HIDDEN LOVE
Jinky Tomas
Awang awa si Aldritch sa anyo ng dalaga. Patuloy ito sa pag-iyak. Now he knew who Jenika is. Hindi siya masamang babaeng tulad ng inakala niya. Ang isa na lamang naglalarong tanong sa isip niya ay kung bakit pumayag na bilhin siya ng ama. Naalala niya ng sabihin ng ama na magpapaliwanag siya kung bakit sila magpapakasal ni Jenika. Kailangan niyang makausap ang ama tungkol dito.
“Sorry sa nangyari. Hindi ko ginusto.” Maya maya pa ay nagsalita ang dalaga kahit patuloy pa rin itong umiiyak.
Sa unang pagkakataon ay ngumiti sa kanya si Aldricth. Awtomatiko pa itong hinawakan ang kanyang palad. “Ayos lang Jenika. Huwag kas ng umiyak. Malayo ito sa bituka. Sabi nga ng doktor, magpahinga lang ako. Sabay na tayong umuwi. Pwede naman akong magmaneho.”
“Hindi. Tatawagan ko ang Daddy mo. Magpapasundo na lamang tayo.” Totoo sa loob na saad ng dalaga.
Kailangan pa ring nasigurado ang kaligtasan ng binata. Mahirap na lalo pa at siya ang dahilan kung bakit nasugatan ang binata. Alas otso pa lamang ng umaga at mamayang gabi pa ang labas nila. Todo ang pagsisilbi ng dalaga sa kanya. Siya na rin mismo ang tumayong nurse nito.
Lihim na natutuwa ang binata sa nakikitang concern sa kanya ng dalaga. Ngunit lihim din itong nanghihinayang ng pumasok sa isip niya ang nalalapit na nitong pagpapakasal sa mismong ama. Nasasayangan ang binata tungkol sa bagay na ito, hindi niya alam kung anong dahilan ng kanyang sarili at parang nais nitong magprotesta at sabihin sa amang huwag pakasalan ito.
Hindi maiwasan ng dalaga na pagmasdan ang mukha ng pasyente habang natutulog ito. Umupo siya sa upuan nakaharap sa binata. Ngayon lamang niya napagmamasdan ng maigi ito. Alam niyang guwapo ito kapag nanakawan niya ng tingin. Pero sa pagkakataong ito na malaya niyang nasusuri ang kabuuan ng binata, mas guwapo pala ito kaysa sa kanyang inaakala.
Ng dumako ang paningin nito sa sugat ng binata ay bigla niyang naisip kung bakit naroon ang binata. Hindi kaya talagang sinusundan siya ng binata? At maari kayang nakita niya noon ng abutan niya ng pera ang pinsan o baka nagkataon lang kaya? Pero hindi na niya kailangan pang mag-isip dahil malaking tulong din ang pagsulpot ng binata kanina. Tiyak na nasa presinto na ang magkaibigan at magtatanda na rin ang mga ito. Tinitiyak ng dalaga na mag-aalangan na silang lumapit pa sa kanya.
Kinuha niya ang kanyang school bag. Nababagot siya sa pagkakaupo habang binabantayan ang binata. Hindi naman siya pwedeng manood ng telebisyon dahil maiistorbo lamang ito. Naisipan na lamang niyang buklatin ang kanyang album. Palagi niya kasi itong bitbit kahit nasa school siya.
Nakakatawag pansin agad ang picture sa unahan dahil dinikit niya ang picture niyo noong graduation niya noong elementary. Imbes na ang nanay niya ang katabi nitong na nakahalik sa pisngi, hindi. Ginupit niya ang larawan ng ina at ang larawan ni Erold na naka sideview ang itinabi nito. Nakagiliwan na niyang tingnan at basahin ang mga love notings na inilalagay niya sa mga larawan na iyun.
Manaka-naka ay napapangiti ang dalaga habang binabasa ang kanyang sinusulat na paghanga para sa larawan. Pati mga nakasulat na Ingles na ginamit niya ay wrong grammar pa ang karamihan. Ang iba lapis pa ang ginamit niya. Bawat pahina ng naturang album, nakalagay palagi sa hulihan ang mga katagang: you’re my hidden love, Erold! At may drawing pa na smiley face.
Hindi pa niya nakakalahati ang pagbuklat ng inantok na ang dalaga. Nagpasiyang umidlip na muna ito tutal masarap ang tulog ng binata. At isa pa pinayagan siya ng kanyang class instructor na huwag munang pumasok sa klase. Palibhasa kilala na siya bilang mapapangasawa ng pinakamayamang benefactor ng university.
...
Naramdaman ni Aldritch ang bahagyang pagkirot ng kanyang sugat kaya naman nagising ito. Una niyang napagtuunan ng pansin ang dalaga habang nakayuko ito at natutulog. Kitang kita niya ang kaliwang bahagi ng mukha nito at napansin niyang may luha pa ring na namumuo sa gilid ng mata ng dalaga. Kaya pala kumirot ang sugat niya dahil may isang bagay na bahagyang nakadagan sa kanyang baywang. Kinuha niya iyun.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ng binata ng makita ang isang album na puno n g mga picture na ginupit pa sa isang babasahin. Lalong napatigil ang binata ng makita niya ang nasa unang pahina ng album. Larawan iyun ng dalaga. Napahanga si Aldritch dahil sa dami ng medalyang nakasabit sa leeg ni Jenika.
Ngiting ngiti ang binata dahil sa tuwang nararamdaman habang binabasa ang mga nakasulat doon. Bata pa lamang pala ang nakabantay sa kanya ay marunong na sa pagsasalarawan ng nararamdaman. Muli niyang sinulyapan ang dalaga at hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa kanyang pisngi. Para tuloy siyang nakaramdam ng guilt ng biglang dumilat ang dalaga. Nagising siya dahil sa pagdantay ng palad niya sa kanyang balat.
Napahiya ang dalaga sa sarili dahil nauna pang nagising ang kanyang pasyente kaysa sa kanya. Lalong namula ang pisngi nityo ng makitang hawak ng binata ng album. Nakalimutan pala niyang ilagay muna ito sa bag bago matulog. Kung kanina pa gising ang binata ibig sabihin nabasa niya ang mga laman ng album. Baka isipin ng lalake na sa edad niyang siyam ay may crush na siya, nakakahiya!
“Sorry sa hindi ko paggalang sa privacy mo. Na curios lang kasi ako.” Kunwari ay seryoso ang binata. Napansin niyang saglit na natigilan ang dalaga at alam niyang napahiya ito. Inabot niya ang hawak kay Jenika.
“K-kumusta na ang pakiramdam mo?” pang-iiba ng dalaga sa topic. Ayaw niyang tuluyang lamunin siya ng hiya sa harap ng binata. Well, marami na siyang nakita guwapo na pasyente, pero as usual iba pa rin ang dating sa kanya ng binata.
“Ayos na ako. Fan ka pala ni Erold.” Mababa ang tono nito.
Biglang nagliwanag ang mukha ng dalaga sa narinig.
“Kilala mo rin siya?” ngayon lang kasi siya nagkaroon ng kausap tungkol sa hinahangaang dating modelo. Hindi naman kasi siya kilala ng mga ka klase niya.
“Oo. Magkaedad nga kami. He is a child model noon seven years old hanggang sa edad niyang fourtheen.”
“Wow! Amazing, hindi ko kasi alam ang bagay na iyun. Ang alam ko lang bigla na lang siyang nagdecide na mag-aral sa abroad. Mula noon hindi na siya naibalita pa. Iyun lang. Pero cute talaga niya. Kaya nga ako may collection ng pictures niya. Ginupit nga lamang sa magasin.” Tuloy naging madaldal ang dalaga sa kausap.
Basta kasi pagdating kay Erold. Kahit sinong kaharap, nawawala ang hiya niya. Siyempre pa ang kanyang ultimate crush yata ang pinag-uusapan. Kaya nga lamang sa picture lang. Kung may pagkakataon siguro na muling mapabalita ang modelo ay talagang siya ang unang manonood. Siguro hanggang sa paghanga na lamang niya dadalhin sa buhay niya ang mga larawan nito. Kung tutuusin ay hindi naman niya ito talaga kilala. Bata pa lamang siya noon, kumbaga laro lamang iyun sa kanya. Isang vintage collection na lamang.
“Wala na rin akong balita sa kanya since noon. Iyung mga damit nga na ini model niya. Iyun agad ang binibili ni Mommy sa akin noon. Lahat ng isinusuot ni Erold, mayroon sa akin.”
Lalong nanlaki naman ang mga mata ng dalaga sa narinig. “Talaga?”
“Hayaan mo pag may time ako na halungkatin ang mga iyun. Bibigyan kita.” Nangako pa ito sa dalaga.
Tuwang tuwa naman ang dalaga sa narinig. Hindi nga lamang niya alam kung totoong bibigyan siya o hindi ng binata. Kung nagkataon, hindi na lamang mga larawan ang kanyang remembrance sa idolo niya, magkakaroon din ng damit. Malay mo lang ang panahon at baka mulinmg susulpot si Erold at may reunion sa kanyang mga fans. Atleast hindi siya mapapahiya kung nagkataon, dahil may maipapakita siyang katibayan na die- hard fan din siya.
...
Hindi na ang driver ang sumundo sa dalawa kundi mismong sina Alena at si Don Moreno ang agad nagtungo sa ospital. Labis ang pag-aalala ng matanda para sa anak.
Ang tungkol agad sa pagpapakasal ang sinabi ni Moreno sa anak. Nalaman niyang ang mismong pinsan ni Jenika ang nakasaksak sa anak kaya naman labis ang galit ng matanda para sa mga ito. Mabuti na lamang daw at naroon ang anak sa oras na iyun at baka daw mismong ang dalaga ang napahamak sa mga ganid niyang pinsan.
“Dad, bakit kailangan niyo pang magpakasal?” hindi alam ng binata kung bakit niya nasabi ang mga bagay nan iyun. Labis naman ang naramdamang tuwa ng dalaga sa reaksiyon na iyun ni Aldritch.
Sinabi ng matanda ang rason. Pero talagang tutol ang puso at isip ni Aldricth sa plano ng ama kaya naman sinabi nitong hindi na nila kailangan pang magpakasal. Sinabi pa ng binata na alam na niya ang tunay na dahilann kaya naman kaya na rin niyang ipagtanggol ang dalaga sa mga taong gustong sumira sa kanya. Napangiti naman ang matanda sa turan ng anak.
Parang umaayon kasi ang pagkakataon sa kanya. Hindi naman talagang totoong gusto niyang pakasalan ang dalaga para protektahan ang dignidad nito. Noong una ay talagang gusto lang niyang magpasalamat sa mga magulang nito at alukin ng tulong. Nagbago ang lahat ng iyun ng malaman niya ang paghihirap nito sa mismong tahanan nila Jenika kaya nagsinungaling ang matanda sa tiyahin na naghahanap siya ng batang mapapangasawa.
Malaki ang naging kasalanan niya sa binatang anak kaya naman gusto niyang bumawi. Sa pamamagitan ni Jenika ay alam niyang muling manunumbalik ang closeness nilang mag-ama. Alam niyang malapit na rin ang araw na mawawala siya sa mundo at gusto niyang bago dumating ang araw na iyun ay magiging maligaya ang anak. Maganda at mabait ang dalaga kaya alam niyang madaling mahuhulog ang loob ng anak nito sa kanya.
Mabuti na lamang at umayon agad ang anak na si Alena sa balak niya. Mismong ang dalaga pang anak ang excited sa gagawin nilang set-up sa kanyang kuya at kay Jenika. Sila ang magsisilbing matchmaker ng dalawa na siyempre hindi nila dapat malaman. At sa nakikitang reraksiyon ng anak pagkatapos niyang malaman ang katotohanan ay walang dudang may lihim na itong pagtingin sa dalaga. Nagdidiwang ang puso niya.
BINABASA MO ANG
HIDDEN LOVE
RomanceNag-iisang anak si Jenika. Mabait, maganda, matalino at masipag. Lahat halos ng mga katangiang hinahanap sa isang dalaga ay nasa kanya na lahat. Hindi rin ito mareklamo kagaya ng mga ibang ka-edad niya. Tahimik at masaya ang buhay ng dalaga kahit si...