Chapter Eight

3.2K 45 3
                                    

Kanina pa siya gising at kasalukuyang nakahiga sa kanyang kama. Bumalik na naman kasi sa isip niya ang nangyari kahapon. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi pa niya yata kaya magpakita sa binata. Pero wala siyang choice, may shoot sila ngayon sa Tanay at kailangan nilang manalagi dun sa loob ng apat na araw.

Anong gagawin ko?!! Lord, help me! Please..

Nakarinig siya ng katok sa kanyang pintuan at biglang pasok ng kapatid niya na may dalang bulaklak. Habang palapit, nakangiti ito sa kanya.

“Aba! Mukang kanina pa gising si angel ha.” Sabay abot ng bulaklak at sulat

“Angel?!!” tanong niya.

“look.” At ipinakita sa kanya ang ipad nito.

@GAnderson03: My angel became my nurse. I’m really happy. :)

“Paano ka nakakasiguro na ako nga yan, aber?”

“Haha. Pot, gusto ko lang ipaalala sa’yo na ikaw lang naman ang nag-alaga sa kanya kagabi. Diba may nakita ka pa sa loob ng kwarto niya” pang-aasar nito.

“Tse. Malay mo may iba pang nag-alaga sa kanya.”

“Oy, pot, manahimik ka nga dyan. OA na sa pag deny ha.”

Hindi na niya pinansin ang ate niya dahil naging busy naman ito sa ipad niya, kaya kinuha niya ang sulat na kasama nang bulaklak at binasa.

“Good Morning Angel! :) Thank You! I’m the happiest! :)

Angel? Ako talaga yun? Ako talaga yung niligtas mo noon? Ikaw ba talaga yung nagligtas sa akin noon? Tss. Hindi pa ako ready. Hindi ko alam. Natatakot ako. Ayaw ko muna. Kung kelan naman nag-eenjoy na ako sa friendship natin, bigla bigla ka gaganito. Tss. I think, this is not the right time. I’m sorry.

“huy!” sabay pitik ng ate niya sa noo niya

“Aray!”

“Tignan mo.”

@Shine_cheffff: @GAnderson03 Wow! Happy for you! :)

Tinignan niya ng masama ang kapatid at nakangiti lang ito sa kanya. Bago ito lumabas

“Pot, bilisan mo dyan ha. Imis na. May shoot ka pa.”

“At anong nakain mo?”

“Hahaha. Ako lang naman ang kasama mo sa shoot mo sa Tanay. Hahahaha” sagot nito bago tuluyang lumabas.

Bakit siya?!!

Beep.

From: Gerald Anderson

See you later princess! :)

Ilang oras lang at nakarating rin sila sa location ng shoot nila. Gusto man niyang umidlip kahit saglit habag biyahe pero hindi niya nagawa. Buong biyahe nila, kinulit lang siya ng kinulit ng kapatid niya. Madalas tinutweet ng kung anu-ano si Gerald bilang pang-asar sa kanya. Wala naman kasing nakakaalam na si @Shine_cheffff ay ang ate ng nag-iisang popstar.

Pagkababa nila ng sasakyan, nakita niyang naglalakad papunta sa kanila si Gerald. Nakangiti ito sa kanya pero dahil sa desisyon niya, tumalikod ito at nag-umpisang kunin ang ilan niyang mga gamit. Hindi niya namalayang nasa tabi na niya ang binata. Kinuha nito ang bitbit niya ngunit hindi niya ito binigay.

“Kaya ko na.” matamlay niyang sabi bago tuluyang umalis papunta sa pansamantalang tutuluyan nila habang nagshuhoot.

“Tss!” narinig niyang sabi ng ate niya.

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon