"Ma, Pa bilisan niyo na po at na dis oras na tayo. Alalahanin niyo anniversary namin ngayon. Naku naghihintay na yun doon. Mga anak ano na? Handa naba lahat?"
"Yes mommy."
Pagmamadali naming alis ng pamilya ko. Anniversary namin ng mahal ko ngayon at susurpresahin namin siya. Oo. One year na rin ang lumipas mula noon at akala ko ay diko kakayanin ang mga panahon na yun na wala na akong pag asa.
Ito ang araw na nag isang dibdib kami ni Luca na pangarap niya. Hayy mabilis nga naman talagang lumilipas ang panahon.
"Nandito na tayo. Ma, pa kayo na muna ang mag asikaso pupuntahan ko lang muna po siya." Paalam ko kina mama at papa.
Nilakbay ko ang lugar kung saan ko siya matatagpuan. "Hi mahal happy anniversary. Ano kamusta kana ba? Miss kana ng mga bata. Hayy miss na din kita. Sobra sobra. Look! Its been a year mula nung ikasal tayo. Natupad ko na yung gusto pero bakit ganun?"
Unti unti na naman akong nagdaramdam sa harapan niya. "Bakit kase ganyan ka mahal e. Diba kakakasal pa lang naten nun? Pero bakit bumitiw ka? Eight hours palang ang lumipas pero di na kinaya ng katawan mo. Ang daya mo talaga mahal. Sabi mo walang iwanan diba? Walang bibitaw? Pero anong ginawa mo? Kung kailan anniversary ng kasal natin ay siya din namang death anniversary mo."
At tuluyan na nga akong nagdamdam sa harapan niya."Tignan mo tuloy ako ngayon. Kausap ang isang malaking at matigas na kahon kung saan ka namahinga. How dare you mahal para iwan mo kami ng mga anak mo! Tignan mo oh. I am looking like a stupid na kinakausap ang kahon na may nakaukit na pangalan mo? Kainis ka naman e."
Pumanaw si Luca eight hours after ng kasal namin. Pumutok raw ang ugat niya sa brain kaya't nadamage na ang buong nervous system. Ibang klaseng hapdi sa puso ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Para may isang napakalaking tinik na itinarak sa puso ko. Ang sakit!
"Alam mo naman na mahirap mawalan ng mahal diba? Kung saan ka man ngayon mahal sana ginagabayan mo kaming mga pamilya mo. Lagi ko paring inaalala ang mga bagay na nagpapaligaya sa ating dalawa noon. Pinakaiingat ingatan ko ang mga liham mo. Ang mga gamit na alam kong mahalaga sayo. Ikaw noh? Di ka manlang nagpaparamdam sa akin."
Biglang lumakas ang ihip ng hangin. Parang ibinubulong nito na nandito lang si Luca kasama ko, namin.
"Mahal! Luca San Agustin! Mahal n mahal kita higit pa dyan sa iniisip mo! Kung pwede lang sana kitang yakapin ngayon ginawa ko na at dina kita pinakawalan pa. Mahal na mahal kita."
Bago ako tumayo ay hinalikan ko ang lapida na may ukit ng kanyang ngalan. Pinunasan ang mga luha at tumungo na sa aking pamilya. Pumunta kami dito sa sementeryo para maghanda. Maghanda sa aming wedding anniversary at ipanalangin sa kanyang death anniversary. Alam kong lilipas din ang mga panahon na ganito.
Tama talaga. Ang mundo nga naman. Minsan mahirap narin maintindihan kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa bawat tao. May kanya kanya problema na dinadala at ibat ibang paraan sa pagiisip ng solusyon. Ito ang mga salitang binaggit ko una palang at di ako nagkamali.
BINABASA MO ANG
The Dying Heart Of A Girl
Короткий рассказDifferent reasons that makes me dying inside. April 1 2018- April 3 2018(Completed) Cover by: @Blinded_one Follow me: @Leshy_yellow