown ang katawan. Atleast kahit papaano na kapag humarap siya sa kanila ay pleasant pa rin siyang tingnan. Inaayos niya ang higaan ng narinig niya ang mahihinang katok. Si Aldritch.
“M-may kailangan ka ba?”
Mahina ang boses na sumagot ang binata. “Pwede ba tayong mag-usap sandali? Tulog na ang Dad.”
Pinaunlakan niya ang binata. Sa sala sila nagtungo. Ilang sandali rin ang namagitan sa kanila bago nagsalita ang binata. Humingi ito ng tawad sa dalaga. Sa kanyang pagsasabi na isa siyang mapanlinlang. Nauunawaan naman siya ng dalaga kaya agad nag-aayos ang mga ito. Kapwa magaan ang kanilang kalooban.
“Your necklace must be precious to you,” naalalang itanong iyun ng binata. Nakita niya kasi kung paano iniingatan iyun ng dalaga.
“Remembrance ko ito sa magulang ko. Ibinigay ni Inay sa araw kung kailan sila namatay.”
“You miss them a lot, right?’
“Yes. So much!”
Pabaling baling ang dalaga sa kanyang higaan. Hindi siya makatulog. Naiisip niya ang binata. Ang natuklasan niyang kabaitan nito. Sabagay aminin man niya o hindi kahit naman kasi noong tigre pa kung tumitig ang binata sa kanya ay naroon na ang damdaming unti unting sumisibol sa kanyang puso.
Hindi pa man niya naranasan ang bagay na iyun except sa puppy love niya kay Erold ay aware siya kung ano ang tawag sa budding feeling na ito. Ito ang tinatawag na pag-ibig. A flame of love. Damdaming kailangan niyang patayin agad bago pa ito tumubo ng tuluyan. Alam niyang kailanman hindi siya magkakaroon ng puwang sa puso ng binata. Lalo pa at alam niyang mahal pa rin niya ang dating kasintahan at hanggang ngayon ay umaasa pa rin ito na muli silang magkikita at magkakabalikan.
Hindi niya kailangang hayaan na lumalim pa ang pagtingin na iyun dahil alam niyang mali. Hindi maganda para sa tulad niya ang umibig sa taong walang pagtingin sa kanya. Dahil sa madaling sabi magiging siya ang talunan sa huli. Soon, she will be twenty five kaya kailangan niyang umakto as a mature woman. At ang kanyang album na iniingatan rin ng matagal ay kailangan niya na ring ibaon sa limot. Itatago niya as a part ng kanyang memories at hindi na tulad ng dati na palagi niyang titingnan.
Sa ngayon kahit maraming naghahayag ang paghanga sa kanya ay walang naglalakas ng loob na manligaw dahil kalat na sa buong lalawigan ang kanyang pagpapakasal. And sooner kapag malaman nilang peke ang bagay na iyun. Tiyak na dudumugin na siya ng mga manliligaw. Maraming mga lalake rin ang tiyak na manliligaw sa kanya. Hihigitan si Erold at lalong mas karapat dapat kaysa sa isang Aldritch. Natulog ang dalaga na may buong pasya at kailangan niyang gawin iyun.
Sabado at masaya ang agahan ng apat. Sa harap ng swimming pool pa sila kumain. Panay ang tawanan ng mga ito lalo na ang mag-ama. Pagkatapos ng salo salo ay sinabi ng matanda na magbibihis lamang daw ito. Si Alena naman ay nagpaalam at pupunta lamang daw ng lavatory.
Hindi niya lubos maisip kung bakit kadalasan ay naiiwan silang dalawa ng binata. Kapag silang apat ang magkakasama ay magpaalam agad ang matanda pagkatapos ng kainan tapos sususnod naman si Anela at hindi na babalik ang mga ito. Nagkataon nga lang ba o talagang sinasadya lamang ng mag-ama? tulad na naman ngayon. Naiwan ang dalawa na tahimik at kapwa nakatingin sa mangasul asul na tubig.
Maya maya pa ay tumayo rin ang dalaga. Alam niyang palagi silang nagkakasarilinan ng binata. Hindi niya alam kung paano kumilos ng matino kapag kasama niya ang binata. Masyado siyang nadadarang sa presensiya nito. Lalo lamang siyang maiinis sa sarili dahil sa kanyang nararamdaman.
“Iniiwasan mo ba ako Jenika?” pansin sa kanya ng binata. Pagkatapos kasing nagkaayos ang dalawa ay inumpisahan na rin ng dalaga ang pag-iwas sa binata. Hindi niya alam na agad din pala iyun na mapapansin ng binata.
“Hindi kailangan ko lang talagang sundan ang Daddy mo. Oras na rin ng pag-inom niya ng gamot.”
“Ramdam kong parang lumalayo ka sa akin Jenika.” Malungkot ang tinig na iyun nt binata.
“Aldritch…”
“Kung may nagawa man akong mali o sinabing hindi mo nagustuhan. Just tell me para hindi ko na uulitin kaysa iiwasan mo ako. Nasasaktan ako sa ginagawa mong paglayo sa akin.”
Bagamat nakukunsensiya ang dalaga sa mga narinig ay parang musika naman sa kanyang pandinig ang huling sinabi ng binata na nasasaktan siya sa kanyang unti-unting paglayo rito. Pero agad ding binawi ang damdaming iyun. Ayaw niyang maging talunan. Naranasan na niyang masaktan ng labis ng kapwa nawala ang kanyang mga magulang at ayaw na niyang maulit pang muli. Ayaw na niyang muling maramdaman ang sakit dahil natatakot siyang sa pagkakataong ito ay hindi na niya kakayanin pa.
Kahit humingi pa ng konting panahona ng binata para makapag-usap sila pero matigas ang naging pagtanggi ni Jenika. Nakita niyang nalungkot ang binata pero kailangan niya itong gawin. Kailangan niyang gawin ang tama. Mahirap magpakatanga sa isang maling damdamin.
...
Tinungo niya ang silid at nakitang nakabihis na ang matanda. Ang ipinagtaka ng dalaga ay bakit natulog ulit ang matanda. Napangiti si Jenika, kaya siguro ito nagpaalam dahil inaantok pa. Gusto sana rin niyang pumasok sa silid para makapagpahinga, ngunit parang may nagtutulak sa kanya na muling pagmasdan ang matanda. Napansin niyang hindi maayos ang pagkakahiga ng matanda. Sa gilid kasi ito ng kama at nakalaylay pa ang isang kamay sa hangin. At ang isang kamay ay nakapatong sa tapat ng dibdib nito.
Biglang kinabahan ang dalaga. Naalala niya ang sinabi ng doktor nito. Darating ang araw na sasakupin na ng taba ang kanyang puso. Nanginginig na nilapitan niya ang butihing ginoo. Tinawag niya ang ilang ulit ang matanda , pero nabigo siyang tumugon ito. Ni hindi man lang ito dumilat. Walang katibayang narinig niya ang boses ni Jenika.
“D-dad. Iinom pa kayo ng gamot..” pero kahit bahagyang niyugyog na niya ang matanda ay hindi man lang ito nagpapakita ng senyales na narinig niya ang kanyang sinabi.
Pinulsuhan niya ito. Wala na ang matanda. Ilang saglit pa ay naglandas na ang mga luha ng dalaga. Tahimik ang kanyang pag-iyak. Nagbalik sa kanyang diwa ang kabutihan ng matanda sa kanya. Itinuring siya bilang anak at kailanman hindi isinumbat sa kanya ng matanda ang mga bagay na ginawa niya. Kinalma muna niya ang sarili at tinawagan si Aldricth. Gusto niyang maging kalmado pa rin sa mga panahong ito.
“Hello..” may bahid pa rin na lungkot ang mga tinig nito.
“A-Aldritch..” pero hindi niya maituloy ang sasabihin dahil bigla na naman siyang umiyak habang nakatingin sa wala ng buhay na matanda.
“Jenika? Umiiyak ka ba? What hapenned?” nasa tono nito ang concern para sa dalaga.
“Ang Daddy mo..”nawala na ang linya ang kanyang kausap. Alam niyang pinatay na iyun ng binata at paakyat na sa kuwarto.
Hindi na niya kailangan pang sabihin sa binata ang nangyari. Alam nitong nahulaan na agad dahil nagmamadaling lumapit ito sa ama at hindi nahiyang umiyak habang pinagmamasdan ang ama.
“Dad…” iyun lang ang tanging tinig na lumalabas sa bibig ng binata at tuluyan na itong umiyak.
Awtomatikong lumapit ang dalaga sa kinatatayuan ng binata at niyakap niya ito habang patuloy na umiiyak ang binata. Hinagod naman ni Jenika ang likod nito. Kung kailan sila ulit nagaksundo na mag-ama ay agad namang namayapa na ang matanda She exactly knows kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay. At alam niyang sa pagkakataong ito ay kailangan niya ng karamay. Unlike her, she was alone.
“Aldritch, nanadito lamang ako. Karamay mo ako. Kasama sa pagdadalamhati.”
“Promise Jenika? Hindi mo ako hahayaan g mag-isa? Please stay, will you?” parang bata na tanong nito sa kayakap.
“I promised.” At naramdaman ng dalaga na lalong hinigpitan ng binata ang pagyakap sa kanya.
Nasaksihan ni Jenika ang labis na kalungkutan ng magkakapatid. Napakaraming pumunta sa lamany ng namayapang don. Mga malalaking tao sa lipunan. Marami pa ang naawa sa dalaga dahil hindi pa man daw sila ikinasal ay nabiyuda na ito.
Sa huling gabi ng matanda ay napanood nila ang ginawa niyang video. Nakalakip doon ang pekeng pagpapakasal sana nila ng dalaga. Pinasalamantan niya ang dalaga dahil sa kanyang pag-aaruga dito.
At lalong napaluha anmg dalaga ng sinabi ng matanda ang mga karapatan niya at mga pamanang iniwan sa kanya ng matanda. Nag-iwan lamang ito ng palaisipan sa lahat sa huling turan ng matanda na balang araw ay higit nilang maiintindihan ang kanyang pagtatangi sa dalaga at may malalim siyang dahilan kung bakit naging espesyal sa kanya ang dalaga at itinuring pa nitong anak.
Napatingin si Aldritch na tila nagtatanong sa kapatid dahil sa bilin ng ama nila na si Anela na lamng daw ang bahala sa misyon nilang dalawa. Malaki ang tiwala ng matanda na bagamat wala na siya ay kaya niyang gampanan ang naiwang mga plano ng kanyang ama. si Aldritch naman ang magiging legal na magmamay-ari ng kanilang kompanya at magiging tagapangasiwa sa kalakaran nito.
“Anela, what is Dad saying about unfininshed mission?”
“Kuya sa amin lang iyun ni Daddy. Malalaman mo rin ang lahat.”
“Pwede mo namang sabihin sa akin ngayon.”
“Not now, kapag tapos na ang lahat ng iyun, sasabihin ko agad sa iyo, Kuya.”
![](https://img.wattpad.com/cover/18044166-288-k760ca2.jpg)
BINABASA MO ANG
HIDDEN LOVE
RomanceNag-iisang anak si Jenika. Mabait, maganda, matalino at masipag. Lahat halos ng mga katangiang hinahanap sa isang dalaga ay nasa kanya na lahat. Hindi rin ito mareklamo kagaya ng mga ibang ka-edad niya. Tahimik at masaya ang buhay ng dalaga kahit si...