Chapter Nineteen

2.9K 53 21
                                    

“Ha? Tama ba yung narinig ko? Hindi mo gagawin yung teleserye?” narinig niyang tanong ng kanyang handler.

“Yes. You heard it right.” Sagot niya

“Why? It’s your opportunity to have time with your angel, at isa pa, it can help your career. Ayaw mo ba nun?” tanong ulit ng handler niya

“No. It won’t. Mas lalo pa akong mawawalan ng time sa angel ko pag ganun. At isa pa, I’m sorry to say this, but I really don’t care about my career.”

Nakita niyang nagulat ang handler niya sa sinabi niya.

“Hindi mo yata ako naiintindihan Ge, teleserye with Cristine, it means na makakasama mo siya halos araw-araw dahil sa shoot niyo. And you don’t care about your career? Eh ba’t pumasok ka sa industriyang ito?” tanong ng handler niya

“Ako po yung hindi mo maintindihan. Can’t you see? Cristine is not my angel, sinabi ko na yun sa the buzz diba? The only reason why I enter in this industry is because I wanted to be with my angel. Gusto kong pumasok sa mundo niya and this industry is her world. Yun lang po yun.”

“hindi si Cristine? Akala ko kaya mo lang sinabi yun sa the buzz na hindi siya yung angel mo is because of her privacy. So hindi talaga siya? Eh sino?”

Nag-isip siya sandali at napabuntong hininga.

“Hindi ko pa pwedeng sabihin. Basta ang sinasabi ko lang is hindi po si Cristine ang angel ko at hindi ko po gagawin yung teleserye.”

Nakita niyang sandaling nag-isip ang handler niya at ilang minuto lang ay narinig niya itong mag salita.

“Hmm. Pumayag kang mag-asap, so .. nasa ASAP ang angel mo. Hmm. Ano pa bang project ang pumayag kang gawin? Um .. yung endorsements mo, um. Well, big three naman yung mga kasama mo so given naman yun .. hmm .. ano pa ba?”

Bigla siyang nakaramdam ng kaba nang dahil sa nababanggit ng handler niya. Alam na niya kung saan mapupunta ang usapan nila at hindi niya kayang ideny si Sarah sa kahit na kanino.

“aha! Yung movie mo! Hmm. Your leading lady is Sarah. Hmm. Sino pa ba mga casts dun? Hmm .. ohhhh ... is Sarah is your angel?” biglang tanong ng handler niya.

I told yah.

Hindi niya alam ang isasagot. Hindi niya pwedeng sabihin kahit kanino na si Sarah ang angel niya pero lalong hindi niya kayang ideny ang dalaga. Hinding hindi niya yun magagawa.

Hindi pa rin siya nagsasalita at nakangiti namang naghihintay sa kanya ang handler niya.

“ate nhila, please, pumayag ka na pong hindi ko gawin yung project. Please.” Ang tanging nasagot niya.

“So si Sarah nga?” ulit na tanong nito sa kanya

Nang hindi pa rin siya sumasagot, narinig niyang nag-salita uli ang kanyang handler

 “alam mo Ge, hindi maganda yang dinedeny mo ang isang babae. Especially Sarah, well, kung hindi mo alam, her past relationship has failed and the guy denied her. So tutulad ka ba dun?” narinig niyang pangaral sa kanya ng kausap.

“hey, Rayver and Sarah never had a relationship. I know, he dumped her, but please, don’t dare compare me to that boy. I wont do it kay Sarah. I will never be like him.” biglang sagot niya.

“So ayun, si Sarah nga. Eh bat kasi tinatago mo pa?”

Lumipas ang ilang saglit bago siya makapagsalita

 “dahil ayun yung gusto niya”

“ayos lang ba yun sa’yo? Tignan mo tuloy, ikaw yung nahihirapan ngayon.”

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon