Chapter Four

3.2K 53 10
                                    

Saturday

Kakagising lang ni Sarah ng makarinig siya ng katok.

“Pasok po.” Sabi niya.

“Sarah, para sa’yo” pumasok ang manang niya at iniabot ang isang long stemmed red rose.

“Galing po kanino?” tanong niya.

“Alam mo na kung kanino. :) Nga pala, umalis na ang mommy at daddy mo, kamusta na ang pakiramdam mo?” pag-aalalang tanong ng manang nila.

Dalawang araw ng may sakit si Sarah. Mataas ang lagnat niya kahapon dahil naambunan siya habang nagshushoot para sa susunod niyang album. Hindi na siya pinagrehearse ngayon at pinayagang mag absent sa Sunday.

“Medyo ayos na po ako kumpara kahapon” sagot niya sa manang niya

“Ikaw kasi sobrang matigas ang ulo, hindi ka agad sumilong.”

“Pasensiya na po.”

“O siya, hintayin mo ako at dadalhan na kita ng agahan mo”

“Ay wag na po. Bababa na lang po ako.”

“Hindi na, baka mabinat ka pa”

“Ay, manang, si ate po?”

“Umalis, may inaasikaso yata”

“Si Gab po ba may pasok ngayon?”

“Ang alam ko wala, pero maaga siyang umalis, may school project daw.”

“Ahh. Sige po, salamat.”

“o sige, mahiga ka na ulit dyan. Huwag nang magulo ha”

“Manang naman. Sige po.”

Pagkaalis ng manang niya, binasa niya ang nakasulat sa isang pirasong papel na kasama ng rose.

“Good Morning Princess! :) See you later sa rehearsal

--G”

Halos isang linggo na niyang hindi nakikita ang lalaki ngunit araw-araw niyang nararamdaman ang presensiya nito. Simula nung Linggo, araw-araw na siyang nakakatanggap ng red rose sa kanya na may kasamang sulat. Bigla rin siyang tinawag nitong prinsesa at hindi niya alam kung bakit.

Ganito ba talaga to sa lahat ng nagiging kaibigan niya? Hindi ko rin naman masasabi na talagang kaibigan ko na siya since ilang araw pa lang kaming magkakilala. May angel na siya pero bakit ganito siya sa akin? Kung tama ang iniisip ni ate na ako ang angel neto, bakit prinsesa ang tawag niya sa akin?

Kaya imposible ang iniisip nila ate. Hmm. Kunsabagay, ang may mga ganyang klaseng pagmumuka, sila ang mga taong playboy. Kaya nga ba gustong gusto ko siyang layuan eh.

Bumalik na ang yaya niya na dala ang kanyang agahan. Pagkatapos kumain binuksan niya ang ipad niya at nag scan sa kanyang twitter page.

@yengunplugged

RT @GAnderson03: “If you judge people, you have no time to love them.” –Mother Theresa

If you judge people, you have no time to love them. Tss. Okay. I’m sorry. Sadyang hindi ko lang magawa magtiwala sa mga katulad mo. At isa pa, isa kang malaking misteryo sa buhay ko ngayon. OA na kung OA pero mas namimisteryuhan pa ako sayo kesa sa angel ko.

Napansin niyang matagal na pala siyang pinafollow ni Gerald. Hindi niya alam kung paano pero mukang pinafollow siya nito mula pa nung unang araw niya sa twitter world. Tinignan pa niya ang ilan niyang mga tweets.

@GAnderson03: Hope it made you smile. :)

@GAnderson03: She’s finally my friend, I guess. I’m very happy. :)

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon