Chapter Twelve

2.6K 42 6
                                    

Beep

From: Gerald Anderson

See you later baby girl! :)

Saturday. Tanghali na ng magising siya kinabukasan dahil napuyat siya sa kuwentuhan nila ng ate Shine niya. Kahit madalas siyang kinukulit nito, tiyak siyang mamimiss niya ito dahil ilang linggo na lang at babalik na ito sa Paris.

To: Gerald Anderson

Okay. :)

Kasalukuyan siyang nagshashower nang marinig niyang may pumasok sa kwarto niya.

“Pot! Pagkatapos mo diyan, bumaba ka na at magtanghalian. Lagot ka kay mommy, nagskip ka na naman ng breakfast.” Narinig niyang sigaw ng kapatid.

“Okay” sagot niya.

Ilang sandali lang at natapos na rin siya sa pagligo, wala na ang ate niya ng makalabas siya ng shower room. Isang red rose ang nakita niya sa may table niya.

She smile. Kinuha niya ito at sandaling inamoy at binasa ang notes na kasama nito.

H-ow are you

E-verything I hope is alright

L-ike to hear from you

L-ove to see you soon

O-bviously I miss you

HELLO!

–G ”

Haha. Pilit na pilit.

From: Gerald Anderson

I missed you. :)

Missed me agad?? Buong araw tayong magkasama, miss mo agad?

She smile

To: Gerald Anderson

:)

Kasalukuyan siyang naglalakad papuntang ASAP studio ng biglang may tumawag sa likod niya. Nilingon niya ito at nakita niyang it’s him. Nakangiti itong naglalakad papunta sa kanya.

Baby boy.

She smile

“Hi Sarah. Hi tita” narinig niyang pagbati ng binata.

Nginitian niya ang binata at ipinagpatuloy ang paglalakad papuntang studio. Sinabayan naman siya ng binata habang kasunod nila ang kanyang ina.

“Baby girl, may work ka pa after?” narinig niyang tanong ng binata.

“Um. Wala na.” sagot niya

“Ummm. Dinner tayo?” alok ng binata

“Ha? Um.” Nang sasagot na siya, napansin niyang tumigil ang binata at hinarap ang kanyang ina.

“Tita, pwede ko po bang ayain si Sarah mamaya. Dinner lang po sana.” Paalam ng binata.

Hala.

“Akala ko ba magiging private kayo?” narinig niyang tanong ng kanyang ina

“Oo nga pala. Sorry po tita.”

Nakita niyang napayuko ang binata at ngumiti naman ang kanyang mommy.

“Sa bahay na lang kayo magdinner.”  Narinig niyang alok ng mommy niya.

Hindi man makapaniwala, but still he manage to thank her mother.

“Salamat po. Salamat.” Narinig niyang pasasalamat ng binata.

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon