“sobrang aga mo manggising Ge.” Sabi niya sa kausap sa kabilang linya
Kasalukuyan siyang nag-aayos ng gamit para sa kanyang rehearsal para sa production number niya for ASAP habang kausap ang binata sa telepono.
“Excited akong makita ka eh. Excited ako sa prod natin bukas” narinig niyang lambing ng binata
“aysus! O siya sige na mamaya na tayo mag-usap. Maliligo muna ako” sagot niya.
“baby girl, kahit huwag ka na maligo, mabango ka na”
“sus! D&G lang yun. Haha. Sige na, babye na”
“o sige na nga. Babye baby girl. Ingat papuntang studio”
“okay. Ingat ka din”
Kakatapos lang niyang magshower at magbihis. Since napaaga siya ng gising at pag-iimis, hindi pa nakakaimis ang kanyang mommy kaya habang nag-iintay, binuksan niya ang kanyang tv at sandaling nanood.
“Flash Report!
Napag-alamang ang president ng V group of Companies ay dumating sa bansa kahapon at nakipagmeeting sa presidente para makasama sa listahan ng mga investors ng bansa. Ang VGC ay miyembro ng tinatawag na tycoon world at kasali sa top ten world’s richest company”
Wow naman.
Tinignan niya ang kanyang relo at dahil maaga pa, pinatay na niya ang kanyang tv at bumaba para makipaglaro kay chacha.
…
“baby girl, taya ka na” sambit niya
Kasalukuyan silang nasa loob ng ASAP studio at naghihintay ng kanilang turn para mag rehearse. Habang nag-iintay, inaya niyang maglaro ng temple run ang dalaga. Laking pasasalamat niya at pumayag ito kaya silang dalawa ngayon ay nakaupo sa isang sulok at masayang naglalaro.
“oop yaah! Taya ka na! hahaha. Walang kwenta” narinig niyang pang-aasar ng dalaga.
“anong sabi mo?” tanong niya at umaktong kikilitiin ang dalaga.
“wala. Oy Gerald..” nakita niyang napatayo ang dalaga para umiwas sa nakaambang kamay niya
“Wala.? May sinabi ka ehh.” At humakbang siya palapit sa dalaga.
“Wala kase Ge” at nakita niyang tumakbo palayo sa kanya ang dalaga
Hinabol naman niya ito at dahil dito marami ang nakapansin sa kanila. Walang humpay na asar tuloy ang ibinato sa kanila ng mga nakakita sa ka sweet-an nilang dalawa. Nakita niyang namumula ang dalaga sa hiya kaya nilapitan niya ito. Pagkalapit niya, isang hampas sa braso ang ibinigay nito sa kanya.
Nagtaka siya ng biglang tumigil sa pang-aasar ang mga kasamahan at biglang nakarinig ng bulungan.
“ang gwapo” narinig niyang sambit ng isang dancer na malapit sa kanila. Nakatingin ito sa may entrance. Tumingin siya sa baby girl niya, nakatingin lang din ito sa may entrance ng studio. Nilinga niya kung sino ang tinitignan ng mga ito. Nagulat siya ng marealized niya kung sino ang lalaking palapit sa kanila.
“hahaha. I told you man, I can follow you wherever you go. Haha. I can smell your scent.” Narinig niyang sabi ng binata sa kanya pagkalapit nito.
“so, what are you? A dog? why are you here?” biglang tanong niya.
Nakangiti lang ang binata sa kanya at laking gulat niya ng bigla itong bumaling kay Sarah at nag-umpisang magsalita.
“Ohh. You” nakita niyang nakaturo ito sa dalaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/1531990-288-k252a63.jpg)
BINABASA MO ANG
The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)
Roman d'amourThe princess meets her prince. That's how it goes. :) Author's Note: The Princess Meets The Prince. My first story ever. :) I imagined it 3 years ago and finally I got to put it in words. Sarah Geronimo and Josh Lee ang name ng bida three years a...