Chapter Twenty Two

1.7K 42 10
                                    

“Thank you for everything. :) –G”

Kakatapos lang niya basahin ang notes na kasama ng rose na nakapatong sa kanyang table.

Kasalukuyan siyang nag-aayos ng kanyang gamit ng biglang magbeep ang kanyang phone.

From: Gerald Anderson

Good Morning Baby Girl! See you later! :)

Napangiti siya pagkatapos basahin ang text message na galing sa binata.

To: Gerald Anderson

Good Morning din! :) Ingat papuntang abs. :)

Nang ilalapag na niya ang kanyang phone, bigla niya itong narinig magbeep. Napangiti siya sa pag-aakalang si Gerald ang nagreply.

Ang bilis naman..

Kumunot ang kanyang noo ng mabasa niya kung kanino galing ang text.

From: +63927654****

Good Morning Ms. Beautiful! –GA

GA? GA as in Gabriel? Paanong??

Nanlaki ang mata niya ng dahil sa naisip niya

Ate?!!!!!

Ilang saglit pa at biglang pumasok sa kwarto niya ang kanyang kapatid.

“Wow! Gising ka na. Haha. Bumaba ka na” narinig niyang utos ng kanyang ate.

“Ate! Don’t tell me, binigay mo kay Gab yung number ko?” bulalas niya.

“huh?! Oo. Why?” inosenteng tanong ng kapatid

“ate naman eh!”

“eh bat ka nagagalit? Hiningi niya eh.”

“eh bat mo binigay?”

“hmm. It’s just, hindi lang ako nakatanggi. You know, malaki ang utang na loob natin sa kanya. Atleast, don’t forget that.” narinig niyang pangaral ng kapatid.

“Pero hindi pa ba sapat yung thank you at dinner?” galit na tanong niya.

“ikaw? Tingin mo ba talaga sapat na yung thank you at dinner bilang kapalit ng buhay mo?” taas kilay na tanong ng kapatid.

“tss. Pero ate..”

“Bakit ba? Anong masama dun? Gusto lang naman nung tao na makipagkaibigan. You know, it won’t hurt you.”

“Pero teh, si Ge. Hindi mo ba naisip si Gerald? Alam mong totopakin na naman yun.”

“Ha? Baket, kayo na ba?” nakangiting tanong ng ate niya.

“Uh. Hinde”

“Hahahahahaha. Ewan ko sayo! Sagutin mo na kasi”

Binato niya ito ng unan ngunit nakaiwas naman ito. Nakita niyang humakbang na ito palabas.

“bumaba ka na. Hindi porke’t popstar ka eh lagi ka na lang nagpapalate”  pagkasabi nito, tuluyan ng lumabas ang kanyang ate.

Napabulong naman siya ng “hindi naman laging late eh” sabay pout.

Totoo na wala namang masama kung gusto niyang makipagkaibigan. Bat nga ba ako namomroblema? Hay naku naman! Wala naman kaming relasyon ni Ge kaya wala siyang karapatang magalit kung sino ang gusto kong maging kaibigan.

Tss! O sige na nga.. di ko na nga lang rereply-an.

Pagkatapos imisin ang gamit ay bumaba na siya para makapagbreakfast at makapunta na ng studio ng ABS para sa ASAP.

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon