Bakit pa? Bakit ikaw pa. Sa dinami dami naman bakit ikaw pa Andy.
Nandito ako sa tabi niya. Tinititigan ang maamo at natutulog niyang kalagayan habang may mga kung anong idinikit sa katawan niya para makahinga. "Andy? Mahal? Ano na? Bakit kase hindi mo muna ako pinagexplain at nagpadala ka sa galit mo. Pano na 'to? Di ko na magagawang magalit pa sayo alam mo ba yun? Diko na magagawa kase mahina ang puso mo. Diko na masasabi sayo lahat dahil nangangamba ako na mawala ka sa buhay ko. Paano ko pa sasabihin sayo yung gusto kong sabihin kung ganyan na ang kalagayan mo? Paano na tayo? Sana kahit minsan pinakinggan mo ang mga pagpapaliwanag ko. Mali ka e. Iba kase kaagad ang iniisip mo. Iniisip ko lang naman kung ano ang nagpapasaya sayo. Sa atin! Hindi mo alam na gumagawa ako ng mga paraan para masurprised ka. Susupresahin kita kase kahit 1 year palang tayo gusto na kitang maging asawa. Kung naririnig mo lang Andy. Gusto na kitang pakasalan. Gusto kong patunayan sayo at sa pamilya mo na iba ako sa ibang mga lalaki. Na iba ako sa mga nakilala mo. Pero nasira lahat Andy. Nasira lahat. Wala e. Diko na alam ang gagawin ko. Di na kita masisi. Baka di kayanin ng puso mo. Gusto ko lang naman na mapasaya ka. Mapasaya ka kahit sa maliit na panahon man lang."
Sa bawat pagbanggit ko ng mga salitang iyan ay siya ring pagpatak ng aking mga luha. Mahigpit kong hinahawakan ang mga kamay niyang hindi gumagalaw at lagi ko itong hinahalikan.
"Andy sana naman wag mo akong iwan ng ganito. Baka di rin kayanin ng puso ko kung mawawala ka. Kaya pala hindi ka pwedeng mapagod kaya pala mabilis kang manghina, kaya pala. Bakit kase hindi mo sinabi sakin agad? Natatakot ka ba? Natatakot ka ba na iwan kita? Hindi ko gagawin yun Andy. Mahal kita. Mahal na mahal kita. At hindi ko hahayaan na nakahiga ka lang dyan at naghihintay. Lalaban ka ha? Lalaban ka. I love you."
At hagulgol kong muli sa tabi niya na nagmamakaawang lumaban para samin.
Author's Pov
Sa pintuan ng room ay nakatanaw ang mama at papa ni Andy.
"Sincere nga siguro talaga siya sa anak natin. Sana gumising na siya." Muling pagiyak ng mama ni Andy.
"May tiwala tayo sa anak natin diba? Hindi siya bibitiw. Lalaban siya. Kaya niya."
Pumasok sa loob ang mag asawa at kinausap si Luca. "Luca? Ang sabi ng doctor isa na lamang ang tanging paraan para makasurvive siya sa 50/50 niyang kundisyon."
Napabaling ang tingin ni Luca sa ina ni Andy. "Yun lamang raw ay kung may isang heart donor na magbibigay ng puso sa kanya. Normal na puso para mapalitan ang maliit niyang puso."
Hindi nakaimik si Luca sa sinabi ng ina ni Andy kaya lumabas nalang ang mag asawa at hinayaang bantayan ni Luca ang kanyang pinakamamahal.
BINABASA MO ANG
The Dying Heart Of A Girl
Короткий рассказDifferent reasons that makes me dying inside. April 1 2018- April 3 2018(Completed) Cover by: @Blinded_one Follow me: @Leshy_yellow