“Gising na pot!”
“ehh. Maya na.” ungot niya.
“3 am na pot! 4:30 ang umpisa ng shoot niyo.”
“ten minutes.”
“puro ka ten minutes, kanina ko pa yan naririnig. Bumangon ka na dyan, magbrekfast ka na rin. Iiwanan na muna kita dito.”
Napabangon siya sa narinig.
“At bakit?!” tanong niya.
“Sasamahan ko ng umuwi si manang, mas maganda kung sa bahay na siya magpahinga.”
“Hindi pa rin ba maayos pakiramdam ni manang? Hmm.”
“Maaayos ayos na. Nga pala, may gusto ka bang ipakuha?”
“Hmm. Si chacha.” Nakangiti niyang sabi.
“O sige, bumangon ka na dyan at mag-imis. Aalis na ako ha.”
“Sige, ingat. Balik ka agad teh ha.”
“opo.”
Pagkaalis ng kapatid, bumangon na rin siya at nag-imis. Nakita rin niyang may red rose na nakapatong sa may lamesa. Napangiti siya nito. Kumain na rin siya ng agahan na inihanda ng kapatid.
Ilang sandali lang at naisipan niyang magjogging muna. Kaya kinuha ang ipod, nagheadset, lumabas at nag-umpisa sa pag jog.
Madilim pa sa labas since mag aalas kwatro pa lang naman ng umaga. Halos wala pa ring tao sa may labas kaya hindi hassle para sa kanya ang magjogging.
Hmmm. Ang sarap ng hangin dito, ang tamis. Haha. Hindi, masaya, halos parang walang polusyon. Kung ganito ang kapaligiran mo, maayos kang makakapag-isip. Parang ang gaan lang ng buhay pag ganito. Parang hindi uso ang complications. OA na. Kapaligiran tas naging complications? Haha. Gulo mo sarah!
Napangiti siya sa mga naiisip niya. Ilang sandali lang at may nakita siyang kasalubong niya. Mukang kakagaling lang nito sa pagjogging.
Gerald?
Nang makalapit ang binata sa kanya, nginitian lang niya ito at nagpatuloy sa pagjog. Nagpalit ng direksyon ang binata at sinabayan siya nito. Tiningnan niya ito at nginitian lamang siya nito. Nakita niyang nagsasalita ang binata kaya inalis niya ang headset na nakapasak sa tenga niya.
“Good Morning princess! :)”
“Good Morning din.”
“Ang aga mo ha.”
“Ah. Si ate kasi eh.”
“Oh, where is she?”
At baket?!
“Umuwi.”
“Ha? Hmm. Sino kasama mo dito?”
“Umm. Wala.”
“Iniwan ka nila dito mag-isa?”

BINABASA MO ANG
The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)
RomanceThe princess meets her prince. That's how it goes. :) Author's Note: The Princess Meets The Prince. My first story ever. :) I imagined it 3 years ago and finally I got to put it in words. Sarah Geronimo and Josh Lee ang name ng bida three years a...