Chapter 11

126 5 0
                                    


"Ahh pamilya ko sila? At ikaw ang boyfriend ko?"

"Oo. Ikaw naman si Andy. Ikaw si Andy Canlas."

"Ahh. Ako pala si Andy Canlas. Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito? Ano ba to?"

Napakaraming tanong ang namuo sa isipan ni Andy. Maraming bagay ang nawala sa kanya. Mga bagay na mahahalaga na mahirap ng ibalik pa. Paano pa nga ba 'to? Ano nang gagawin ko? Isa lang ang natatanging paraan na alam ko.

Two Months Later

Itinuro ko ang lahat ng mga bagay na dapat malaman ni Andy. Kasama na rin ang mga bagay na makakatulong sa pag alala niya sa nakaraan naming dalawa. At di naman ganoon kahirap dahil kasama ko ang pamilya niya na sumusuporta sa mabilisan niyang pagrecover. Makakatulong ito bago pa siya sumailalim sa Heart Transplant.

Masaya ako sa nangyayari na kahit papaano ay nabawasan ang tinik saming mga puso. Wala nang kahit anong sakit na naaalala si Andy rason para di na siya kaagad atakihin.

"Andy, Luca heto magmeryenda na kayo. Tama na muna yan."

Sinubuan ko si Andy gaya ng dati. At gaya parin ng dati. Ginagawa ko ang mga bagay na noon ko pa ginagawa sa kanya. Sana man nga ay makatulong yon sa kanya sa pagrecover.

Naalala ko na kaya pala nawala ang alaala niya ay dahil sa nabagok ang ulo niya bago ko pa sya nasalo nung mga oras na nanghihingalo na siya. And all this time I just realized na ako pala ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Mula pa sa umpisa. Ang hirap ng ganito pero kailangang kayanin ko dahil alam kong kakayanin din niya. Kakayanin naming dalawa.

The Dying Heart Of A Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon