Chapter 14:

4K 96 0
                                    

HIDDEN LOVE

Jinky Tomas

Nangunot ang noo ng dalaga ng iabot sa kanya ni Alena ang isang pumpon ng puting roses. Sabi nto ay may nagpapabigay daw sa kanya. Ewan ng dalaga kung bakit bigla na lamang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Nilingon niya ang katabi at nakita niya ang abot taingang ngiti nito sa kanya.

Nanginginig pa ang kanyang kamay ng kunin nito ang maliit na message card na nakaipit. Lalong nagulat ito pagkabasa sa nilalaman ng card.

Jenika,

Be my date.

Erold Sebastian

“Alena, ayaw ko ng ganyang biro. Sino ba ang nagbigay ng mga ito?”

“Kay Erold nga ipinadala pa iyan sa bahay. Nagkataong nandito ka kaya sinadya na rin kita para naman magkita na kayo ng long-time crush mo.” Panunudyo ng dalaga sa kanya.

“You know? Sinabi ba ni Aldritch?”

“Sort of it. Ganito kasi iyun,nagkataong naghahanap ng date si Erold dito sa Pilipinas at gusto niya iyung may kahit na souvenir noong model pa siya. Sinubukan kong i e-mail. Hindi ko alam na ikaw ang napili niya.”

“And then?”

“Nagpanggap akong ako si Jenika and your date is settled. Sa Monday na.”

“What? Alena!”

“Jenika pagbigyan mo na ako. Malay mo kayo ang magkatuluyan in the end, please for the sake of our friendship.” kunwari ay nagmamakaawa pa ang kaibigan.

“Pero alam mong abala ako dito sa farm at sayang ang bakasyon ko. Dalawang linggo pa akong makakpagpahinga.” Kunwari ay reklamo nito.

“Pwede naman tayong bumalik dito sa farm pagkatapos ng date. Akong bahala sa gasolina natin pabalik.” Pabiro pa ng kaibigan.

Ano pa nga ba ang kanyang magagawa? Alam ni Alena kung paano siya mapapayag sa mga favors na hinihingi niya dito. Ngayon pa lamang ay parang tinatambol na ang kanyang dibdib sa sobrang kaba. Sabagay, ang sinabi naman sa kanya ni Alena ay may suot silang maskara sa mukha. Parang party kumbaga.

At tuwang tuwa pang nagbalita ang kaibigan na siya na mismo ang bumili ng isusuot niya. Mayroon na daw siyang maskara na gagamitin. Ayon dito’y ang kanang bahagi ng kanyang mukha ang matatakpan. Ayon kay Erold, sa mismong bahay na lang daw gaganapin ang kanilang blind date. Ayaw niya daw kasing magpiyesta ang press kapag malaman nila ang tungkol dito. Mas ligtas daw sila sa bahay ng mga Calipco, mas may privacy.

Pinilit pa nit sa kai igan na siya na lamang ang magiging date ni Erold pero malaking problema daw na kapag nagtanong na ito ng mga balita noon tungkol sa kanya ay wala naman sioyang nalalaman at mabibisto siya.

...

Agad na tinanong ni Jenika kay Alena ang kapatid nito. Ilang araw lang na hindi niya nakita ito ay naramdaman na niya ang matinding pagkasabik para sa binata. At mabilis din niyang kinitil ang damdaming iyun ng maalala ang kalagayan ni Shinley. Hindi siya dapat na umibig sa binatang ikakasal na at magkakaroon na ng responsibilidad. Mabuti na lamang at hindi nagtanong ang kaibigan kung bakit niya ito hinahanap. Matalas pa naman ang kanyang pakiramdam. Tiyak na kapag bulol ang sagot niya kasabay ng pamu mula ng pisngi ay alam na niya agad na may itinatago siya.

“May bakasyon sila ni Shinley.” Matabang sagot ni Alena at ibinagsak ang katawan sa kama.

“A-Ah, ganoon ba?” itinago niya ang pagkadismaya sa tono nito.

“Kailangan rin daw niya kasing makausap ang wedding planner sabi ni Shinley.”

Si Aldritch angkinuhang bestman ni Albert sa kasal nila ni Shinley. Sina Alena at ang boyfriend namang si Rex ang bahala sa wedding cord.

HIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon