Chapter 5

190 5 1
                                    

Gabi na. Di ako pumasok ngayon sa trabaho kase may inasikaso lang ako sandali. Nagcommute nalang ako para di gastos sa gas. Pauwi na ko.

Medyo madilim ang daan patungo samin at mapuno. I feel something weird. Parang may sumusunod sakin. Naglakad nalang ako ng nakaduko pero pagtaas ko ulit ng ulo ko may nakita akong isang lalaki na nakatayo sa harapan ko."Sino ka? A-anong kailangan mo?" Pautal kong tanong dahil natatakot na ako.

Habang paatras ang hakbang ko ay siya namang pag abante ng kanyang mga paa patungo sakin. Di na ko muling nakahakbang pa dahil may isa pang kung sino ang humawak sa aking mga braso. Mahigpit na hawak na kahit anong gawin ko ay di ako makapalag.
"Tu---mmmsshshjakaoqoaas" diko na maituloy ang mga sasabihin ko para humingi ng tulong dahil tinakpan na niya ang bibig ko gamit ang kamay niya.

"Ang ganda mo naman miss? Balingkinitan na katawan masarap para sa hapunan tiyak ngayong gabi matitikman mo ang ligaya sa kalangitan." Sambit ng lalaking nasa harapan ko.

Tanging iyak na lang ang nagagawa ko sa mga oras na ito. Kahit anong palag ay walang bisa sa kanila. Naramdaman ko nalang na may kung anong mainit na dumampi sa aking mga leeg.

Parang awa naman ng mga taong ito. Lord! Tulungan nio po ako. Ayoko po ng ganito.

Dahan dahan ding hinawakan ng lalaki sa harapan ang mga hita ko."Makinis na mga hita masarap na parang kamatis. Hhmmm"

Nandidiri ako sa mga sinasabi niya. Bakit may mga taong ganito!

Itinaas niya pa ang kanyang mga kamay patungo sa nang biglang...

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo sa kanya ha? Mga manyak?"

Nabigla ako sa boses na narinig ko. Ang boses na iyon ay kilalang kilala ko. Binitawan ako ng mga lalaking iyon at nilabanan siya. At sa pagbitiw na iyon ay siya namang paghina ng aking katawan at bumagsa mula sa kinatatayuan ko. Unti unti na namang sumisikip ang aking dibdib at nahihirapan sa paghinga. At tuluyan na akong nilamon ng dilim.

-------

Nagising ako sa tawag ng aking ate. "Ma, Pa! Gising na siya." Ani niya. Nakikita ko silang lahat na nakatingin sa akin at pati na rin ang nebulizer na nakalagay sa akin. Dahan dahan akong tumayo sa kinalalagyan ko. "Anak alam mo bang alalang alala kami sayo. Wag ka nang uuwi ng gabi na naglalakad ah. Mahirap na. Mabuti nalang at saktong papunta si TonTon dito para puntahan ka. Laking pasalamat namin sa kanya." Nahimasmasan ako sa mga sinabi ni papa. "Si TonTon po?"

"Oo nariyan siya sa baba. Kausapin mo." Inalalayan ako ni ate sa pagbaba at hinarap si TonTon.

"Andy, mabuti at maayos kana. Hindi naba nagsisikip ang dibdib mo?" Pagtatanong niya sakin.

"Hi- hindi na. Maayos na ako nakakahinga na ako ng maluwag."

Then he smiled at uminom ng juice. "Ahh siya nga pala yung sa nangyari kanina. Salamat pala kung hindi dahil sayo malamang sa malamang nahalay na nila ako."

"Ano ka ba. Kahit sinong lalaki gagawin ang ganun. Maliban nalang sa mga mapagsamantala. Mga lasing yun at adik. Pero walang anuman."

"Ahh siya nga pala anong ginagawa mo dito? Bakit ka nga pala napadpad dito?" I asked.

Lumapit siya sakin at inabot ang aking mga kamay. Hinawakan niya iyon ng mahigpit at tumitig sakin. "I know I've never been a good boyfriend sayo. Naging makasarili ako at puro games ang inatupag. But if you just give one more chance Andy, one more chance and patutunayan ko na sayo na deserving akong maging boyfriend mo ulit."

Napahinto ako sa mga sinabi niya. Heto na naman ang moment. Moment kung saan magsosorry siya tapos maloloko na naman sa mga online games.
"TonTon, look. Im sorry. Im sorry kase di na pwedeng maging tayo ulit."

"Ba-ba- bakit? Wala namang nanliligaw say--"

"May boyfriend na ako. And we are already 5 months in a relationship." Banggit ko sa kanya dahilan para mapahinto siya sa sasabihin niya.

"Im sorry."  At umakyat na ako sa kwarto ko at nagpahinga. Idinaan sa iyak ang lahat.


The Dying Heart Of A Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon