The Lost Chapter

149 2 0
                                    

The author's Side

Kinuha ni Shin ang isang telepono na hindi alam ni Levi na gumagana pa. Ang hindi alam ni Levi ay kabisado ni Shin ang phone number ng kanyang ama dahil magaling ito sa memorizing.

"Dad?"

"Who's this?"

"Its me Dad Shin. Please help us Dad. A stranger named Levi kidnapped me and mommy! Im crying.." Takot na sambit ng bata..

"Ok baby I'll be there as soon as possible. Describe to me the place outside that house ok?"

Binigay nga ni Shin ang description ng lugar kung saan sila dinala ni Levi.

20 minutes Later

"Daddddyy! Im so scared daddd. Huhuhu"

"Sshh baby. Daddy is here nothing to worry. Where is your mom?"

"I saw that the stranger put mom in that place."

"Ali kunin mo na si Shin lumabas na kayo dito bilis!"

At lumabas nga ng mabilis sina Shin at Ali. Habang tinungo na ni Luca ang kwarto kung nasaan ang asawa. Nanlumo siya sa kanyang nakita.

Kitang kita ng dalawa niyang mata ang panghahalay na ginagawa ni Levi sa kanyang asawa. Halata sa mukha ni Andy ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na yon.

"Walang hiya kang hayop ka!" Inundayan kaagad ni Luca ng suntok si Levi. Isang suntok na punung puno ng poot at galit. Napatumba naman si Levi dahil dito. "Ikaw pala ang asawa ni Andy? I just wanted to tell you na akin na siya mula ngayon!"

"Ang kapal ng pagmumukha mo para sabihing sayo na siya! Isa kang tarantadong lalaki!" At muling bumwelo ng suntok si Luca pero sa pagkakataong ito ay naiwasan iyon ni Levi at si Levi ang nakaganti ng suntok kay Luca. Pero hindi nagpatalo si Luca at di pinanghinaan ng loob lumaban parin siya kahit hindi niya alam kung paano niya ipagtatanggol ang sarili niya.

Nang isa pang kamao ang muling tumama sa duguang mukha ni Luca, isang matigas na bagay ang kinuha ni Levi. Isang maso. At walang ano ano'y malakas nitong ipinukpok sa ulo ng walang kamalay malay na si Luca. At doon mula sa kanyang pagbagsak ang siyang pag agos ng dugo. Nagulat din si Levi sa kanyang nagawa at tila nanginginig pang tumitig sa nanghihingalong si Luca.

Lumabas siya at iniwan ang magasawa sa kwarto. Ngunit di na siya nakawala pa sa kamay ng mga armadong pulis na rumesponde matapos tumawag dito si Ali.

Isinugod sa ospital ang mag asawa. Si Andy ay dinala sa isang private room habang ang naghihingalong katawan naman ni Luca ay dinala sa ICU room at kinabitan ng kung ano ano sa katawan niya.



               *The Lost Chapter*

The Dying Heart Of A Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon