Chapter 7:

3.5K 91 0
                                    

HIDDEN LOVE
Jinky Tomas



Nawalan na ng gana ang dalaga na makipag-usap dito. Alam niyang hindi siya mananalo sa pakikipagtalo sa binata. May sarili na nga siyang problema ay dumagdag pa ang binata. Hindi tuloy malaman ng dalaga kung naging maganda nga ba itong desisyon niyo. Hindi niya alam kung makakabuti nga ba ito o lalo lamang makakasama sa kanyang buhay at kinabukasan.

Dahil sa halik na iyun, hindi tuloy siya makatulog ng maayos. Kahit naiidlip na siya ay parang nagbabalik pa rin sa isipan niya ang mga halik na iyun ng binata. Muntik na rin niyang tugunin kanina ang mga halik na iyun. Mabuti na lamang at hindi siya marunong humalik. Kung nagkataon ay parang inamin na rin niyang wala siyang ipinagkaiba kay Charie tulad ng pagkakakilala niya sa kanya.

Ganito rin ang eksena sa kuwarto ni Aldritch. Kanina pa siya naiinis sa kanyang sarili. Dapat galit siya sa dalaga dahil sa nakita niyang akto na panloloko niya sa kanyang ama. pero pagkatapos ng paghalik niya sa dalaga ay parang gusto pa niya itong ikulong sa kanyang mga bisig ng matagal.

Ng makita ang mga luhang naglandas sa mga mata ng dalaga ay bigla siyang nakaramdam ng awa para dito. At ang kanyang paghalik. Doon napatigil ng matagal ang binata at nag-isip ito. Halatang hindi alam ng dalag kung paano tumugon. Sa tagal ng mga halik na iyun, dapat ay kahit na papaano ay tinugon din siya ng dalaga. Pero hindi, nanatili lamang nakatikom ang kanyang mga labi. At kapag ganoon ang reaksiyon ay nagpapatunay na wala pang karanasan ang dalaga. Pero, imposible…

Umaga na pero nanatiling gising pa rin ang dalaga. Mabuti na lamang at Sabado, wala siyang pasok. Pwede siya mamayang matulog kapag tulog din si Don Moreno. Kahit namimigat ang kanyang katawan at masakit ang kanyang ulo ay pinilit pa rin ng dalag na bumangon. Kailangan niyang ihanda ang diet ng butihing ginoo.

“Hindi ka yata nakatulog kagabi, Jenika.” Pansin sa kanya ng matanda. Nasa hapag-kainan silang apat.

“K-kuwan, Daddy…” hindi niya alam kung anong kasinungalingan ay sasabihin niya, lalo pa at nahuli niyang nakatingin din sa kanya ang binata.

“Sa tingin ko Daddy, umiyak na naman dahil naaalala niya ang mga magulang niya, diba Jenika?” salo ni Anela.

“A, e, oo. Namimiss ko kasi sila.”

“Baka naman may iba kang namimiss Jenika?” pilyo ang mga ngiti ng binata na tumingin sa kanya. lalo siyang pinamulahanan ng mukha ng mapansing bumaba ang mga tingin ng binata sa mga labi niya.

“Kuya, you’re so mean. Alam mo na ngang nangungulila siya, iniinis mo pa.” Pagtatanggol ni Anela.

Lihim na nagpasalamat si Jenika. Mabuti na lamang at nandito si Anela na palagi niyang savior. Nagkibit-balikat lamang ang binata at tumayo na ito. Nilapitan niya at hinalikan sa pisngi ang kapatid at mababa ang tonong nagpaalam sa ama. may outing daw ang mga dati niyang ka klase.

...

Laking gulat naman ng dalaga ng nilapitan siya ni Aldritch. Nasa kusina siya at tinutulungan ang mga katulong sa pagliligpit ng kanilang pinagkainan.

“Alam kong dahil sa akin kaya hindi ka nakatulog kagabi.” Pang-aasar ng binata sa kanya. pabulong lamang ang mga salitang iyun.

“Ang kapal ng mukha mo.” Ganti niya sa binata.

Lalo siyang nilapitan ng binata at inilapat ang mga labi sa dulo ng tainga niya.

“By the way, I miss your lips, babe.”

Hinarap siya ng binata at sa pamamagitan ng kanyang panggigil asy ginantihan niya ng bulong ang binata. “Bastos, manyak…”

Tumawa lamang ang binata sa huling sinabi niya. Mabuti na lamng at abala ang mga kasama niyang katulong dahil kung hindi ay tiyak na pagtsitsismisan sila ng mga ito. O kaya’y maaaring pinag-uusapan din talaga siya kapag nakatalikod siya. Baka pinakikisamahan lamang siya ng maayos dahil sa matanda nilang amo.

Ayaw man ng binata na magmukhang stalker ay nagpatuloy pa rin ito na sundan ang dalaga. Gusto niyang masundan lahat ng kinikilos nito bago mahuli ang lahat. Ilang araw na lamang at nalalapit na ang kasalang magaganap. Ayaw niya na saka lamang matuklasan ang maitim na balak nito kapag huli na ang lahat. Hindi na niya hahayaan muling magkaroon ng dagok ang kanilang pamilya. Sinisiguro niyang wala ng susunod na Charie at pagkatapos niyang mapatunayan sa ama ang pagkakamali nito kay Jenika, siguro naman ay magtatanda na ito.

Hindi nga siya nagkamali ng akala. Pagkaalis ng naghatid na driver sa dalaga ay agad na lumapit sa kanya ang lalakeng inabutan niya ng pera noong isang araw at may kasama pa itong isa ring lalake. Pero imbes na matuwa ang dalaga pagkakita sa dalawang lalake ay parang nagkulay suka ang dalaga.

Nakita niya ang malaking pagkagulat sa mukha ng dalaga. Nahihiwagaan siya sa nangyayari lalo na ng makitang hinila siya ng isa papalayo sa unibersidad na pinapasukan ng dalaga. Maagap ang kanyang naging pagkilos. Bumababa siya ng kotse at lumapit sa kinaroroonan ng tatlo. Nagtago siya sa puno malapit sa kanila. Maganda ang kanyang puwesto dahil maririnig niya anuman ang pag-uusapan ng mga ito.

...

“Anong ginagawa niyo dito?” bagamat naroon ang takot sa tinig ng dalaga ay hindi ito nsgpahalata.

“Para humingi ng sustento sa iyo, my dear cousin.” Nakangisi si Edson. Ubos na kasi niya ang tatlumpung libong ibinigay sa kanya ng dalaga. Naubos sa sugal.

“Ano? Hihingan niyo ako ng pera? Ang lakas din naman ng loob mo?”

“Pare, mukha yatang matapang na ang babaeng ito ah.”

Hinawakan siya ni Edson sa braso at dinuro siya nito. “Huwag kang matigas. Baka gusto mong malintikan sa akin Jenika. Isa ka lamang langaw na nakatuntong sa kalabaw. Sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mo kaming buhayin.”

“Tingnan mo nga lamang ang buhay. Hindi ba ibinenta niyo ako kay Don Moreno ng sampung milyon? Malaking pera iyun. Kung tutuusin wala na kayong dapat hingin sa akin.”

“Wala na ang perang iyun! Tinangay lahat ng kasosyo ni Mama sa negosyo. Kaya sa iyo kami humihingi ng ikabubuhay.”

“Wala kayong makukuha sa akin mula ngayon. Napakabait sa akin ng pamilyang pinagbentahan niyo sa akin. At isa pa pinagpapaguran ko ang pera para sa kinabukasan ko at hindi para lamang ibigay sa mga walang kwenta kong mga kamag-anak.” Buong tapang nitong sagot.

“Akala ko ba nabatukang kuhol ang pinsan mo? Pare, matapang na nga!” kantiyaw sa kanya ng kasama ng pinsan niya.

“Binabalaan kita Jenika, magbigay ka ng pera ngayon o baka gusto mong bangkayin ko ang matandang mapapangasawa mo!”

“Wala akong pera. Wala kayong puso Edson, masyado na kayong nalulong sa pera, pati buhay kayo niyong walain dahil lamang sa pera!”

“Wala kang pakialam Jenika, maglabas ka nna ng pera sabi!’

Umiling ang dalaga. Kung pagbibigyan niya ang pinsan sa pangalawang pagkakataon ay mamimihasa na naman ang mga ito. Ayaw niyang mawala na lamang basta ang lahat ng pinagpapaguran niya. Pag-uwi niya ay ipagtatapat na niya ang lahat kay Don Moreno. Alam niyang kayang kaya niyang gawan ito ng paraan para tuluyan ng maglaho ang mga ito at hindi na kailanman guguluhin ang kanyang buhay.

Kung ayaw niyang magbigay ng pera ngayon. Ito na lang!” at hinablot ng kasama ni Edson ang kanyang kwintas!

“Ibalik mo sa akin iyun,” mangiyak ngiyak ang dalaga. Hindi siya makakapayag na makuha sa kanya ang tanging alaala ng kanyang mga magulang.

Pero tumawa lamang ang mga ito. Tinadyakan ng dalaga si Edson. Napamura ang lalake at mahigpit na hinawakan ang dalaga sa braso. Akma nitong sasampalin ang dalaga ng mula sa kung saan ay may sumipa sa kanya. Sapat na iyun upang mapasubsob ito sa lupa. Ang isa naman ang nilapitan ni Aldritch at pinakawalan niya ang malakas nitong suntok sa panga ng lalake.

Tumapon ang kwintas. Pinulot iyun ng binata kaya naman hindi agad namalayan ang mabilis na paglapit sa kanya ni Edson at naramdaman niya ang sugat sa kanyang tagiliran. Nakahawak ng patalim ang lalake. Bagamat may sugat ito at dumadaloy na ang kanyang dugo ay nagawa pa rin nitong tadyakan at suntukin ang lalake.

Nakatawag naman ng pansin ang sigaw ng dalaga kaya agad lumapit sa kanila ang mga secirity guards ng paaralan. Sa loob na rin mismo ng naturang eskuwelahan dinala ni Jenika ang nasugatang binata. Medical school iyun at katabi lamang ang ospital.

Pagkatapos matahi ang sugat ng binata at naiwan muna ang dalaga para bantayan ito. Lumiban muna siya sa klase. Nakahiga ang binata at ang dalaga ay umupo sa silyang naroon. Patuloy ang paglalandas ng luha habang nakatingin sa sugat ng binata. Siya ang naging dahilan para masugatan ito at labis siyang nag-aalala. Medyo malalim din ang sugat nito. Mabuti na lamang at iyun ang bahaging nasugatan.

Bagamat malapit na siyang magtapos at marami na ring nakitang mas malalang sitwasyon ng pasyente, iba pa rin ang nararamdaman niya para sa binata. Siya ang dahilan kaya ito nasugatan.

HIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon