Chapter 12

136 4 0
                                    

Five days later

This is it. Heto na ang oras para sa kanyang Heart Transplant. Naexplain ko na ang lahat kay Andy kung bakit magkakaroon siya ng surgery at sinabi niyang naiintindihan niya.

"Bunso kaya mo yan ha? Kayanin mo para samin."

"Anak mahal ka ni mama. Mahal na mahal. Wag kang bibitaw."

"Tandaan mo nandito lang kami para sayo."

"Andy? Mahal. Alam kong kaya mo to. Diba sabi mo kakayanin mo? Dapat tuparin mo yon."

Mga salitang binitiwan namin kay Andy bago siya ipasok sa Surgery Room. Alam naming hindi madali ang ganitong sitwasyon lalo na't alam namin na 40/60 ang tsansa ni Andy na mabuhay kapag naisagawa na ang transplant. Pero kahit ganun umaasa parin kami na magiging matagumpay ang surgery.

Tumungo ako sa chapel dito sa may hospital. Lumuhod at nagdasal.

'Panginoon kung ito man po ang kagustuhan mo para sa kanya, sana po ay maging matagumpay iyon. I know she does not deserve this kind of life na mawawala ang mga alaala ng nakaraan niya. Ako na po mismo ang humihingi ng tulong. Tulungan niyo po siya na kayanin ang bagay. Tulungan niyo po siyang ipaalala sa kanya ang mga bagay na hindi dapat niya makalimutan. Maybe she's just afraid to be hurt again but we are also afraid na tuluyan siyang mawala sa piling namin. Lord ito ang idinadasal ko sa inyo na patuloy niyo siyang gabayan. Sa bawat oras na wala ako sa tabi niya ipadama niyo po na hindi siya nag iisa. Amen.'

Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod ko at bumalik sa hospital. May mga bagay sa mundo na kahit gusto mong ibalik ay di na maibabalik pa ng panahon pero maiiwasan sa puso ng bawat tao. Mahirap mang isipin na marami sa mga tao ngayon ang nahihirapan. Mahal kong Andy. Pakiusa ko sayo wag kang bibitaw. Heto tayo sa mundo para lumaban. Lumalaban ako para sayo at para sa atin. Sana ay ganun ka din na lumalaban pa sa akin. Bubuo pa tayo ng pamilya. Mamumuhay ng mapayapa at aalagaan ang ating mga anak. Kaya walang bibitaw.

The Dying Heart Of A Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon