Chapter 4

182 5 3
                                    


Lumipas ang mga araw at diko  inaasahan na kung ano ang iniisip kong mangyayari ay siya ngang nangyari. Nanligaw sa akin si Luca for about 8 months. At dahil din dun ay naipakilala ko na siya sa family ko but not in his side.

Alam kong dito rin naman patutungo ang lahat. Mula ng kinuha niya ang number ko. Chat na din sa facebook. Ang paghatid sundo mula sa trabaho ko. Paglabas namin at pagkain sa ibat ibang lugar. Hindi naiiba sa mga nangyari samin ng mga exes ko.

Nung una natatakot ang family ko na baka maulit sakin ang bangungot ng kahapon ko. Oo, natakot din ako. Natakot din ako na sumubok ulit. Hindi para sa sarili ko kundi para sa pamilya ko. Mahal ko sila at mahal nila ako ayoko naman na mawalan sila ng pag asa dahil sakin kaya ipinaglaban ko ang buhay ko. At heto. Heto ako ngayon. Nagmamahal na naman ulit. At hindi kona alam kung kakayanin ko pa bang masaktan sa pagkakataong ito.

Pero kapag tadhana talaga ang nagtagpo iba na. If tadhana insist how can we resist? Kahit anong pigil natin sa nararamdaman natin hindi na tin maitatago yan sa matagal na panahon. Lalabas at lalabas parin sa tamang panahon.

Aminin man natin at sa hindi iba iba na talaga ang mga tao ngayon. May iba na magdadala ng saya at may iba na nagdadala ng pasakit. Katulad ng ibang couples madalas din kaming nag-aaway ni Luca. Pero siya palagi ang unang nag aapproach para suyuin ako kahit ano naman talaga ang may kasalanan. Oo girls ganyan naman tayo lagi e. Umaasa sa lambing nila pero di natin alam kailangan din nila ng lambing nating mga babae. Lambing na lalong magpapainit sa samahan ng bawat isa.


The Dying Heart Of A Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon