Chapter Seventeen

2.5K 50 10
                                    

Habang pabalik ng Manila, masayang nagkakantahan ang dalawa sa loob ng sasakyan ng maalala ni Sarah na kailangan niyang ipaalam sa kanyang ate na pauwi na sila. Kaya kinuha niya ang kanyang phone at tinext ang kapatid.

“When I first saw you I already knew … There was something inside of you …  Something I thought that I would never find … Angel of mine” narinig niyang kanta ng binata. She smile.

“I look at you, lookin' at me … Now I know why they say the best things are free … I'm gonna love you boy you are so fine … Angel of Mine” pagpapatuloy niya sa pagkanta ng binata. Tumingin ang binata sa kanya at nginitian niya ito.

Hinawakan ang muka nito. “Sa daan ka tumingin, maaaksidente tayo niyan eh” nakangiting utos niya.

Ilang sandali pa at narinig niyang nagbeep ang phone niya.

From: Ate Shine

Pagdating niyo dito, papasukin mo muna si Ge ha.

Hmm. At bakit naman kaya? Anong oras na eh, gusto pa niyang makipagbonding?

Napakunot ang noo niya pagkabasa ng text ng kapatid at napansin ito ng binata.

“Why?” narinig niyang tanong ni Gerald.

“Ha? Ah, wala, sabi lang ni ate na pagdating natin sa bahay, huwag ka daw munang umuwi, papasukin daw muna kita.” Sagot niya.

“Oh. Bakit daw?”

“Um. Hindi ko alam. Tatanong ko?”

Nakita niyang ngumiti ang binata.

“huwag na, baka gusto lang ng ate mo na makasama pa kita ng mas matagal.”

“Hahahaha. Assumero!”

Ilang sandali pa at nakarating na sila sa bahay ng dalaga. Tulad ng sinabi ng kapatid niya, pinapasok muna niya ang binata. Sinalubong naman sila ng kapatid.

“Oh ate, bakit?” tanong niya.

“Good evening ate” narinig niyang pagbati ng binatang katabi

“Maupo muna kayo” seryosong alok ng kapatid

Anong problema neto?

“Bakit ba ate?” pag-ulit niya ng tanong sa kapatid ng makaupo na silang tatlo.

“Ge, tapatin mo ako, sino ba talaga ang angel mo?” biglang tanong ng kapatid

“ate naman..” pagsaway niya sa kapatid.

“Po?” nagulat na tanong ng binata

“who’s your angel?” seryosong ulit ng kapatid

“Sarah Asher Geronimo” sagot ng binata

Nakita niyang ngumiti ang kapatid but she’s sure that it’s a sarcastic one.

“ate..”

“eh sino si Cristine sa buhay mo?” sunod na tanong ng kapatid.

“po?” narinig niyang tanong ng binata

“ate, ano ba?”

“ano mo si Cristine?” ulit ng kapatid

“Wala po.”

“wala? She’s not your angel?”

Ano daw?

Nakita niyang nagulat ang binata sa sinabi ng kapatid “of course not. My angel is Sarah. Siya lang.” sagot ng binata.

“ate, ano ba kasi?”

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon