Chapter Fifteen

2.6K 46 10
                                    

“Baby girl” narinig niyang mahinang tawag sa kanya.

Bigla niyang naramdaman ang isang haplos sa kanyang pisngi.

“wake up na..”

“umm.”

“maaga pa tayo ngayon..”

“ten minutes.” Mahinang sagot niya.

“wake up na..”

“5.”

“baby girl..”

Baby girl??

Pagkarinig nito, bigla niyang iminulat ang kanyang mga mata at ang maamong muka ng binata ang nakita niya.

“ay baby girl!”

Napatayo siya ng marealize niya na wala pa siya sa bahay nila.

“Ge, anong oras na?” natatarantang tanong niya.

“4:30.” Nakangiting sagot ng binata.

“4:30?! Naku po!”

Hindi niya alam ang gagawin kaya nag-umpisa na siyang maglakad palabas ng bahay ng binata. Samantalang nakangiting tinitignan lang siya ng binata.

“Saan ka pupunta?” nakangiting tanong ng binata sa kanya.

“uuwi na! Jusmiyo Gerald, gising na sila mommy neto at patay ako.” natatarantang sagot niya.

Hay naku naman Sarah kasi, dapat kanina mo pa naisip na magagalit ang mommy mo ehh. Arghh! Bakit naman kasi ako sumugod pa rito ng madaling araw! Ano ba kasi pumasok sa isip ko.

Natigil lang siya sa pag-iisip ng biglang may humawak sa kamay niya. Hinarap niya ang lalaki at nakangiti ito sa kanya.

“Mokong ka! Hindi ko na alam ang gagawin ko, ganyan ka pa makangiti”

Hinipo ng binata ang kanyang ilong at nakangiting sinabing “I stared at you for 1 hour, at sobrang saya ko”

“Hindi ka natulog?”

Ngumiti lang ang binata.

“May saltek ka talaga.”

“What’s saltek?”

“Hindi mo alam yun? Ikaw yun.” Nakangiti niyang sagot.

He pouts.

“Huy,uuwi na ako.” paalam ulit niya.

“Maya na. Magbreakfast ka muna.” Malambing na alok ng binata.

“Naku Ge, kakasabi ko lang na lagot ako kay mommy tas may gana ka pang alukin ako ng agahan? Iba ka talaga!”

He smile. “Tinawagan ko na yung mommy mo.”

“ha?!”

“tinawagan ko na yung mommy mo.” Ulit ng binata.

“Anong sinabi mo?”

“Na nandito ka”

“Tapos?”

“Tapos? Um. Ihahatid kita sa inyo paggising mo at para makapagpaliwanag na rin ako.”

“Anong sabi ni mommy?”

“Dapat lang daw na magpaliwanag ako” nakangiting sagot ng binata.

“Ayun ang sagot ni mommy? Tapos ganyan ka pa makangiti? Grabe ka!”

“Hahaha. Eh kasi nga masaya ako na kasama kita ngayon. Hindi ba sapat yun para ngumiti ako ng ganito?”

“aysus! Oh anong balak mong sabihin kila mommy?” seryosong tanong niya.

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon