The day of the wedding
The
Luca San Agustin
And
Andy Canlas
Wedding dayHeto na nga ang araw na pinakahihintay ng mahal ko. Araw na haharap sa panginoon at mangangako ng habang buhay na pag iibigan. Pero sa puntong ito ako na lamang ang makakapangako sa panginoon dahil nga sa hirap na kalagayan ni Luca.
"You may now say your vows." Banggit ng pastor sa akin.
Bumunot ako ng isang papel. Isang papel kung saan inilagay ko ang lahat ng mga salitang dapat kong bitiwan sa harap niya at sa harapan ng Diyos at ganoon din sa mga taong makakasaksi sa amin ngayon.
"Its been a long time since we've met. Making random excuses and love. Changing everyone's fate. Ngayon mahal ko nasa harapan mo ako ngayon na nangangakong pangangalagaan ka sa abot ng aking makakaya. Serving you with all of my life. Napakaraming mga unos ang dumating sa atin pero nariyan ka parin para sa akin at palaging nagsasakripisyo. Tulad ngayon na nasa harapan kita at nakikitang may mga kung anong bagay ang nakatusok sa iyo na nakakonekta sa isang malaking tangke na natatangi mo na lamang pinagkukunan ng iyong hininga para mabuhay. Masakit sakin na makita kang ganyan. Almost eight months ka na ring nakahiga sa kamang iyan at wala man lang kahit anong parte ng katawan mo ang gumagalaw. Kung naririnig mo man ako ngayon alam ko na hindi mo ako hahayaang nasasaktan ng ganito. Mahal, Luca San Agustin ang mapapangasawa ko. Heto ako ngayon nagsusumamo sa harapan mo. Bumangon kana dyan. Bumangon kana dahil miss kana ng mga anak mo, anak natin. Miss na miss na miss na din kita. Sana sa mga puntong ito walang bibitiw ha? Yung pangako mo tuparin mo. I love you. Mahal na mahal kita."
Sa pagsasabi ko ng aking vow mahirap nang pigilan pa ang amga luhang mula sa kalungkutan at kapighatian na sinapit ko.
"You may now kiss the groom" lumapit ako sa kanya at idinampi ang aking mga labi sa kanyang mga labi. Lalo akong nagdamdam sa puntong ito nang tunay na pala kaming kasal. Natupad ko na ang nais niya at sana gumising na siya.
Nagpalakpakan ang mga taong nakasaksi sa aming pagiisang dibdib. Lahat sila ay sumasabay sa agos ng aking paghihirap. Sinasamahan nila ako at ipinapadama na di ako nagiisa. Salamat sa inyo. Lumalakas parin ang loob ko at lumalaban.

BINABASA MO ANG
The Dying Heart Of A Girl
Short StoryDifferent reasons that makes me dying inside. April 1 2018- April 3 2018(Completed) Cover by: @Blinded_one Follow me: @Leshy_yellow